Chapter 17:

33 9 40
                                    

The Date....






















Ilang araw ng makalipas simula ng manalo ako. Pinagmasdan ko ang mga iba't - ibang gamit na naka kalat sa loob ng kwarto ni Miguel dahil araw - araw may nag papadala sa akin ng regalo at walang ibang ginawa si Nikola kung di ang itambak ito dito.

Ng manalo ako sa Teen Idol ay binigyan ako ng fifty thousand pesos na ipinasok naman ni Nikola sa sinasabi niyang bank account ko para hindi na daw mangutang o manghingi sakanya. Nahiya naman ako sa sinabi niyang ito. Siya lang naman ang bigay ng bigay sa akin ng pera.

Hindi lang fifty thousand pesos ang natanggap ko mula sa pagkapanalo ko. Nakakuha rin ako ng worth 50  thousand na kung ano anong fashion clothes sa ilang kilalang brand ng mga damit at sapatos and of course ang pagiging exempted naming lahat sa midterms.

Sa ngayon ay nag iisip ako sa mga gamit na ito at sa iilang fresh flowers kung paano ko aayusin ang lahat ng ito bago mag alas tres ng hapon. May usapan kami ni Justin na susunduin niya ako rito at manunuod daw kami ng sine sa mall. Sine?

Ang ilan sa mga gawaing pang syudad ay hindi ko pa lubos na natutuklusan o nararanasan. Wala pa akong ideya kaya naman naeexcite ako sa gagawin naming ito.

"Mygod ateng! Masyado na yatang maliit ang space ng condo ko para sa mga bagay na iyan"

Si Nikola na basta nalang sumulpot sa kwarto ko at itinuro ang mga bagay na ipinadala ng ilan sa akin. Yung iba ay hindi ko kilala at ang ilan naman ay galing sa mga kaklase ko. Meron ring galing kay Zac.

"Hindi ko na alam kung paano ko aayusin ang lahat ng ito, Nikola" umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mga kalat sa harapan ko. Sakop na sakop ng mga ito ang space sa loob ng kwarto ni Miguel.

"Let me help you with that besh. Ang mga fresh flowers ilagay mo nalang sa base ng mapakinabangan. You can also put that things on your closet" aniya sabay turo sa malaking walk in closet ni Miguel na iilang piraso lang ng damit ang laman. Nahihiya pa akong maglagay ng mga damit ko dito dahil hindi naman akin ang kwartong ito.

"What about Mig's things?" Tumaas ang kilay ko sakanya at siya ay binuksan ang walk in closet ni Miguel at inalis ang iilang piraso ng damit dito.

"I can handle this. Go and fix your things. Baka maubutan kapa ni Justin na nag aayos ng mga gamit mo" humalakhak siya at umalis ng kwarto dala dala ang mga damit ni Miguel na tinanggal niya sa walk in closet.

Kinuha ko ang mga paper bag at inilapag malapit sa walk in closet para hindi na ako mahirapang magpa balik balik.

At ang mga damit ko sa bag ay inilatag ko sa kama para mailagay ko na rin sa closet. Nanataling nasa shoe section ang mga sapatos ko at ang mga bagong bigay at dala ng ilan ay inilapag ko na rin doon.

Hindi pala maganda ang ganito. Ang dami ko kaylangan ayusin ang halos mga damit na ibinigay sa akin ay mga nakulangan sa tela at talagang pang modelo ang datingan. Paano ko rin naman susuotin ang mga ito kung hindi ako komportable?

Bumugtong hininga na lamang ako at mabilis na inayos ang aking mga damit sa closet ni Miguel. Matapos ko itong maayos ay kinuha ko naman ang 5 boquet of fresh flowers sa lamesa study are at ang ilan pa sa mga ito ay nakalapag sa aking kama. Dinala ko ito sa salas at hinablot lahat ng vase na matagpuan ko sa loob ng condo ni Nikola.

Gladly ay nakakuha ako 4 na vase sa kanyang buong condo. Busy si Nikola dahil abala siya sa panunuod niya ng sabi niya ay cartoon. Hindi ko nga lang alam kung anong pangalan ng palabas na iyan.

Rinig na rinig ko pa mula sa rito sa kusina ang nagsasalitang cartoon.

"Chichichichidora~ Come on bamonos! Everybody let's go! Come on let's get do it. I know that we can do it! Where are we going? To the lake house! Where are we going? To the lake house!"

Into the New WorldWhere stories live. Discover now