"Congratulations Graduates!"
Yun lang at isang masigabong palakpakan na may kasamang hiyaw ang narinig ko.
Yehey! Graduate na kami! Parang gusto ko tuloy magalay ng isang kembot at split dahil ang saya ko. At dahil di naman ako marunong kumembot at magisplit, tumatalon talon nalang ako mula sa kinatatayuan ko. Di naman kasi namin pwede ihagis ang toga cap namin, may multa na P200 pag nasira namin to.
"Kapatiiiiid!" Napalingon ako sa boses ng bestfriend ko.
"Kapatid! Congrats sa atin!" Sabi ko (or more like sigaw ko sa kanya.)
Nagyakap kami at nagtatatalon habang magkahawak. Ganun talaga kami e. Baliw kaming dalawa. Well, di lang kami. Kasi karamihan ng batchmates namin ay halos ganun din ang ginagawa. May mga nagiiyakan habang nagyayakapan. Merong mga magkakaakbay habang sinasabayan yung batch song namin. Meron ding mga naggru-groupie with matching tears sa pesluk/mukha.
Alam ko, OA. Eh anong magagawa namin? Eh feeling namin katapusan na to ng mundo e.
Nang mapagod, dun lang namin napagpasyahan na maglakad na papunta sa mga magulang namin.
"O, lingon pa! Hala sige! Lingon hanggang mabali yang leeg mo. Mapapabalita, headlines! Babaeng kakagraduate lang from highschool, nabalian ng leeg kakalingon para mahanap ang cru-"
Di na nya natuloy ang sinasabi nya dahil tinakpan ko ang bibig nya.
Lecheng babae to! Best friend ko ba to? Laglagan ganon?
"Sssh! Wag ka ngang maingay dyan, Zyana! Baka may makarinig sayo. Nakuuu! Makukurot kita pag narinig ka ni Mommy!" Bulong ko sa kanya habang tinitingnan kung may nakarinig ba sa kanya. Napahinga ako ng malalim dahil mukhang wala namang nakapansin sa kanya, busy pa din ang karamihan ng mga batch mates ko kakaemote.
"Naku Hanika. Graduate na nga lang tayo, di ka pa din ba ready i-admit sa sarili mo na dalaga ka na at may pusong nagmamahal?" Madramang sagot nya na may pahawak hawak pa sa dibdib effect. Di ko alam kung babae ba talaga tong bestfriend ko o binabae. Hay..
"Loka! Mahal agad? Diba pwedeng natutuwa lang ako sa kanya?"
"Natutuwa? Anong ikinatuwa mo dun? E never nagsmile yang crush mo. Feeling ko nga anak ng kulto yang si Xian mo."
"Ssssh!" Sabi ko sabay takip ulit ng bibig nya.
"Ano ba! Namumuro ka na kakatakip ng bibig ko ah!"
"Eh ang ingay mo kasi! Eh kung may makarinig sayo? Nakakainis ka naman eh!"
"Oh sige na nga, dahil BFF kita at kapatid na turing ko sayo, ayun sya oh!" sabay nguso sa bandang likuran ko.
Ewan, pero bumilis tibok ng puso ko, yung feeling na tumigil ang oras. Nag islow-mo ang lahat (tigil nga yung oras tapos slow mo lahat? anu yun? hahaha hayaan nyo na.). Unti unti akong lumingon.
Ayun, si crush. Si Xian Kristof Ty Horan. Kasama barkada nya nasa stage at nagpipicture. Hiyaw ng hiyaw mga barkada nya samantalang sya tahimik lang. Masaya naman ata sya kasi kita sa mata nya pero as usual. Di pa rin sya nakangiti. -_-
Nang biglang napatingin sya sa lugar ko.
OMG. As in capital O, na may capital M tas capital G. Oh My Gosh.
Nanlaki mata ko kasi nakatingin sya sakin.
Para akong na-iputan ni ibong adarna. Bigla akong naging bato. Pakiramdam ko naging tuod ako. Di ko maikilos bigla ng maayos katawan ko. Pakiramdam ko nabulag ako, wala akong makita. Heeeeelp!
"Hay nako. Ayan na naman sya, na-ibong adarna na naman. Halika ka na. Tama na yang kalandian. Tawag na tayo nina Mama at Tita." Hila sakin ng best friend ko.
BINABASA MO ANG
Through Time (5votes for next update)
Humor~to be honest di ko pa alam san patungo ang istorya na ito. Kung happy ending ba o hindi, kung tragic ba o pa-cute cute lang, kung may mystery ba o may action (as if kaya ko magsulat non diba hahaha) o may fantasy o simpleng story lang. Malay ko. Ba...