ISA HANGGANG APAT

2 0 0
                                    

Isa,

isang beses, sinabi ko sa
sarili ko na kakalimutan na kita

isang beses, sinabi ko sa
sarili ko na di na kita mahal

isang beses, sinabi ko sa
sarili ko na di na ikaw ang namimiss ko

isang beses lang, pero bakit di ka
parin naalis sa aking isipan?

Dalawa,

dalawa tayong nagsasaya

dalawa tayong maligaya

dalawa tayong nagkukulitan

dalawa tayong nagkakangitian

pero bakit sa dalawang yon, ako ang di makalimot

Tatlo,

tatlong ulit kitang tinawagan

tatlong ulit kitang hinahanap

tatlong ulit kitang tinatanong

tatlong ulit kitang hinihintay

pero bakit sa tatlong ulit,
bakit siya parin ang pinipili mo

Apat,

apat na beses kong pinagisipan
kung bakit mo ko iniwan

apat na beses kong pinagisipan
kung bakit mo ko kinalimutan

apat na beses kong pinagisipan
kung bakit pinakawalan mo ko ng
walang dahilan

apat na beses kong pinagisipan
kung bakit mo ko sinaktan

isa dalawa tatlo apat, magbilang uli
tayo, sa mga bagay na tayo pa ay masaya
na ako pa ang mahal mo, at hindi siya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Words Poetry #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon