May isang kaharian pangalan ay Babelonya na pinamumunuan ng isang hari nagngangalang Haring Pedro. May asawa siyang nagngangalang Reyna Veronica at mga anak na sina Don Leo, Don Jose, at Don Arnelio na pawang nakalinya na susunod na hari ng Babelonya. Si Don Jose ang pinakapaboritong anak ng hari. Kaya labis ang pagtatampo ng dalawa niyang nakatatandang kapatid. Sa paglipas ng ilang buwan, ang hari nakadama ng masamang karamdaman. Tanging nasa Bundok ng Arayat lang ang sagot sa masamang karamdam ng hari. Ang napagkasunduan ng hari at mga anak ay kung sino ang makakapagdala sa kanya ng matsing na may ibang katangian (na tanging tinig lamang nito ang makapagpapagaling sa hari) ay siyang ituturing na bagong hari ng Babelnya. Hinanap ni Don Leo at Don Arnelio ang matsing pero hindi nila alam kung anung katangian ng matsing ang kanilang hahanapin. Narating nila ang kagubatan, ngunit wala silang nakitang matsing. Sa kanilang paglalakbay ay may natagpuan silang grupo ng mga pagong na nasa tagong ilog. Nang paghahampasin ni Don Leo ang ilan sa mga pagong siya ay naging isang bato, ganun din si Don Arnelio. Si Don Jose ay nagsimulang maglakbay, nais niya na tulungan ang kanyang ama sa karamdaman nito. Sa di-kalayuan siya ay may natanaw ng isang napakalaking daga, agad niyang hinawakan ang itak na kanyang dala. Dahan-dahan siyang naglalakad (tila nagmamasid sa paligid) sa isang banda ang kayang natanaw na daga ay tila nawala sa isang idlap, at may isang liwanag na talagang nakakasilaw. Lumitaw ang ermitanyo at nais payuhan si Don Jose sa mga trahedyang maaaring mangyari sa kanya sa pagtungo niya sa tuktuk ng arayat. Binigyan siya ng isang bote ng alak, pwede niya itong gamitin kung siya ay magiging bato. Maluwalhating narating na niya ang tuktok ng Bundok Arayat at may nakita siyang tribo ng matsing. Gayunpaman hindi siya nagdalawang isip na kunin ang isa sa mga matsing. Nagtagumpay siya sa pagkuha ng nasabing matsing. Sa kanyang pagbabalik sa kaharian napadako siya sa kagubatan kung saan ang nakita ng kanyang mga mata ay ang bato niyang mga kapatid. Agad niyang tinulungan ang mga kapatid niyang nagging bato, binuhusan niya ito ng alak. Muling nagbalik ang katauhan nila Don Arnelio at Don Leo nakita nilang dala-dala ng bunso nilang kapatid ang matsing na may ibang katangian. Pinagtulungan ng dalawa si Don Juan para masolo ang pagiging hari. Kinulong ni Don Arnelio at Don Leo si Don Jose sa isang malalim na hukay. Dala ng Dalawa ang nasabing matsing, ngunit hindi nila kasama si Don Jose. Nalungkot ang hari nang malaman niyang wala ang kanyang bunsong anak. Tinulungan ng isang Diwata si Don Jose kaya nakahabol siya sa kaharian. Upang pigilan ang pagtataksil ng kanyang mga nakatatandang kapatid. Si Don Jose ay idineklara nang hari ng Kahariang Babelonya. Nang dumako si Don Jose sa pook ng antipolo may nakilala siyang isang babae na nagngangalang Donya Amelia. Umibig kaagad si Don Jose kay Donya Amelia. Inibig din agad ni Donya Amelia si Don Jose. May pinakasalan din sila Don Leo at Don Arnelio. Si Don Leo ay Pinakasalan si Donya Helena samantalang si Don Arnelio ay nagpakasal kay Donya Bernadette. Laking tuwa nina Haring Pedro at Reyna Veronica, sa pagkakaroon ng asawa ng tatlo nilang mga anak. Simula nang okasyon na iyon ay sila’y di-nagkakagulo at silang lahat ay namuhay ng masaya’t matiwasay.