Sa bahay nila II

36 0 0
                                    

kumuha pa ako ng upuan para lang patayin ang ilaw sa kusina, atsaka binalik at nagtungo na sa rooftop.

Napatingin sa akin si Riya.

"tara na be!"

"wait, iwan ko lang tong phone ko dito sa lamesa. Baka kasi mahulog eh"

yun na nga ang ginawa ko, natakot kasi ako sa aakyatin wala pa naman akong bulsa kaya iniwan ko muna yung Cp ko duon sa lamesa na katabi ng ladder bago umakyat.

Nakarating kami ng rooftop ng naka ngiti, malamig. Sarap ng hangin, tahimik, sarap mag emote.

Nagtagal dib kami duon, onting kwentuhan tungkol sa life kaya lang boring din talaga kapag walang sounds.

"kunin ko lang cp ko sa baba, para soundtrip tayo."

"okay, sige."

Bumaba naman ako para kunin, pagbaba ko...

"Riya!!!! nandyan ba yung cp ko?"

"Wala dito! diba iniwan mo dyan sa mesa?"

"Wala kaya dito! di ko ba talaga nadala dyan?"

"hindi be eh, wait bababa na ako dyan"

hindi ko alam kung nakalimutan ko kung san ko nilagay, pero tandang tanda ko na nandto talaga yun at hindu ako pwede magkamali.

pagbaba ni Riya, nagtungo agad sya sa kwarto nila para kunin ang phone nya at i-miss call ag phone ko. Kaya habang nandun sya sa kwarto nila, panay ang hanap ko.

maya maya, Narinig na naming nag ring. Lumabas sya sa kwarto nila at dahan dahan naming hinanap kung san patungo yung tunog.

Laking gulat namin nung nakabukas ang ilaw sa kusina nila, which is pinatay ko knina bago umakyat sa rooftop, at duon nanggagaling ang tunog ng cp ko.

nagkatinginan lang kami at promise, puputok na puso ko sa sobrang kaba. Hayuff na yan.

pagdating sa kusina, yung cp ko nandun sa mismong lababo nila sa loob.

"Hala be!! bakit nandyan yan???" sabi ko sakanya.

"Hindi mo ba iniwan dyan kanina?"

"nakita mong nilagay ko sa lamesa diba? :("

mangiyak ngiyak nako sa takot.

si Riya naman, ngumiti lang at

"Ahhhh, sya nanaman. "

"Wtf?? sinong siya???? be hindi ka nakakatuwa!!"

"Wala yun, basta sya. Ganyan sya kapag may nagugustuhan siyang tao"

"beeeeeeeeeeeeeee!!!!!! hayuuuuuuuup kaaaaaa!!!!!"

to be honest, maluha na talaga ako lalo na sa huling sinabi niya. agad ko tinext si daddy para magpasundo.

habang inaantay si daddy, nagpabango muna ako kaya kinuha ko sa bag yung pabango ko.

(FACT: kapag may kukunin ka sa loob ng bag mo, makikita mo yung mga laman o nasa loob ng bag mo diba?)

pagkakha ko ng pabango, syempre nakita ko ibang gamit sa loob ng bag ko. saka chineck ko muna lahat at baka may makalimutan.

Sakto nandyan na si daddy, paalam na ako agad agad kay Riya at hindi talaga ako natutuwa sa mga nangyayare.

Habang nasa sasakyan, hindi pa gaano nakakalayo mula sa bahay nila biglang

1 new message

hmm? sino kaya to?

From: Riya

Be! naiwan mo ata wallet mo dito.

hmm? wallet? eh nakita ko yun sa loob ng bag ko kanina nung nagpabango ako eh, imposibleng akin yun.

To: Riya

Hala, hindi akin yan be. Salamat :)

From: Riya

Iyo to eh, I.d mo nakalagay dito oh. saka color gray, ikaw lang naman mahilig sa ganitong kulay.

chineck ko agad ang bag ko, hinanap ko at wala nga sa loob. imposibleng mahulog yun :'(

yung mga oras na yun, hindi ki na alam ang dapat kong isipin. All I know is, May multo sa bahay nila.

Sa bahay nilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon