Bliss

27.8K 1.3K 347
                                    




Dedicated sa mga taong naghahanap ng kasiyahan, nahanap ang kasiyahan at sa mga taong nawawala sa landas patungo sa kasiyahan na inaasam nila.

"Siya si Bliss. Sa pangalan pa lang niya, alam mong masayahin na siya."

——-x

Plain. Boring. Loner. At boring ulit.

Iyan ang ilang salita na pwedeng maglarawan sa akin. Kung lalapitan ako ng isang tao, mapapanis lang siguro ang laway niya dahil sa akin. Wala akong kwentang kasama, real talk. Wala akong kwentang kausap at lalong walang mapapala sa akin ang lahat. Depende lang kung quiz o kaya assignment ang usapan. Wala naman akong dapat sabihin eh, basta ko na lang ibibigay ang papel o notebook ko sa gustong kumopya.

Iyon lang ata ang tingin nilang dahilan ng existence ko sa klase.

Hanggang sa isang araw ay hindi ko akalain na may magbabago sa akin dahil sa isa kong kaklase.

Ang pangalan niya'y Bliss, isa sa mga masayahin at mabenta sa tuwing nagsasalita sa classroom. Kahit sa kalagitnaan ng pagtuturo ng teacher namin, basta sisigaw siya ng nakakatawang joke (nakakatawa para sa kanila), tatawa ang lahat kasama pa ang guro namin. Gusto siya ng lahat. Kaibigan niya ang lahat kahit na isama pa ang janitor ng school, si Ate Lolit na tindera sa canteen, pati ang mga guards ng school.

Kada groupings, siya ang pinag-aagawan. Hindi dahil sa napakatalino niya at malaki ang pwedeng i-contribute sa grupo pero dahil lang naman sa masaya 'raw' siyang kagrupo at hindi boring. Palatawa, palakaibigan, laging nakangiti at akala mo'y walang problema. Siya si Bliss, sa pangalan palang niya, alam mong masayahin na siya.

Sa madaling salita, ako ang kasalungat niya. Siya yung positive energy habang ako naman iyong negative. Kulay black na aura ang meron ako habang siya naman ay maliwanag na yellow ang meron. At iyon ang kinaiinis ko sa kanya

"Malungkot ka? Anong problema?"

Iyon ang bungad niya sa akin habang nakaupo ako at nakatulala. Walang ibang tao sa classroom maliban sa amin. Uwian na pero sadyang nagpaiwan ako. Nalulungkot kasi ako. Hindi ko rin alam kung bakit pero malungkot ako. Siguro nasabi kong hindi ko alam dahil sa napakaraming rason para malungkot ako at hindi lang talaga siguro ako makapili ng isa sa mga iyon. Kaya napagdesisyunan ko na maging malungkot na lang para sa lahat ng dapat kong ikalungkot.

Napaka-wirdo ko, alam ko.

Tumayo ako nang hindi tumutugon sa kanya. Hindi ko kailangang mahawaan ng pagka-positive energy niya sa katawan. Wala akong plano na ikwento sa kanya lahat ng pwede kong problemahin na problema.

Ang utang ng Pinas, ang lumalaking populasyon ng Pinas katulad ng paglaki rin ng bulsa ng bawat opisyal na nakaupo sa gobyerno, ang pagtaas ng tuition at ng presyo ng bawang pati rin ang problema ng mga magsasaka at mga nasalanta ng bagyong Yolanda na hanggang ngayon ay nahihirapang makabangon galing sa pagkakadapa nila. Lalong-lalo na ang gabi-gabing pag-aaway ng magulang ko, ang kawalan namin ng pera ngayon at ang pagrerebelde ng nag-iisa kong kapatid kahit na ang problema ng aso namin na wala na ngayong nakakain na dog food ay pinoproblema ko rin. Lahat ng problema, dala ko. At alam ko, masyado lang talaga akong nag-iisip.

Naglakad ako hanggang sa nasa gitna na ko ng classroom upang sana ay lumabas nang biglaan siyang naglakad nang mabilis hanggang sa nasa harapan ko na siya. Itinaas niya ang hawak niyang phone at doon, bumungad sa akin ang isang selfie niya. Napakunot ang noo ko. Ano namang pake ko sa selfie niya na wacky ang pose? 'Yung pose niya ay 'yung masyadong nakababa ang baba niya kaya para bang naging dalawa ang baba niya dahil sa pagkakaipit nito sa leeg niya, ang mga mata naman niya ay nakatirik at labas pa ang dila niya.

BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon