'I don't wanna sleep tonight,
Dreamin's just a waste of time...'******
Pinagsalukob nya ang kanyang dalawang palad na nagpapawis. Pilit na pinakalma ang tuhod na nanginginig at kinalamay ang pusong halos kumalawa na mula sa kanyang dibdib. Sinubukan nyang salain ng kanyang mga tenga ang nakabibinging ingay mula sa kabila ng telon na nagmumula sa libo- libong tagahanga nya.
It was the 7th time that he staged a major concert for his supporters. And for their fans. Kung dati- rati ay sa Araneta Coliseum or sa MOA Arena ang ginaganap ang taunang pagtatanghal na ito, ngayon ay iba na.
Mas malaki.
Mas engrande.
Sa Philippine Arena.
Sumilip sya sa munting siwang na naghihiwalay mula sa mundong kinatatayuan nya ngayon at sa kabila na binubuo ng sarili nyang mundo; ang kanyang mga tagahanga, kaibigan, pamilya, at SIYA. Kung tutuusin, patapos na nga ang halos dalawang oras na ibinigay sa kanya para pasayahin ang mga taong kasalukuyan nandoon. Natapos na nya ang labing- walong kanta. And he's down to his last two.
Ipinikit nya ang kanyang mga mata. Nilasap ang sandaling iyon dahil ilang minuto na lang ay magbabago na lahat sa buhay nya.
***FLASHBACK***
Naka- simpleng puting kamiseta, wasak na maong at itim na Vans lamang sya nang pumunta sya sa opisina ng kaibigan na nagmamay- ari ng NicePrint Photography. Ilang taon din bago nya nabuo ang damdaming gawin na ang bagay na matagal na nya inaasam.'Gusto ko pare, simple lang. Yung walang masyadong drama.' Being the guy that he is, iyon lang talaga ang nais nya.
'Straightforward.' Tango naman ng kausap.
'Oo. Tsaka wala nang paligoy- ligoy. Yung walang pabulaklak sa paligid dahil allergic ako dun diba?' Dagdag nya.
'E bakit kinailangan mo pa ang serbisyo namin kung ganyan lang ang gusto mo? E kung sana, paggising nyo sa umaga, gawin mo na, tapos diba?'
'Ang unfair naman nun kay Kath, pare. Syempre gusto ko special 'to para sa kanya. Yung tipong may babalik- balikan sya pag gusto nyang kiligin. Pero kung sa akin lang talaga, pwede kong gawin kahit mamaya na bago kami matulog para rak.'
'Sure ka?' Nakataas ang kilay na tanong ng kaibigan.
'Joke lang.' Kamot niya sa ulo. 'Tangina naman kase pare o. Seryoso na nga...'
'Kinakabahan ka no?'
'Nangangatog ako ok? Hindi ko alam, paano kung hindi nya tanggapin. Paano kung mag- NO sya.'
'E diba, malapit na concert mo?'
Tumango si DJ.
'May naisip na ako.'
***END OF FLASHBACK***
'IN 2 MINUTES, DJ!' Dinig nyang tawag ng kanyang floor director sa gabing iyon.
Tumango siya at muling ipinikit ang mata na waring nananalangin bago hinawakan ang isang maliit na bagay na isinilid nya sa kanyang bulsa bago lumabas ng dressing room.
'Kaya mo 'to DJ. Matagal mo nang hinihintay 'to diba? Wala nang atrasan. Laban.' Pagpapalakas nya sa kanyang loob bago lumabas muli sa enteblado.
******
NICEPRINT PHOTOGRAPHY
DJ AND KATH
FORD AND BERNARDO
YOU ARE READING
Drabbles (Love. Music. KathNiel)
FanfictionA series of songs inspired one shot. Random. Click (for songs used) > https://open.spotify.com/user/nishikichan/playlist/3QwRzoVvC6X9MVclqKT7D0