"Wow Annika! Pabasa ng story pagtapos mo na, ah?" Nginitian ko naman si Cherry, ang isa sa mga classmate ko. Isa kasi si Cherry sa mga tumatangkilik ng gawa ko. Writer ako sa isang website na ang pangalan ay Huwattpad. Siya rin ang isa sa mga inspirasyon ko kung bakit gumagawa ako ng mga story.
"Sige ba. Pero magp-print ako ng copy para hindi mo na basahin online. Balak ko kasing ipasa ito sa Writer's Page na club eh," sabi ko. Nakita ko naman na nagningning yung mga mata niya. Tuwang-tuwa siya.
"Sureeeee! Babasahin ko talaga yan! And I'm sure na matatanggap yan ng Writer's Page. Ang ganda kaya ng mga story mo!" sabi niya. Ay. Flattered naman ako sa kanya.
"Thank you talaga, Cherry. Hayaan mo, bibilisan ko ang pagsulat nito para mabasa mo na!"
Ang Writer's Page ay ang club sa school namin na in charge sa school paper at mga story na kukuhanin ng Multimedia club (na gumagawa ng mga movie productions). May audition ngayon sa club nila. Kung gusto mong sumali sa school paper, bibigyan ka nila ng subject at ikaw na ang bahalang gumawa ng article. Kapag naman sa story writing naman, bibigyan ka nila ng 15 days para isulat yung story mo. Maximum of 60 chapters at minimum of 10 chapters naman. Magpa-pass ka ng hardcopy and dapat, presentable yung book.
"Welcome! Sige, labas na ako, ah? Hinahanap na kasi ako ng mga friends ko. Bye!" Nag-wave nalang ako sa kanya. Ng makaalis na siya, binalik ko ang tingin ko sa laptop at tinuloy yung tina-type ko.
Mga 5 chapters nalang at matatapos ko na yung story ko. Malapit na ang deadline kaya naman, sinusubukan kong bilisan ang pagsulat ko.
"Oy, bakit ganyan ang itsura mo? Ilang araw ka na bang hindi natutulog, ha?"
"Hahahahaha! Mukha ka tuloy panda! Yun nga lang, hindi ka cute."
"Wag niyo na ngang asarin! Kita niyo ng malungkot yung tao eh."
Napatingin naman ako doon sa classmate kong kakapasok lang. Si Jackson. Malungkot yung mukha niya at kitang-kita ko nga ang eyebugs niya. Mukha nga siyang panda. Hahaha. Joke lang. Umiyak nanaman siguro ito. Recently lang kasing nag-break nung girlfriend niya. Sa pagkakaalam ko, nagkagusto yung girlfriend niya sa iba. Paano ko nalaman? Kalat-kalat kaya ang mga chismosa sa amin. Hahaha. Tsaka sikat na topic yan ngayon sa school namin.
Sige, kapag natapos ko na itong story ko, ipapabasa ko sa'yo ito. Tungkol kasi ito sa babaeng nagmo-move on rin sa ex-boyfriend niya. Joke! Hindi naman kami close nitong si Jackson kahit 4 years ko na siyang classmate. Yep, eversince 1st year kami, we're classmates.
Aaminin ko, naging crush ko siya eversince 1st year kami kasi gwapo at matalino siya tapos humble pa. Kahit hindi siya atheletic at macho, basta kapag matalino at mabait ang isang lalaki, mabilis akong ma-attract sa mga ito. Bonus points nalang kapag gwapo or may ibang talents pa siya.
Ay teka! Nagsusulat nga pala ako! Itong si Jackson kasi. Dumating lang siya at napakwento tuloy ako sa inyo. Hahaha!
[KYLE'S POV]
"Kyle, mayroon ka pang photoshoot at 7PM. After that, may interview ka kay Mr. Oliver. Mga 9PM yun. And then, magdi-dinner tayo with Karissa Sanchez ng 11 PM," sunud-sunod na paalala sa akin ng manager ko na si Larry.
Ang daming activities. Simula ng pumasok ako sa pag-aartista, nawalan na ako ng oras para makapagpahinga. Palagi na lang akong busy 24/7. Well, kahit naman na tinatamad ako, wala akong choice. I chose this afterall.