Chapter Two

153 15 37
                                    

"Saying yes to happiness means learning to say no to things and people that stress you out."

Zia's POV

"Good morning baby loves ko... gising ka na, may pasok tayo baby."

"Mama, antok pa po ako." sabi nito habang pupungas pungas ng  kanyang mata.

"Late. ka nanaman  siguro nagsleep kagabi ano? Babangon na yan,yeeehiii, babangon na ang baby ko." habang kinikiliti ko ito.

"Hahaha! Mama, tama na po, Hahaha, gising na po ako." bumangon ito at yumakap sa akin.

"Naku, naku ang lambing naman ng baby loves ko."

"Niantay kita kagabi Mama."

"Baby loves, sabi ko naman sayo diba, dapat maagang magsleep kasi may pasok ka sa school... ayan tuloy antok ka pa."

"Opo mama, sorry po."

"It's ok baby, basta promise. mo kay mama, di na mauulit ha."

"Opo Mama."

"Good, at dahil diyan, niluto ko yung favorite mong breakfast."

"Champorado Mama?" masayang tanong nito.

"Yup!"

"Marami pong milk?"

"Oo naman, kaya lets go na baby, time to eat" at inakay ko na ito pababa.

Kahit anong puyat ko sa gig, gumigising pa rin ako ng maaga para asikasuhin si Elhii sa pagpasok nito, Kinder na siya sa isang public school  malapit sa amin.

Ganito ang routine ng buhay ko, nanay sa umaga, at bandista sa gabi...  hindi madali pero kinakaya ko para kay Elhii.

Habang lumalaki kasi siya, lumalaki rin ang gastos.... kaya kailangan talaga todo kayod.

Buti na nga lang at regular na kami sa bar, malaking tulong yun... sa dami ng nagbabanda at rumaraket, swerte na yung may regular place ka ng gig.

Naalala ko nanaman yung kagagahan ko kagabi, nakakahiya, yakapin ko ba naman yung boss namin, na first time ko palang nameet... tsk! Kasi  naman naexcite ako.. hahaha!

Pero bakit ganun, same naman kami na babae pero parang nailang ako? Hmmm.. dahil siguro sa nalaman ko kay Jana.... hahaha! Malisyosa lang ang peg ko!

"Uy, te,  nginingiti ngiti mo dyan... hahaha, mukha kang timang." pangaasar nitong magaling kong kapatid, si May... 20 yrs old, at nasa 4th yr college na ito sa kursong Education.

"Wow, galing, in-ate mo pa ako eh no?"

"Eh kasi naman te, bat ka nga nakangiti sa kawalan?"

"Hindi naman ah."

"Sus, deny pa more, ikaw ha! Siguro in love ka na no?!"

"Ssshh! Wag ka nga maingay diyan, may makarinig sayo." saway ko dito, kasalukuyang nagliligpit ako sa kusina ng bumaba ito.

"So, in love ka na nga ate??!"

"Gaga! Hindi no.. kanino naman ako maiinlove?" kunot noong tanong ko dito.

"Aba, malay lang baka may nakilala ka kagabi na nagpatibok ulit ng iyong natutulog na heart." at umarte pa ito ng parang kinikilig.

"Hahaha! itsura nito.... pero may nakilala ako, korek ka dyan, yung may ari nung bar na tinutugtugan namin."

"Waaaa!! Really, pogi ba te, mahal mo na ba??"

"Hahaha! Uy! umayos ka nga diyan.. baliw lang May? Mahal agad?saka, teka nga, FYI lang ha, babae yun."

"Ay, mali pala tanong ko, maganda ba te? Hahaha.. pakilala mo ko. "

"Hala siya, sumbong kita kay Anikka gusto mo? !"

Yes... miyembro ng pederasyon ang kapatid ko... isa siyang bisexual, at tanggap naman namin yun..

"Hahaha, joke lang te... mahal ko pa buhay ko."

"Pero lam mo May, may hawig siya kay Leonardo DiCaprio, girl version ba?"

"Talaga te? E di gandang pogi niya? Ay, nakakakilig naman! Hahaha!, teka straight ba te?"

"Hmmm.. kung yung porma niya ang pagbabasehan, parang tagilid eh... saka yun din ang sabi nila Jana."

"Ay, jusko ang cute nya malamang, makapunta nga sa bar na yan! Hahaha!"

"Baliw! Wag na wag kitang makita dun dahil kakaladkarin talaga kita palabas.. hahaha!"

"Ay, grabe siya sa akin oh, dibale pupunta ako dun kapag wala kayong gig.. Hahaha! ." sabay kindat pa nito.

"Hahaha! Well, sorry my dear sister, kakaregular lang namin kagabi, and effective na yun nextweek... so, wala kang chance! Hahaha!" pangaasar ko dito.

"Talaga ate??Congrats!! " at niyakap pa ako nito.

"Hahaha, alam mo bang ganyan ganyan din ang reaction ko last night nung sabihin niya na regular na kaming tutugtog doon."

Humiwalay ito sa pagkakayakap at nanlalaki pa ang mga mata.. "You mean niyakap mo siya ate?"

"Eh, oo, nakakahiya nga eh... kung pwede lang akong lamunin ng lupa, ginawa ko na, sa sobrang hiya ko."

"Hmmm... ano naman nafeel mo ate? Yeehii! Hahaha!"

"Wala!"

"Malay mo, siya pala yung" the one"... hahaha!"

"Jusko May, wala na akong panahon sa ganyan, si Elhii nalang at ang pamilya natin ang mahalaga sa akin.... saka hello, babae yun no!?"

"Oh, e ano naman ngayon ate, bakit ako, nakailang bf muna ako, bago ko nafigure out na sa babae pala ako sasaya... na kay Annika ko pala mararanasan yun bang true love."

"Hay naku May, ayoko na, mapababae man o lalake, ayoko. Pareparehas lang na sasaktan ka pagkatapos mo silang mahalin at ibigay lahat.. kaya ayoko na talaga."

"Ay, ang nega ng ate ko oh! Pero ate seriously, you should try again, ang bata mo pa kaya... saka ngayon mo lang nasasabi yan... pero kapag dumating na si" the one ", kahit anong iwas at pigil mo sa nararamdaman mo, for sure, bibigay ka pa rin... mapababae man yan o lalake."

"Wow ha, ano yan? coming from the expert?! Hahaha!, Ewan ko sayo, ikain mo nalang yan, matutulog muna ulit ako, si Nanay na daw susundo kay Elhii,  may raket ako mamaya eh."

"Hahaha! Bahala ka ate, ikaw din..malay mo."

"Tigiltigilan mo pagkakatol May, ang panget ng epekto sayo! Hahaha!" paangaasar ko dito bago ako umakyat muli sa aking kwarto.

Pabagsak kong inihiga ang aking katawan sa kama at napatitig sa kisame..

Ewan ko ba, simula ng iwan ako ni Floyd, parang nawalan na ko ng interest sa pagmamahal na yan, sa pakikipagrelasyon... feeling ko kasi, ganun at ganun lang ang mangyayari, masasaktan lang ulit ako... iiwan...

Kahit may mga nanliligaw sa akin, never akong nagattempt na buksan ang puso ko sa kanila... kung baga, naguumpisa pa lang sila, tinatapos ko na agad....

Ayoko kasing magpaasa, dahil alam ko ang feeling ng umasa sa wala.... ang sakit kaya! Sobra!

Hindi naman siguro nila ako masisisi kung bakit ako ganito... and besides, si Elhii na ang buhay ko... mula ng dumating siya, inikaan ko na ang buong buhay ko sa kanya.

Pero syempre, may mga times din na feeling ko, may kulang, may emptiness and may inggit sa mga taong nakatagpo ng perfect partners nila sa buhay.. yun bang makakasama nila lifetime....

Pero sa tuwing naalala ko ang pinagdaanan ko, nakukuntento nalang ako sa kung anong meron ako ngayon... sa nangyayari sa buhay ko...

Siguro nga tama si May, yun ay kung dadating pa nga si "the one"... if ever siguro in Gods perfect time....

*******

Happy reading peeps!

Kindly hit the ⭐ sign and leave some comments para masaya😁😂

Kheekhaikheekhs

Not an Ordinary LOVE ❤️GxG❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon