Jannela' s Pov
"Be my girlfriend for a month"
"WHAT YOUR GIRLFRIEND?!" I can't believe this. Hindi ko sya kilala at hindi nya ako kilala. Tapos bigla nya lang akong tatanungin na maging girlfriend nya?! No! Para lang ako kay Nixon mylabs nohhh.
"Oh let me repeat. Be my FAKE girlfriend for a month. I think that's better"
"Why? I mean bakit ako? I just want a ticket and not to be your FAKE girlfriend. Hindi kita kilala and hindi mo ako kilala. Hindi ko pa nga nakikita ang mukha mo eh!" sabi ko dito dahil ticket lang naman talaga ang gusto ko! TICKET! para sa concert ng asawa ko!
"Di ka pumapayag? Edi walang ticket. No approval, no ticket. I'll go ahead" patayo na ito ng pigilan ko. Argg gusto ko ng ticket!
"Wait. Okay okay, d-deal!" at bumalik na sya sa upuan. Naiinis na talaga ko!
"Pero please explain everything. Naguguluhan ako eh, bakit kailangan mo pa ng fake girlfriend? Wala bang gustong sumagot sayo kase panget ka? Hala kaya siguro nakatakip yang mukha mo!"
"Tss. Im not ugly okay? Wala din akong nililigawan so bakit may sasagot sa akin? Be grateful na lang okay at wag ka na matanong. Malalaman mo din amg dahilan"
"Be grateful? Ha talaga lang ah? Why should I be grateful?" pagtataray ko rito. Grateful daw eh. Grateful his ugly duckling froggy monkey face!
Nilapit nito ang sarili sa akin at ibinaba ang salamin nya. Konti lang at sapat na ito para makita ang kanyang mga mata- brown eyes. Waaahh ang ganda ng mata nya!
"Maraming naghahabol sa akin. At napakasuwerte mo ikaw ang napili ko." bumalik na ito sa pwesto nya at ibinalik na rin sa dati ang salamin nya. Mahangin din to eh. Tsaka bakit ba kasi kailangan pa takpan ang mukha nya? Di ko maintindihan eh, wala akong ideya!
"Yeah right" at inirapan ko ito. "May tanong pa ko" tumango ito kaya pinagpatuloy ko na ang pagsasalita ko. "Bat nakatakip ang mukha mo? kriminal ka ba? may pinatay ka kaya ka nakatakip kasi baka makita ka ng mga pulis hala-" napatakip ako ng bibig dahil sa ideyang iyan! Hala baka nga kriminal sya tas ako yung next target nya!
"Im not a criminal, okay? Dont over think woman" naiinis na nitong sabi.Malay ko ba kasi diba?
"Ohh chill ka lang. How about the ticket?" tanong ko dito ng maalala ang ticket. Hindi pwedeng kalimutan ko yun aba!
"Here" at may inaboy sya sa akin na maliit na papel. *_* halaaa may ticket na ako!!!!
"Humaygashhhhhhhh halaaa makikita ko na ang asawa ko!" nagnining- ning ang mga mata kong nakatingin dito. Makikita na rin kita sa wakas! antagal kong hinintay ang panahong ito.
"Asawa mo? kailan mo pa naging pagmamay- ari ang artistang yan?" nawala ang atensyon ko sa ticket at lumipat ito sa lalaking nag- ngangalang Niko, dahil sa mga salitang binitawan nya. Tinaasan ko ito ng kilay, para saan pa ang kilay na toh kung di ko gagamitin sa pagtataray ^_^
"Are you a fan? I mean siguro naman may hinahangaan kang babae" tanong ko rito.
"Meron. Pero hindi ako katulad mo na masyadong obsessed" simpleng sagot nya lang na nakapag- painit agad sa ulo ko! OBSESSED?!
"Mr. na walang mukha-"
"I have a name and its Niko. Stupid woman" okay Jannela ikalma ang sarili. Mahal ka ni Nixon, kalma lang!
Bumuntong hininga ako bago sumagot dito para maibsan ang inis na nararamdaman ko.
"Niko. Hindi obsession ang tawag don, okay? At isa pa hindi ako stupid, di ako kagaya mo"
"Kung hindi obsession ang tawag don, ano?" ramdam ko na ang tensyon sa pagitan namin dahil sa paraan ng palitan namin ng salita. Konti na lang ay sasabog na ko! Konting konti na langggg!
"Pagmamahal. Pagmamahal ang tawag don Niko. Ang cheap man pakinggan pero, Niko bawat fangirl ay pwedeng mahulog sa iniidolo nila. Siguro nga sa mata ng iba, obsession ang tawag don. Pero hindi Niko nagmamahal kami, siguro sa ganong paraan na lang kami sasaya kasi alam naman naming wala kaming pag-asa. Dahil sino nga ba kami diba? Mga taga- hangang nahulog ang loob sa iniidolo. Kung dumating man ang panahon na makita na ng iniidolo namin ang mapapangasawa at makakasama nya habang buhay. Buong puso naming tatanggapin ang babaeng ito. Ganyan magmahal ang fangirl Niko, kaya wag na wag mong tatawaging obsession ang nararamdaman ko" well? ang haba ng sinabi ko.
"Hmm okay" at nagkibit balikat ito. Okay?! Yun lang sagot nya sa pagkahaba ng sinabi kong yon?! Okay?!
"Seriously? Okay lang ang sagot mo sa haba ng sinabi ko?"
"Ano ba ang dapat kong sabihin? Naipaliwanag mo na ang side mo. You win." napangiti naman ako dito! oha panalo ako yezzz mamen :)
Tinignan ko ang oras at kinakailangan ko nang umalis. Nakuha ko naman na ang pinunta ko dito, di ko na kailangan magtagal. Mahaba haba din ang biyahe ko.
"Ahmm Niko, I have to go. I already get what I need. Thank you" at tatayo na sana nang tawagin nya ang pangalan ko.
"Jannela. Asahan mong nasa concert ako ng iniidolo mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, magingat ka. FAKE girlfriend KO."
---
Nandito ako sa kuwarto ko at iniisip pa rin ang nangyari dalawang araw na ang nakalipas. Seriously? anong problema ko?! Parang sinabi lang naman nya na fake girlfriend KO?! Inaangkin nya ko and its kinda argggg! Pagtataksil na ba ang tawag dito? Pinagtataksilan ko ba si Nixon ko? Pinagtataksilan ko ba ang asawa ko?
Dalawang araw ko na rin iniisip kung ano ba talaga ang itsura nya. Palaisipan pa rin ito syempre, di ko pa nga nakikita ang mukha nya diba. Tanging boses na hindi malinaw, ang buhok nyang kulay green at ang mga mata nyang may kulay na brown, ang mga mata nyang napaka ganda lang ang alam ko tungkol sa kanya bukod sa pangalan nyang NIKO. Niko lang naman kasi ang sinabi nya at walang apelyido! Nakauwi na ko nang mapagtanto ko yun HAHAHAHA!
Excited na rin ako bukas kasi concert na!♡.♡ San nga ba ko mas excited? Sa concert o sa sinabi nyang magkikita kami sa concert? SA CONCERT SYEMPRE! bat naman ako maeexcite na makita sya! Kahit gustong gusto ko na makita ang mukha nya, di ako excited noh. Hinding hindi! Tanging concert lang ang gusto ko, antagal ko kaya hinintay ang oras na toh! Makikita ko na syaaa~
Tinititigan ko ang poster ni Nixon na nakadikit sa kuwarto ko ng madapo ang nga mata ko sa mga mata nito. At bigla na lang lumabas ang imahe ng lalakeng nagbigay ng ticket sa akin mula sa isipan ko!
Magkakulay sila ng mata?
YOU ARE READING
Fangirl's Heart
FanfictionNaranasan mo na ba ang magmahal? Yung tipong unexpected love? Hindi mo inasahan na nahulog ka na lang bigla, ang masaklap. Nahulog ka sa taong hindi ka naman kilala. Kadalasan nangyayari yan sa mga fangirl, at sa kasamaang palad. Nangyari sakin, per...