Pagkakamali, kakambal na ito ng buhay ng tao parang si B1 at B2, Hansel & Gretel, Romeo & Juiliet, ang Panginoon at ang mga tao. Simula ng isilang tayo dala na natin kaagad ang pagkakamaling unang naganap sa ating mga magulang na si Eba at Adan kung saan sinuway at natukso sila kainin ang kaisa-isang prutas na hindi ipinagagalaw ng Panginoon sa buong paraiso. Noon pa man ay may mga bagay ng magtutulak sa atin sa tukso upang magkamali katulad ng “ahas” na di umano’y syang nag-udyok at nagpasok sa ideya ni eba upang tikman ang nasasabing prutas. Likas sa atin ang pagiging mahina dahil sa ipinakita ng senaryong ito. Kung sa panahon nila Eba at Adan ako nabuhay masasabi kong kakaunti ang tyansa na sila ay magkamali, sapagkat ibinigay ng Panginoon ang malinaw na instaksyon, simpleng dalawang utos, ang una ay Magparami at punuin ang Mundo; at Huwag kumain ng bunga ng puno ng karunungan sa pagitan ng mabuti at kasamaan. Binigyan tayo ng kalayaan at karunungang pumili ng mga desisyon na ating gagawin katulad ng kalayaang ibinigay Niya kay Eba at Adan.
Habang Lumalaki at nagkakaisip tayo dito nagsisimula ang mga bagay na nakakagawa tayo ng pagkakamali katulad na lamang ng tayo’y nag-uumpisa at natututong maglakad, hindi batid ng musmus nating isipan ang maaring mangyari tanging kaba at takot lamang ang ating nararamdaman sa mga panahong tatahakin natin ang unang mga hakbang sa ating buhay, ang tanging pinanghahawakan nating lakas ay ang mga ngiti ng ating mga magulan na nagsasabing huwag kang matakot andito ang nanay at tatay upang saluhin ka kapag ikaw ay matutumba, ang kailangan mo lang gawin ay tumingin sa aking mga mata upang makarating sa lugar kungsaan kami ay makakasama. Mga ngiti sa labi dahil sa tagumpay na nakamit, simpleng bagay na nagdulot ng saya. Mga panahong akala ko’y kaya ko ng mag-isa kaya ang paglakad ng wala sila ay aking isinagawa, unang sugat na aking natamo, masasabing pagkakamali ay nagdulot ng panibagong nararamdaman, tapang na aking dadalhin sa paglakbay sa mundong ating gagalawan.
Tulad ng hayop na habang lumalaki ay mas kinakailangang maging responsible sa araw-araw na buhay, tulad ng mga halaman na nangangailangan ng mas maraming sustansya at atensyon ibigay upang maging magand, pero maiihalintulad ang mga batang lumalaki sa iisang bagay lamang at iyon ay ang Sponge, oo tama ang nasa isip mo sponge yung panaghugas ng pinggan o di kaya ay pangkuskus sa banyo. (kaya siguro naimbento si Spongebob haha pasensya na nanunuod kasi yung pinsan ko nung ngsusulat ako). Ang mga magulang ang tatayong dishwashing liquid at ang iba’t ibang tao na makakasalamuha nya ang mga pinggan, kubeta at kung anu-ano pa. Kung ano man ang itinuturo ng ating mga magulang sa atin iyon ang nagmimistulang mga dishwashing liquid na pumapasok at naa-absorb natin wala pa tayong mga kamay at paa dahil sa musmus na ating pag-iisip kung ano ang ituro sa atin yun ang gagawin natin, habang lumalaki tayo di maiiwasan ang maksalamuha at makakilala tayo ng iba’t ibang tao na magpupuno at magdadagdag sa mga kaalamang naipundar o nailagay ng ating mga magulang(yes may paa at kamay na yung sponge haha teenage stage kumbaga) nagkaroon natayo ng kalayang piliin at kunin ang mga bahay na gusto nating malaman at gawin, nadyan na ang nakatakdang bagay na magkakarumi ang sponge, pero alam mo kung ano ang maganda rito kung nailagay ng maayos ang dishwashing liquid sa sponge hindi ka mahihirapang bumalik sa dati mong anyo. Kumbaga sa realidad makakagawa at makakagawa tayo ng mga pagkakamali at kasalanan pero kong sa kaibuturan ng ating puso ay alam natin kung paano maiiwasto at maiisaayos ang mga nagulo hindi tayo panghihinaan ng loob na magkamali muli upang may matutunan.
Lahat siguro tayo naniniwala sa mga katagang hindi mo lubos na maiintindihan hanggat hindi mo nararanasan at wala ka sa sitwasyong iyon. Marami ang mga problemang kinakaharap ng bawat isa kapag inisa-isa koi to baka lumagpas ako sa maximum. Unahin natin ang pinansyal, bakit ng aba may mahirap at mayaman? World balance yan lagi ang isinasagot ko sa tuwing nakwekwestyon ko ang mga makamundong bagay, na kailangang may naghihirap habang yung iba ay nagpapakasarap, may masasayang tao dahil may mga nalulungkot na tao. May mabaho kya may mababango at syempre may magaganda at gwapo kasi lahat tayo maganda at gwapo. Sa mga simpleng bagay nay an madalas yan ang mga dahilan ng mga pagkakamali natin pinipilit nating maabot ang mga nasa taas at hinahangad natin ang mga bagay na wala tayo. Kung ang lahat ng tao ay mapagbigay at nagtutulungan marahil hindi na uso ang mga PULIS at sobrang saya na ng mundo (baka nga nagkalat na ang mga angel tapos nagkakanta lang kasi wala na silang magawa kundi panuorin ang perpektong mundo) pero hindi e mas nangingibabaw pa rin sa atin ang pansarili nating pangangailangan. Ito na lang ang tandaan natin lahat ng desisyong ginagawa natin at mga aksyong naiisagawa natin may taong naa-apektohan ito, na ang buhay natin ay parang isang sinulid di man natin kilala ang lahat ng karakter sa mundo magkakadugsong at may kaugnayan tayo sa bawat isa rito. Okay lang maging tanga pero wag mo naman pakyawin lahat ng pag-kakamali sa mundo hayaan momg maranasan din ito ng ibang taong katulad mo.
Human beings are meant for mistakes without it we are not able to learn things or should I say make the better out of things. Kaya nga may kasabihan tayo na nobody’s perfect, pero kaya tayo nagprapractice e para maitama ang mga mali na kaya naman nating ayosin. Ang buhay ay isang malaking labyrinth maze, maganda at masama ang mga nakikita natin, maaring maligaw tayo pero ang mahalaga natuto tayong magdesisyon ng para sa ikakabubuti natin at ng mga taong nakapaligid sa atin. Marami sa atin ay naguguluhan pero dapat nating isipin kung ginawa ba ng Panginoon na iisa ang daan patungo sa Kanya marahil mas marami ang himdi makakapunta at makakarating sa kinalalagyan Niya, bukod sa masasawa ka baka mas maligaw ka pa. Malit man o malaking pagkakamali, minor o major? Hindi ko alam kung san nagmula ang batayan pero ang tanging alam ko lang nababatay ang pagkakamali natin dala sa mga tao at standards ng mga nasa paligid natin. Paniwalaan at gawin nating batayan ang sampung utos ng Diyos sa mga desisyon na ating gagawin upang maging maayos at madali ang daloy ng buhay para sa atin. Kumplekado talaga ang mundo para hamonin tayo at mas makilala pa natin ng higit ang sarili natin. Tutulog, kakain, ginagawa o gagawin ang misyon natin, mapapagod at manghihina tayo pero wag na wag mong iisipin ang pag-suko, magpahinga ka, magdasal at kumain ulit para makaipon ng lakas at makakuha ng bagong ideya kung paano haharapin nag tinatawag na realidad at ang mga bukas na ipagkakaloob sa atin ng Poong may kapal.
Sibi nga ni Optimus Prime, There are innumerable mysteries to the universe. But who we are, is not one of them. That the answer lies inside us. I am Optimus Prime, and I send this message to my creators: leave Earth alone, for I’m coming for you! (haha wala lang gusto ko lang malaman nyo na kakanuod ko lang ng Transformers: Age of Extinction. Haha just kidding isa to sa mga linyang natandaan ko at feeling ko ang dami at ang makahulugan nito sa buhay ko, realization ba kaya bunos na din gusto ko i-share.)
Human beings meant to do mistakes that’s the great thimgs about us we are doing it cause we like or need it. (a non-verbatim lines from Cade Yeager sa movie na Transformers pa din. Haha sana parangalan nila ako sa pagtangkilik ng movie nila joke lang sadyang nakakatuwa lang na pagkagaling ko ng sinehan e isang msgs. ang natanggap ko patungkul sa mistakes at essay writing kya naalala ko kaagad e yang mga linyang yan) Hindi natin alam kung kelan tayo magtatagumpay kaya andyan ang mga panahong sinusubukan natin kung ano ang mga kaya at di natin kayang gawin, na minsan dahil sa pagkakamali natin doon natin natatapuan ang tagumpay. Ang mga bagay na nag uudyok sa atin upang sumubok ang susi sa lahat ng ating pagkakamali patungo sa tagumpay na ating minimithi.
Wise man learns from his mistakes while wiser man learns from others. Lahat tayo naging si wise man at wiser man may mga pagkakamali tayo na sadyang kinapulutan talaga natin ng aral pero may mga pagkakataong pati pagkakamali ng iba ay natuto din tayo. Gaano man kadami ang natutunan mo sa iyong sarili at sa ibang tao magpasalamat na lang tayo na hindi tayo nag-iisa na nagkakamali at mag-kakamali pa.Isa lang ang masasabi kong dahilan kung bakit kailanang magkamali muna ng tao para matuto, ito ay ang upang mas makilala at malaman natin ang kung ano at sino ba talaga tayo, para may maiyapagyabang tayo, para mas maging matalino, wais, malakas, matapang at bukas ang isipan sa mga bagay at hamon na haharapin natin habang nabubuhay tayo.
After writing this type of essay I’ve realized things that I am the author of my life, unfortunately I am using the type of pen with an ink that I can’t erase my mistakes. Having those mistakes makes me realized that life never come with instructions so all I have to do is to take chances and don’t ever look back, if you don’t experience it (abnormal ka! Haha joke) you will never learn and you will never get a chances to improved.
----Rogelia

BINABASA MO ANG
Mistakes
SpiritualDahil nanuod ako ng Transformers: Age of Extinction at may nagtext sa akin ng isang patimpalak ukol sa Essay writing na may temang "Mistakes, Why do we have to go through mistakes before we learn?". mas pinili kong ipahayag ang mga nararamdaman at n...