"Euna! Bilisan mo nga mag ayos dyan! Late na tayo oh!"
Nasa bahay sila ngayon ni Euna. Actually, magkatabi lang bahay nila. Ilang oras na naghihintay si Jess kay Euna, naiinip na ito sa sobrang tagal
"Eto na! Eto na! Wait lang.." Sigaw ni Euna, pagkalabas nito ay nagulat si Jess sa ayos ng kaibigan.. Naka pulang bistida siya, naka red lipstick, at red heels.
"Saan ka ba pupunta Euna? Magpaparty lang tayo hindi mag ba-ball!"
"Hay nako Jess! Last party na natin 'tong magkakasama sama, kaya lubus-lubosin na!"
"Haaaay!"
"Psh! Tignan mo nga yang suot mo! Para kang manang na mamamalengke eh! Halika nga dito! Aayusin kitang babae ka!"
"Eh" nakahiga si Jess sa kama, at nagbabasa ng libro
"Anong eh eh eh! Dalian mo na! Malalate na tayo!"
Tinigil niya ang pagbabasa at naiilang na tumingin sa kaibgan. "Ehhh hindi ako sasama Euna.."
"WHAAAT?! Anong hindi sasama? My goodness! Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo!" hinila ni Euna si Jess papasok ng dressing room niya, pero nagpupumiglas ito..
"AYOKO NGA SUMAMAAAA!"
"Bakit ba? Ayaw mo bang makita si Marvin ha?! Oy ikaw babae ka ha, alam kong inlababo ka dun, kaya wag mo nang ideny pa sakin!"
"Anong inlababo! Mukha mo! Hindi ah! Inlababo ka dyan, baka ikaw yun!" pagmaang maangan ni Jess
"Aba aba! Pinunta mo pa sa akin! Aminin niyo na kasi sa isa't isa! Ang tagal tagal mo na tinatago yang nararamdaman mo! Hanggang ngayon pa ba naman? Magkakahiwa hiwalay na tayo, kaya sabihin mo na Jess! Na mahal na mahal mo siya! Parang awa mo na!" nagmamakaawang sabi ni Euna kay Jess, halos lumuhod na siya..
"Tsk tumayo ka nga dyan!"
"Sige na kasi Jess, you never know kung ano mangyayare"
"Yun nga eh, tsaka wala naman talagang mangyayari eh. Aalis na ako, flight ko na sa isang araw. At siya din ata lilipad ng ibang bansa. Magkakalayo na din kami, so what for? Walang saysay kung sasabihin ko pa sakanya, it's too late for everything Euna."
"It's never too late. Okay? Malay mo naman! Baka may big changes, you never knooow! And sabi mo nga magkakalayo na kayo right? Kaya sabihin mo na. Speak now or forever hold your peace.. dahil pagsisisihan mo yan sa huli Jess."
"I can't.."
"Hay Jess, ewan ko sayo! Magbihis ka nalang sige na, malalate na talaga tayo oh *tingin sa oras* ay nevermind, LATE NA TAYO!"
"Eto na po! Ayusan mo na ako , di ako marunong mag ayos eh hehehehe"
"Suuus hindi daw marunong, eh ayos na ayos ka nga pag gagala tayo kasama sila Marvin!"
"OY! AYUSAN MO NA AKO DALI NA!"
"HAHAHAHAHAHA ETO NA PO MAHAL KONG PRINSESA!"
.
.
.
.
.
Ang oras ng party ay 8:00 pm at dumating sila doon ng exactly at 9:30 pm..
"Tignan mo Euna! Nagsimula na oh! Dami nang tao! Dapat kasi hindi na ako sumama eh.."
"Eh ikaw eh! Dami mo pang arte! Tsaka we're not late girl! We're just fashionably late!" maarteng sabi ni Euna, sabay flip ng hair.
"Lika na! Pumasok na tayo, dami mo pang satsat dyan eh!"
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love
Teen FictionAnong gagawin mo kapag lahat ng nakita at inakala mo ay isang malaking maling akala? Lahat ng pinapaniwalaan mo ay mali pala. Lahat ay hindi totoo, fake, at isang pagpapanggap lamang. Si Jess ay isang hopeless romantic. After her first heartbreak...