Chapter 7 His True Feelings

4 1 0
                                    

David's POV

     Bumangon ako mula sa kama na ginamit ko sa pagtulog. Dito ako natulog sa bahay ni tita Elisa sa kwarto kung saan ako natutulog no'ng dito pa ako tumutuloy at hindi pa nagtatrabaho bilang bodyguard/driver ni Alexa. I checked the wall clock and it says it's already 9 in the morning. Lumabas na ako ng kwarto at tinungo ang kusina upang magbreakfast. Si tita ang inabutan ko na naghahanda ng makakain.

     "Good morning, tita!" bati ko habang papalapit ako sa kaniya.

     "Oh, hijo, gising ka na pala. Magbreakfast ka na, ito oh pinaghanda na kita." yaya sa akin ni tita na ipinagtimpla pa ako ng kape.

     "Sige po, tita." sabi ko sa kaniya at umupo sa upuan sabay kuha ng pandesal na nakahain sa mesa at nagsimulang kumain. "Si Mikael po?" tanong ko sa kaniya nang mapansing wala ito sa bahay.

     "Pumasok na, tinanghali kana kasi ng gising kaya 'di mo na siya inabutan dito." sagot sa akin ni tita.

     "Pasensiya na po tita, sinusulit ko lang po habang wala pa ako sa trabaho." paumanhin ko naman sa kaniya.

     "Naku, wala 'yun. Wala kang dapat ipagpasensiya. Siya nga pala, tumawag sa akin kagabi si Alexa, tinatanong kung nandito ka raw sa bahay. May problema ba kayo, anak?" nag-aalalang tanong sa akin ni tita habang nagliligpit ng mga plato sa lababo.

     Dahil sa tinurang iyon ni tita ay bumalik muli sa akin ang mga nangyaring tagpo kagabi na ayaw ko na sanang alalahanin pero dahil nagtanong si tita, wala naman sigurong masama kung mag-open-up ako sa kaniya para na rin makahingi ako ng payo kung saka-sakali.

     "Tita, mali po bang magdamdam ako sa isang bagay kahit wala naman akong karapatan para gawin ito?" panimula ko na handa nang pag-usapan kung ano 'yung nangyari kagabi.

     "Alam mo Dave, lahat naman tayo may karapatang magdamdam dahil tao lang tayo. Ok lang kung paminsan-minsan nalulungkot tayo at nasasaktan, minsan depende sa dahilan at pinagdadaanan natin." malumanay na sagot sa akin ni tita. "Pero ikaw, ano bang dahilan ng pagdaramdam mo?" tanong niya sa akin na ikinaalarma ko.

     Pero imbes na sagutin ko 'yung tanong niya ay tanong din ang isinagot ko sa kaniya. "Tama po bang itago ko 'yung tunay na nararamdaman ko sa isang tao dahil lang sa iniisip ko na hindi kami bagay dahil sa estado ng buhay namin?" muling tanong ko kay tita habang seryosong nakatingin sa kaniya.

     "Kung mahal mo ang isang tao, hindi ka basta-basta titigil dahil lang sa iniisip mo. Kung mahal mo siya, bakit 'di mo subukang ipakita sa kaniya? Ang isang taong tunay na nagmamahal, buo ang puso at hindi pinanghihinaan ng loob." nakangiting sagot sa akin ni tita na sinasapo pa 'yung likod ko. "Teka, tungkol ba ito kay Alexa?" diretsong tanong sa akin ni tita.

     Bago ko siya sagutin ay tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad patalikod sa kaniya at tumingin sa kawalan. "Alam ko pong mali na mahulog ako sa kaniya dahil una sa lahat ay hindi kami bagay, mayaman siya at mahirap lang ako. Saan ka ba naman nakakita na ang bodyguard at boss niya ay naging magkasintahan?" malungkot kong tugon kay tita. Kahit ano kasing pilit ko, 'di ko maiwasang ikumpara 'yung estado namin sa lipunan.

     "Bakit naman kasi 'yan 'yung iniisip mo? Hindi naman ang yaman o katayuan sa buhay ang basehan sa pag-ibig, kailangan lang nang busilak na puso at mabuting intensiyon." pagtutol ni tita sa mga sinabi ko.

Not So Forbidden LoveWhere stories live. Discover now