Chapter One

407 17 61
                                    

AYAENA SALVADOR

──●◎●──

"G-GANITO mo lang ba talaga ako kabilis bibitawan? W-Why do you have to do this, Jasper? Bakit nagawa mo 'kong lokohin? Bakit? S-Sagutin mo 'ko!" hilam sa luha at hirap na hirap na turan ko habang paulit-ulit ko siyang binabayo sa dibdib.

Malakas ang buhos ng ulan. Ramdam ko ang nanunuot na lamig nito pero tuluyan akong nawalan ng pakialam. Nagngangalit din ang pagguhit ng kidlat sa madilim na kalangitan maging ang dumadagundong na kulog, ngunit wala sa mga iyon ang ininda ko.

Namanhind ang pandama ko sa mga kaganapan sa paligid. Nangingibabaw ang pagnanais kong masagot ang mga katanungan sa isip ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwalang kayang sirain ni Jasper ang tiwalang binigay ko sa kaniya.

Pero nanatiling blangko ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Titig na titig siya sa akin ngunit wala akong mabasang kahit ano sa kaniyang mga mata. Wala kahit ni katiting na pagsisisi. Worst of all, I couldn't see that he still loved me. He was staring at me as if I was a stranger.

Nawalan ng lakas ang mga palad ko. Mayamaya naninikip ang dibdib na napayuko ako. Hindi na pantay ang paghinga ko dahil sa malakas na paghikbi.

"Pakawalan mo na lang ako, Ayaena. Hindi na kita mahal..."

Dagli akong nagtaas ng mukha sa masasakit na salitang inusal niya. Tila iyon matalas na punyal na biglang tinarak sa puso ko.

Sa tulong ng malamlam na liwanag mula sa katapat naming lamp post, luminaw ang emosyong sa wakas ay rumehistro sa kaniyang itim na itim na mga mata.

Lalo akong nanghina at nagtuloy-tuloy ang pag-alpas ng mga luha ko. Nagbukas-sara ang bibig ko ngunit walang salitang namutawi roon. I was engulfed by the bitterness in the emotions that flashed through his eyes. It was an overwhelming wave of disgust, a clear sign—he didn't love me anymore...

Kasabay ng patuloy na pagbuhos ng ulan, marahas niyang hinawakan ang kamay kong nakakapit sa kaniyang mga braso at balewalang pinalis ang mga ito. And just like that, he slowly turned his back on me, as if I no longer existed.

Gusto ko siyang habulin at magmakaawang huwag akong iwan ngunit hindi ako pinahintulutan ng mga paa ko. Parang kandilang unti-unting naupos ang mga tuhod ko. Napaluhod ako sa basa at maputik na daan.

Jasper left me for good. Beneath the pouring rain, he turned his back without hesitation, leaving behind the promises I had held onto for five long years.

Nanlabo ang paningin ko dahil sa walang patid na luha. I was left there, crying helplessly...

Nakaririnding tunog ng doorbell ang gumising sa akin mula sa masakit na panaginip na iyon. Mabilis ang tibok ng puso ko na parang anumang sandali ay aalpas iyon sa dibdib ko.

Pagmulat ko puting kisame ng kuwarto ang agad na sumalubong sa akin. Marahas kong pinahid ang mga luhang umagos sa pisngi at kapagkuwa'y pauli-ulit akong sumagap at nagbuga ng hangin. Mariin akong pumikit pagkatapos at buong lakas na bumangon.

Hinaplos ko ang dibdib. Pilit kong kinalma ang sarili upang bumalik ang paghinga ko sa normal. Kasabay ng pagdalaw sa akin ng lintik na panaginip na iyon, ay ang biglang pagrehistro ng ibayong kirot sa puso ko.

Dinampot ko ang bottled water sa side table at uminom mula roon. Ganoon na lang ang pasasalamat ko nang ilang sandali pa'y umayos na ang pakiramdam ko.

The weight in my chest quickly turned to confusion as the person outside pressed the doorbell relentlessly. Nagsalubong ang mga kilay ko nang masulyapan ang digital clock sa side table.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon