Prolouge

7 0 0
                                    

Zerchine POV

Araw ng sabado ngayon at papunta na ako sa bahay ng pangatlong partner ng kliyente ko. Isa akong working student, nag tatrabaho ako sa SEPARATION AGENCY tuwing weekends. Mag-isa ko na lang binubuhay ang aking sarili sapagkat bata pa lamang ako ay ulila na.

Nakatira ako sa isang condominium malapit sa iskwelahan ko para walking distance lang, hindi naman ito gaanong kamahalan kaya't nakakaya ko pang bayaran dahil din sa trabaho ko.

Binasa ko ulit ang email na pinadala ng client ko.

Name: Shaira Santos
Partner: Vaniel Rio Atayde
Address: Block 28 Lot 61 Tolentino Village, Atayde Residence.
Reason: CASSANOVA/BASTARD!

Napailing na lang ako ng mabasa ko ulit ang rason ni Ms. Shaira, nakakaawa naman siya siguro hindi niya na kaya pang tiiisin ang ugali nitong Vaniel na'to?

Mga lalaki nga naman oh. Kung hindi nananakit, madami namang jinojowa. Kasiyahan ba talaga nila yon? Mabuti na lang nga naiiba si Collin sa kanila  maswerte ako dahil doon. Napangiti naman ako bigla sa naisip ko.

Nang makarating na ako sa bahay ng lalaking yun ay mag dodoorbell na sana ako ngunit laking gulat ko na bukas ang gate, dumiretso na lang ako papasok sa pintuan at kumatok. Sa pangatlong katok ko ay nagbukas ito ngunit mas lalo akong nagulat sa bumungad sakin.

May hindi kanais-nais akong nasasaksihan ngayon sa harapan ko. What a scene! Lintek na mga tao 'to, kung mag laplapan eh daig pa ang gutom na hindi pinakain ng ilang taon.

'Hayok na hayok mga brad? Like hello may tao sa harap niyo? At pinagbuksan niyo  pinto? Mga letse.'

Napairap na lang ako sa hangin. Nakaramdam na siguro ang babaeng tirik na tirik ang mata na may nanunuod sa kanila. Sakto namang napatingin ito sa direksyon ko. Gulat na gulat ito na para bang nakakita ng multo.

'Ano 'te? Nag enjoy ka? Kung makatirik mata mo eh. Tsk!'

Nginitian ko naman siya. Ngiting may bahid ng pandidiri. Sino ba namang di mandidiri sa ginagawa nilang dalawa? Kababuyan din nila eh noh?

"Babe, Stop." Sabi ng babae.

"But why? We're just getting started." Pagrereklamo ng lalaki. Aba naman mabuti na lang eh napaaga ang pagpunta ko at kakasimula pa lang pala nilang dalawa. Baka kung nahuli ako ibang session na ang ginagawa nila ngayon.

Nginuso naman ako ng babae at nilingon ako ni Vaniel. "Fuck! Who are you?" Aba! At ngayon lang nga talaga ako napansin. Ganyan ba siya kabusy sa kakalamutak sa bibig ng babaeng yan? Aba. Walangya sila.

Tumakbo naman ang babae paakyat. Nahiya siguro. Aba? Dapat lang mahiya siya, ikaw ba naman makita ng feel na feel yung pag laplap eh.

"I said who are you?" Pag tanong ulit ni Vaniel. Nakalimutan kong trabaho pala ang pinunta ko dito at hindi pagnood ng live show mula sakanila. Umayos ako ng pagkakatayo at nagpakilala sakanya.

"I'm Miles Yu, from Separation Agency. The reason why I'm here because Ms. Shaira Santos wanted to tell you that she wants to break up with you."

Nabigla ito sa sinabi ko at tumawa. What the?! Anong nakakatawa sa sinabi ko?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Separation AgencyWhere stories live. Discover now