Fall 1
Playlist #1
“You can apologize over and over, but if your actions dont change, the words become MEANINGLESS”
===
Kacey POV
“What now Kacey? Lagi nalang ba? Bakit ba? Ano bang nagawa ko para bigyan ka ng dahilan magrebelde?” Here again! Ako nalang ang laging mali.
Iniwan ko syang dada ng dada dun sa may sala hindi ko alam kung bakit ako nalang lagi ang mali saamin bakit hindi naman nya pagalitan yung mga kapatid ko? Bakit ako nalang lagi nyang nakikita?
Nung hiningi ko ba yung pansin nya noon binigay nya? Hindi! Pero bakit ngayon nung hindi ko na kailangan tsaka pa sya nagbibigay ng ganyan?
Aaminin ko noon, gusto ko ng atensyon na galing sakanila gustong gusto kong mapansin gustong gusto kong maging tama sa mga mata nila pero ano? Grumaduate nalang ako't lahat lahat hindi parin nabibigay–nabibigay nga pero puros dada at kmalian ko ang nandun never pa nga akong nakarinig ng kahit isang ‘I Love You’ sakanila eh puro mura nalang. tsk!
Hays! Kailan ba ako magkakaroon ng maayos na buhay? Pamilya? Pero imposible! Hinding hindi na nila ako mapapansin kahit nga siguro magpakamatay ako sa harap nila wala silang mapapansin hangin lang kaya ako sakanila.
Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng may narinig akong katok sa pinti ng kwarto ko. “Ate! Pagkain oh, hindi ka pa kumakain eh” kala ko pa naman si mama yung pumunta at humingi ng tawad ng dahil sa kanina pero asa pa nga ba ako!?
Bumangon ako at binuksan yung pinto nakita ko syang nakangiti saakin bakit ba ang bait ng kapatid kong toh? Ako lang ba talaga masama ang ugali saamin? Ugh!
“Salamat! Ako nalang ang magbabalik ng mga to sa baba” Tumango lang sya at umalis na.
Sigh.
Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay na laging mali, oha! Yung kanina naman sya yung bunso 14 years old na yun at yung pangalawa naman 17 naman yun. Grade 9 yung bunso pagkatapos college naman yung pangalawa kong kapatid actually dalawa kaming babae at isang lalaki parehas ko silang close at sila rin yung nagiging sandalan ko kapag napapagalitan ako ni mama.
Ako? Heto naghahanap ng matinong trabaho para naman kung makapagipon ng kakaunti at nagiisip ng humiwalay saamin sawa na kasi ako ayaw ko ng masaktan pa lalo.
Ginabi ako ng uwi ngayon dahil umulan sa may marikina at stranded lahat ng tao dun bihira rin ang mga sasakyan medyo baha rin kasi.
Tapos heto pagdating ko kanina dada agad hindi manlang nagtanong kung ayos lang ba ako.
Ubos ko na pala yung pagkain ko pero parang ayaw kong ibaba tong pinggan at baso baka nandun na naman si mama sabihin pa nun na paprinsesa ako masyado wala na nga akong ginagawa dito sa bahay kaya napagdesisyonan ko ng bukas nalang ng madaling araw pag gising ko.
Maaga kasi akong gumigising para hindi na nila ako madatnan dito sa bahay tsaka kung pwede lang na gabihin umuwi para lang hindi nila ako makita gagawin ko na eh pero kasi wala akong malulusutan para makapasok dito sa bahay maraming lock ang nakalagy dito masyadong over sila eh akala mo naman papasukin ng magnanakaw as if namang may mananakaw saamin diba? Hindi naman kami mayaman hindo rin kami mahirap sakto lang ang buhay namin pero para saakin hindi lalo na ang buhay ko.
YOU ARE READING
To The Man Who Made Me Fall
Подростковая литератураTo The Man Who Made Me Fall; I believe when you told me that everything was fine I believe that you find your right girl and, be with you forever And, i believe she will love you as you do. Written by: Aestheriafictasia Started Date: