Excerpt

3 0 0
                                    

Nagising ako sa isang mahinang tapik sa aking balikat. "Miss, gising na. Magsasara na ako." Pupungas kong minulat ang aking mata at ang Librarian ng eskwelahan ang aking nadatnan.

Nakatulog pala ako dito. Siguro dala na rin ng pagod at kulang sa tulog. Tumayo ako at isa-isang pinulot ang mga gamit na nakakalat sa mesa. "Sorry po ma'am."

"Where's your groupmates? Dapat ay lahat kayo ang gumagawa niyan." Nginitian ko lang ng tipid ang librarian sabay suklib ng bag sa aking balikat. "Busy po kasi sila ma'am. Tutal kaya ko naman po."

Lumabas na ako at napagtantong mag-aalasingko na pala ng hapon base na rin sa kaunting dami ng mga estudyanteng naglalakad.

Papalabas na ako ng eskwelahan nang makita ko si Aaric kasama ang isang babae na sa tingin ko'y isang junior high school student. Akala ko ba si Monica? Ito kasi ang humored girlfriend niya.

Napailing na lamang ako sa aking naisip. Hahakbang na sana ako nang magawi ang tingin niya sa akin. Kusang dumilim ang kanyang mukha ng makita ang mga dala ko.

Anong problema niya sa mga gamit ko? Inano ba siya ng mga ito? Wala naman itong ginawa sa kanyang masama.

"Atasha!" Lumingon ako at nakita ang papalapit na si Dwight. "Buti naabutan pa kita." Tipid na ngiti lamang ang aking tugon sa kanya. "Uuwi ka na? Tara, sabay na tayo." Tumango ako at ibinalik ang tingin sa kung nasaan si Aaric kanina. Nakita ko itong naglalakad patungo sa field. Napa-ismid ako. May date ata sila. 

"Atasha, tara na!" Sabay kuha niya sa mga gamit ko. Napangiti ako sa kanyang ginawa. Gentleman talaga.

"Sige..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dream GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon