This is a work of fiction. Any names, characters, places, and stories or events, are fictitious.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Aishhhh! Di nalang sana ako sumama sa outing na ito e. Nabuburyo na ako dito. At kung minamalas nga naman lowbat pa yung cellphone ko. 57% nyahaha
Nag-aya kasi yung mga ka-officemates ko. Day-off naman kasi namin. Kung alam ko lang na mabobored ako edi sana di na ako sumama. Mas ginusto ko pa sigurong humiga sa kama at matulog buong araw.
Andito lang ako sa sulok nagmumuni-muni habang sila nag-iinuman at naglalaro ng truth or dare. Ako pa ang sinabihan na kj ha. Eh sa hindi ako mahilig sa mga ganyang bagay. Paano nalang kung ang ipa-dare nila sakin ay halikan ang isa sa mga ka-officemates ko na lalaki. It's a no no no for me. Nakareserve to sa lalaking mamahalin ko no
"Jen! Magpipicture lang ako sa mga magagandang spots dito sa resort na ito" ang saya saya talaga nila di ako makasali e huhuhu op op. Tanging tango lang ang isinagot niya.
Aalis na sana ako sa cottage ngunit hinawakan ni Jen ang kamay ko
"OH? Bakit Jen?"
"Be sure to be here at exactly 2:30 ha magswiswimming tayo woot woot" itinaas pa niya ang panyong hawak niya tsaka pinaikot-ikot sa ere. Tss first time sa pool teh?
"Sige" I smiled
"Uhmm Lex? Ayaw mo bang magpasama? Si Clinton oh andyan diba Clinton?" Itinuro niya si Clinton na busy sa paglagok ng alak, isa sa mga ka-officemates ko.
Tumango siya kay Jen
"Hindi na kita mo namang busy siya oh, I can handle myself Jen. Tsaka baka hindi pa ako makakapagpicture niyan, tignan mo nga si Clinton baka isang bote nalang bagsak na yan hahaha" she laughed and nodded her head. Kaya tuluyan na akong lumabas sa cottage
Hindi naman talaga ako magpipicture e. Naiingayan lang ako sa kanila so I decided to take a walk. Pero kung may magandang view man dito, edi pipicturan na diba why not? Pang IG din yan
Habang naglalakad ako dito sa garden nila ay nagandahan ako sa mga sunflowers na tanim dito. Kaya pinicturan ko agad.
Pagkatapos kong picturan ay ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Pero nakatutok ako sa cellphone ko, magpopost nga sa IG e nyahaha.
Habang naglalakad ako ay may nakabunggo sakin kaya nahulog yung cellphone ko
Aytsss kung sinuswerte ka nga naman.
Kukunin ko na sana yung cellphone ko pero kinuha na nung guy na nakabunggo ko at ibinigay sakin.
"Oh thank you uhmmm?" Tumingin na ko sakanya and wahhhh hindi ko maipagkakailang gwapo siya, tumingin ako sa cellphone ko at tinignan siya ulit. shemsss ang gwapo nga talaga niya
"Jayden, Jayden Geronimo" jayden pala ha
"Thanks Jayden. And sorry pala di ko kasi tinitignan dinadaanan ko e" *insert pabebe voice* gwapo yan teh gwapo! Sulit sulitin mo na
"It's okay, and you are?"
"Opps my bad, I'm Alexandra Mendoza" inilahad ko ang kamay ko at agad naman niyang hinawakan then nagshake hands. 1 point! nyahaha
"Why are you alone?"
"Kasi nag-iisa ako? Nyahaha just kidding. Na-oop na kasi ako sa mga ka-officemates ko e kaya napag-isipan kong maglakad-lakad muna" he laughed nyahaha, tangs parang yun lang natawa na mababaw din eh no? Pero bat ganun? Ang gwapo niya tumawa? Huehuehue