Her Side

221 7 1
                                    


A.N: DO NOT CONTINUE IF YOU HAVEN'T READ STORED VALLUE CARD.

THANKS.

♥♥♥


OUT OF TRACK


Natakot ka na bang magmahal? Or isa ka sa marami na ang tingin sa pag-ibig ay pag-asa? O gamot? O sagot? Sa kung anong tanong, o sakit o sa kung anong walang kasiguraduhan... hindi ko alam.


Ako?


Oo. Takot ako.


At palagay ko, oras na para ako naman ang magkwento. Hindi magbabago ang dulo, pangako. Hindi ko din to kinukwento para kampihan mo ko. Gusto ko lang mapakinggan.



Kilala mo ba si Paul? Nabasa mo na ba ang kwento niya? Kung papaanong sinira ko ang pagtingin niya sa pag-ibig? Siguro hindi mo ko gusto ngayon. At malamang kahit matapos ang kwento ko, hindi mo ko magugustuhan. Hindi rin naman yun ang intensyon ko. Gusto ko lang mapakinggan.


Tatlong taon bago ngayon, nakilala ko siya. Sa MRT. How romantic? Hinabol niya ko na parang magnanakaw. Hiningi ang number ko habang hinihingal. Wala namang masama sa intensyon niya. Binigay ko yung number ko nun. Pero hindi niya alam na hindi lahat ng hihingin niya ay maibibigay ko.


Nag-umpisa kami bilang magkaibigan. Nagkukumustahan, kwentuhan at tawanan. Matalino si Paul. Professional. At graduate sa isang magandang paaralan. Nakakatawa din siya. O pareho lang talaga kami ng humor na dalawa. Di ko na alam.


Sinusubukan niya kong ligawan, alam ko. Pero kada subok niya, siya namang palit ko nang usapan, o babarahin ko siya para tumigil. Hindi ako nagmamaganda, sadyang hindi lang ako komportable na maligawan o masabihan nang maganda na may halong malisya at konting kilig. Pero si Paul ay isang matiyagang lalaki. At nung nakasiguro ako na hindi talaga siya titigil sa kagustuhan niyang manligaw, ako ang lumayo.


Hindi ko yun gusto. Pero yun ang dapat. Kasi kung may kakayahan kang iligtas ang isang bagay bago pa ito tuluyang mawasak, masira o mawala, gagawin mo. Sa panahon na yun. Yun sa palagay ko ay ginagawa ko. Nililigtas ko si Paul sa posibilidad nang pagkasira.


Hindi na ko sumasagot sa tawag niya o text. Pero paminsan ay mangungumusta ako. Para alam kong ayos siya. Hindi para paasahin siya ulit. Hindi ako ganun ka-sadista. Nag-umpisa kaming magkagibigan, nakalimutan mo na?  At importante sa'kin ang mga kaibigan.


Pero si Paul, hindi siya sumuko. Hindi niya ko sinukuan. Hanggang maging viral si ungas. Palagi pala siyang naghihintay sa MRT. Hindi ko alam kung sa akin, pero malamang dahil sa akin. Doon kami unang nagkita after all.


Ilang linggo ko din sinundan yung kwento niya sa social media. Wala siyang ideya. Matalino si Paul pero wala siyang alam sa nangyayari sa labas ng mundo niya.


Hanggang isang araw papasok sa trabaho at may panibagong litrato si Paul. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas sa parehong MRT kung saan kami nagkita. Alam kong hindi BONI station ang normal na binababaan niya, pero nandun siya... palagi... naghihintay.

Out of TrackWhere stories live. Discover now