Si Mama..
Ang tunay niyang pangalan ay Ethan Syr F. Collins. (Syr- pronounced as Sayhr) Ang ganda, diba? Pang-sosyal.
In fact, hindi lang pangalan niya ang sosyal—yung buong pamilya nila Mayaman kasi yung pamilya niya.
Well, yung sa amin, wag na kayong magtanong. Maykaya rin kami noh, tsk.
Magkaedad lang kami ni Ethan. Kaya lang, ang turing ko sa kanya ay para nang kuya, parang ate, parang tatay, at nanay— all at the same time. Since siya na lang ang kasama ko buong layf ko.
Di ko kasi alam kung nasaan ang parents ko o ang ibang kapamilya ko man lang pero alam ko kung nasaan ang lola ko at lolo ko. Parang sila na nga lang ang kasama ko sa buhay eh. Yung lola ko, nasa bahay nila. Kaya lang malayo yun sa school ko kaya hindi ako tumira dun. Pinayagan naman ako ni lola dear. Si lolo naman, ayun sa heaven. Dibuuhhhhh. Alam ko pa rin naman kung nasaan siya eh. Dati kasi, silang dalawa ang magkasama ni lola pero ayun, nagkasakit sa puso si lolo. Pero ayos na rin yun eh, di na siya mahihirapan pa, diba. Tsaka may nag-aalaga naman kay lola dun. So, no worries. Hihi.
Si Ethan naman, yung pamilya niya ay nasa ibang bansa. Hindi nila kayang umuwi rito sa Pilipinas dahil may business sila roon. Kaya, yung ate niya lang ang umuuwi rito. Depende lang sa oras na available siyang umuwi. Model kasi ate niya. Share ko lang. Paki niyo ha. Ano, suntukan?
Hmmm, baka iniisip niyo na kung model ang ate niya, edi maganda siya. Tapos kung magkapatid sila, gwapo si Mama? YESSSSSSS. Gwapo siya, mga beshie. Tse! Mainggit kayo dyan. Kaya lang, hanggang nanay lang ang turing ko sa kanya noh. Nothing more and nothing less. Hihihi.
Iisang bahay lang kami nakatira ni Ethan. Siya ang nag aalaga sa akin. Babysitter kumbaga. Hehehe. May maids din naman kami pero weekends lang namin sila pinapapunta kasi kaya naman namin ang sarili namin noh. Ano kami, bata? Ay, oo nga pala. Ako nga pala yung bata dito.
Noon, magkatabi pa yung bahay namin. Tapos si Yaya pa ang nag aalaga sakin nun. Everyday, pupunta siya sa bahay. Para lang makipaglaro, at para lang may makasama ako. O minsan, baliktad. Ako yung pupunta sa kanila tapos makikikain, makikipag bonding at makikilaro— kasama na yung ate niya.
Pero ang tagal na nun, marami nang nabago. Move on, move on rin kapag may time, diba. Di kagaya mo na nagbabasa ng Wattpad habang naghihintay kung magtetext pa yang ex mong binreakup-an mo kanina kasi nakita mong may kasamang iba kahapon.
May narinig akong sumaradong pinto kaya tiningnan ko ito. Nakita kong si Mama pala ito na nakatapos na palang maghugas sa baba at nakabihis nang pantulog.
"Kanina ka pang tulala diyan, Eli. Ano na naman bang iniisip mo? "
Hindi na ako sumagot kasi alam naman ata nating lahat na siya lang naman ang iniisip ko kanina..
Tumingin na lang ako sa kanya ng blangko kagaya ng isip mo kapag nagkaroon kayo ng surprise quiz sa math.
"Huwag mong sabihin sa akin na pinagpapantasyahan mo yung pulubing nahawakan mo ng kamay kanina. " sabi niya tapos inayos yung gamit sa gilid ng kama namin.
"Huh? Di kami naghawak kamay noh"
pagdedeny ko. Wait, oo ba? Kailan? Ba't di ko alam? Ba't ko kayo tinatanong? Alam niyo ba?"Oo kaya. Hinawakan niya kaya ang kamay mo ng mahigpit habang binibigay mo yung singko."
Ay, oo nga pala hihi. Luh. Paano niya naman nalaman.
"Nahulaan ko lang. Di naman sa sinusundan kita o ano." Ahhhh, okay. Galing ah.
Tumango na lang ako tsaka ngumiti nang napakatamis na para bang isang timang.
"Matulog na tayo. May pupuntahan pa tayo bukas." sabi niya habang papahiga na.
Wait. Ano daw?????
"May pupuntahan tayo bukasssss?????? " excited kong sabi. Hihi. Trip kong ma-excite. Papatol kayo?
"Shhh. Ang ingay mo. Palagi naman tayo umaalis kapag Sabado, diba? Matulog ka na nga. "
Tsaka tumalikod sa kanya. Niyakap niya naman ako dahil alam niyang sa ganitong paraan lang ako makakatulog.
Manigas kayo dyan sa inggit. *hairflip*
‹‹‹‹‹›››››
Author's Note: Guysss.... patawarin niyo 'ko please.. Alam kong boring yung chapter hahaha.
Nag focus kasi ako dun sa part ng life nila ni Mama Than.. So, sowwry na ah. Hahaha.
Bati na tay*, guys.
(Lol ang short nitong chapter, I know.)
BINABASA MO ANG
Mama..
Short StoryA supposedly cheerful story of two highschool friends. Short yet cliche at the same time.