Lalake ako pero sa totoo lang may Diary ako sa cellphone ko. Hahaha. Wala lang. nidownload ko lang. parang ang cute kasi. hindi ko naman pwedeng sabihin lahat sa bestfriend ko. kahit bestfriend ko siya paminsan minsan wala akong tiwala sa kanya e. Lalaking naturingan pero ewan ko ba. Medyo madaldal siya e. -.- sarap supalpalan ng papel yung bunganga. haha. :D
Hi po. Maroo Nicolas nga pala. ^________^ hehe. anung ginagawa ko sa buhay? WALA. de joke lang. meron po akong business. Medyo malaking business. so, medyo mayaman po ako. hindi sa pagmamayabang aa. Haha.
Pag nababagot ako sa opisina ko kuno. Iniiwan ko lahat ng gawain sa secretary ko. tutal alam niya naman lahat gawin e. sabe ko sakanya tawagan lang ako kung kailangan. pero kung hindi naman, wag siyang mang istorbo.
Nandito nga pala ako sa Coffee Shop ng mahal kong bestfriend. Si Charles Vista. Mayaman yang lalakeng yan. Dating mahirap. Pero simula nung nanalo si pudra niya sa Lotto ayan. Angat na ang buhay nila ngayon. Clap clap. at mayabang na siya ngayon. >.<
"Hey?" sabe ko dun sa isang crew dito sa coffee shop.
"anu po yun sir?"
"nasan boss niyo?"
"may kausap lang po sandali"
"pakisabi nga bilis bilisan niya! kanina pa ako dito aa?"
"opo sir"
Nakoo. sinu nanaman kaya yung kausap nung ungas na yun? ang tagal aa! hm. sige ilang minuto pa Charles!
"Maroo!" sigaw saken ng mokong kong kaibigan.
"hoy ikaw fapsy aa! hantagal mo! pinapunta moko ng maaga dito tapos paghihintayin mo lang pala ako?!!!!"
"haha. sorry fapsy aa? tumawag kasi si dad e." aaaa. buhay mayaman. teka medyo mayaman din naman ako aa? pero hindi ako ganito kabusy.
"lage naman faps. anu paba bago. hmm."
"uy faps. gimik tayo maya aa? sama ka aa?"
"saan naman?"
"sa bagong naming bar" wow ha? bago nanaman? ayos aa?
"sige sasama ako. nang makita ko naman ang kagandahan nyang bagong bar niyo. kakaumay narin kasi dun sa luma e"
"mag.eenjoy ka dun faps. mas madameng chicks."
babaero po pala ang bestfriend ko. di ko nasabe kanina. masyado akong naging mabait sa pagpapakilala sakanya. at alam ko may girlfriend siya e. 3 years na yata sila? pero di ko pa nakita. buti hindi siya nagagalit?
"chicks mo muka mo faps. di ba magagalit si gf mo?"
"hindi naman niya alam. chaka ayaw nun sumasama saken pag sa bar"
"mabait na gf. magsasawa din yun sayo"
"asa kapa faps. mahal ako nun!"
ang yabang talaga ng isang to. sabagay may tama siya. tatagal nga ba naman sila kung hindi siya mahal nung babae. haynako. yare to kapag pinaglaruan siya ni tadhana. -.-
"nakuuu. napilitan lang yun."
"hindi kaya. Oh faps? alis na muna ako aa?"
"san ka naman pupunta?"
"kay dad. nagpapatulong e. sige maiwan na kita"
"ayos karin aa? iwan moko agad! bastos kang bata ka. sige umalis kana nga!"
"ge faps."
iniwan nga ako. minsan ayoko talaga sakanya. amp! tambay muna ako dito sa shop nila. wala akong pupuntahan e. magiisip muna ako san ako pupunta. think think think!
TING! lightbulb! pupunta ako sa mall. kakaen ako sa KFC. weeee. tagal ko narin kasing di nakakaen dun. hihi. makaalis na nga.
HE! pagod. masarap maglakad pero hindi ko alam bakit natripan ko lumakad sa katanghaliang tapat. feeling ko kasi malapit lang. may kalayuan din pala itong mall na to. arhg! ang inet. kahit malamig dito pinagpapawisan parin ako. nasan ba banda dito yung KFC e?teka lang ha? hahanapin ko lang.
after 123456789 years. nahanap ko din ang KFC. grabe matagal nga yata akong di napunta dito. naligaw ako? hahaha. laki kong shunga. makaorder na nga.
umorder ako ng fully loaded. gutom talaga ako e. kaya yan niorder ko. hm naghintay lang ako ng mga 2mins siguro. ayan na yung order ko. yehey. makakakain nako sa wakas. san kaya ako uupo? hmmm. DUUUUUUUNNN!
BINABASA MO ANG
WHO YOU?
Short StoryMAHIRAP MAGMAHAL. LALO NA KUNG YUNG MINAMAHAL MO E TAKEN NA. NAKAKAWALANG PAG.ASA DIBA? PERO SADYANG MAGPAGLARO SI TADHANA. YUNG AKALA MONG DI MANGYAYARE, NANGYAYARE. GANYAN KALAKAS MAGBIRO SI TADHANA. AT GANYAN DIN MAGBIRO ANG LOVE.