Chapter 4

9 1 0
                                    

Chapter 4: The Perfect Guy

  Matthew POV

   Good morning po Father! Bungad na bati ko kay Father at nagmano sa kaniya.

  "Kaawaan ka ng panginoon anak!" Sagot sa akin niya sa akin at hinaplos ang aking ulo.

  "Pumuwesto na kayo at malapit na magsimula ang misa. Matthew alalayan mo ang mga nakababata sa iyo." Utos sa akin ni Father at kaagad ko naman itong sinunod.

  Nasa may pintuan na kami ng simbahan para maglakad at papunta sa altar kasama ang pari. Magsisimula nang kumanta ang mga choir habang sinusundan ang tutog. Kaya nagsimula na kaming maglakad papasok.

   Sorry. Nakalimutan ko magpakilala. I'm Matthew Gonzales. Graduating na din ako next year. Grade 12, Senior High School. ABM ang kurso ko.

  Isa akong sakristan sa isang simbahan at suma-side line din sa isang talyer at car wash shop. Hindi naman ako mayaman di tulad ng mga kaibigan kong sina Kelvin at Thomas. Nakatira lang ako sa isang simpleng bahay kasama ang lola ko at si Ida.

  Ulila na din ako sa mga magulang kaya lola ko lang ang kasa kasama ko at bumuhay sa akin. Kuwento sa akin ni lola na namatay daw sa pagluluwal sa akin si inay at si tatay naman ay ayun. Walang kahit na ano mang balita sa akin. Sa ibang salita, iniwan niya lang kami ni lola.

  Teka! Si Camille yun ah? Natanaw ko siya na tahimik na tumitingin sa amin. Nang magtama ang tingin namin bigla na lang siyang umiwas ng tingin. Kasama din niya ang mommy niya na todo magbigay ng donasyon dito sa simbahan simula ng mapadpad sila dito.


Dixie Camille POV

   Hanggang ngayon nahihiya pa din ako sa kaniya sa ginawa niya nung huli kaming magkita sa school.

  Thankful naman ako sa kaniya. Mabait naman pala talaga siya. Iba siya dun sa kaibigan niyang si Kelvin. Sobrang layo ng pag uugali nila.

  Nakakabilib din itong si Matthew. Di lang siya sakristan na gustong maglingkod kay God. Kung hindi madalas siyang nagbabasa ng Bible. Paano ko nalaman? Yun ang madalas niyang binabasa kapag walang teacher. Bible din ang madalas niyang binabasa nung minsan na pumasok ako sa library.

  Di ko siya ini-stalk ha? Madalas lang talaga na nakikita ko siya sa school. Tsaka mag classmate kami no? But honestly, Yes. I stalked him through social media. Dami niyang followers at napupuno ng heart ang bawat pictures na in-upload niya.

Kung ide-describe mo nga naman kasi ang isang Matthew Gonzales ay one word lang. PERFECT!

I-elaborate natin. Nasa kaniya na kaya lahat, sa pisikal na hitsura, guwapo, maputi, matangkad, sungkit, mapula ang labi at athlete siya. High Jump ang sports niya.

Sa ugali? Religious, mabait, matalino at masipag siyang tao. Di ba Perfect?

  Bakit ba ganiyan ako makapuri sa kaniya eh samantalang may inis ako sa kaniya nung first time namin mag meet?

  Nagsimula na ang mass at tahimik lang akong nakikinig sa mga salita ng Diyos. Napapansin kong madalas tumitingin sa akin yang si Matthew. Di sa pag a assume pero nakatingin talaga siya sa akin. Ako lang ang umiiwas.

  Nakapila ako para sumubo ng ostiya. Nasa gilid siya ng pari at may hawak na ginto. Pang salo yata incase na mahulog man ang ostiya.

Mabuti na lang at di siya nakatingin sa akin. Ngumiti siya sa akin ng ako na yung susubuan ng ostiya ni Father. Kaagad akong bumalik sa puwesto ko kasama si mommy at lumuhod para magdasal.

  Natapos ang misa at kausap na naman ni mommy si Father kasama ang ilang guards namin na may bitbit na offer ni mommy.

  Nauna na uli sa kotse si daddy habang ako nasa may pintuan ng simbahan. Hinihintay kong lumabas si mommy.

  "Ate sampaguita po." Alok sa akin ng batang babae na nagbebenta ng sampaguita.

  Bilhin ko na lahat yan. Magkano ba? Tanong ko sa bata habang kinukuha ang wallet ko sa bag.

  "100 peso lang po ate." Inabot ko ang P200 sa kaniya.

  Ayan. Ipambili mo ng pagkain yang sobra ha? Thank you! Nagpalitan kami. Inabot ko ang pera at inabot niya sa akin ang mga sampaguita.

"Salamat po ate! Ang bait niyo naman po. Mukha po talaga kayong anghel. Salamat po ulit! " masayang masaya na umalis.

Inamoy ko ang mga sampaguita. Mabango talaga ang mga ito at fresh na fresh pa.

  "Camille!" Tawag ng isang boses lalaki. Agad akong tumingin sa tumawag sa akin at si--

  MATTHEW? parang naging slow motion ang takbo ng mundo. Papalapit siya sa akin at parang ang ingay ng tibok ng puso ko at ang bilis pa.

  "Ayos ka na ba Camille?" Di ko kaagad napansin ang tanong niya sa akin. Parang may effects na sobrang maliwanag na nakapalibot sa kaniya. Nakaputing T-Shirt lang siya na suot ang backpack, slacks na black at naka Black leather shoes din pero napaka gwapo niyang tingnan.

  "Camille?" Tawag niya uli at inalog ako ng kaunti sa balikat na siyang nakapagbalik sa sarili ko.

  Ah... O.. Oo. Yes! I'm fine. Thanks for helping. Ngumiti ako sa kaniya.

  "Mabuti naman. Nakausap ko na si Kelvin. You're safe." ngumiti siya sa akin. Ang cute niya talaga!!! :3

  "Dixie Camille!" Isang matapang na babaeng boses naman ang tumawag sa akin ngayon.

Wala iba. Kung hindi si mommy. Kaagad ako tumingin sa kaniya at lumapit siya sa amin.

"Mano po?" Magalang na sabi ni Matthew at balak sanang  kunin ang kamay ni mommy pero ni reject ito ni mommy at sumenyas na ayos na yun.

"You are one of the sakristan here right?" Medyo masungit na tanong ni mommy.

  "Opo." Kinabahan ako bigla sa mga tinginan sa amin ni mommy.

  "You may go." Walang emosyong utos ni mommy kay Matthew.

  "Sige po. Mauna na po ako. Ingat po kayo. Ikaw din Camille." Ngumiti siya bago tumalikod at naglakad palayo.

  "Why are you talking to that guy?" Walang buhay na tanong ni mommy habang nasa biyahe kami pauwi ng bahay.

Masanay na kayong ganiyan ang tono ng boses ni mommy. Mas matakot kayo kapag galit yan. Nagiging may buhay lang naman ang tono niyan kapag nasa loob ng simbahan at kapag kausap ang mga business partners niya.

  "He's also studying at Smith Academy. Classmate ko din po siya." Sagot ko tapos tumingin uli sa bintana ng kotse.

"I know that he was starring at you earlier at the mass." Bigla akong napatingin kay mommy. So? She knows also?




Thanks for reading this story. Please vote this story and hit the Follow on my profile for my other stories.

Super sorry kung lame itong story. Babawi po ako sa mga susunod na chapters. ;)

See 'Matthew Gonzales' on multimedia ❤❤❤

~TAEYEONIE

Lovers On ParishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon