Stay [One Shot]

13 2 0
                                    

Mia's POV

"Ayoko na, hindi ko na kaya"

"Ano?, ganun na lang yun?. Pagkatapos ng mga masasayang alaala---"

"Tama na! ayoko na! tapos na tayo!"

"Pero bakit?"

"Dahil ayoko na. Mia, hindi ko na kaya"

Pagkatapos nun ay tinalikuran nya ako. Ang sakit! ang sakit sakit!. Napaupo ako sa kinatatayuan ko at dun ibinuhos ang luha ko, ngunit pati ata panahon ay nakikiramay sa akin kaya umulan. Hindi ko pinansin iyon at nagtuloy ang pag-agos ng luha ko.

"Tumayo ka jan,"Nagulat ako ng may lalaking nagsalita sa harap ko na may hawak na payong, itinapat niya sa akin iyon upang sya naman ang mabasa.

Inabot nya sa akin ang kanyang kamay, sandali ko pang tinitigan iyon bago ko iyon tanggapin, itinayo nya ako at sandali pa kaming nagtitigan habang hawak nya pa ang kamay ko.

"Nathan,"at marahan nyang itinaas baba ang kamay namin.

"M-Mia"nag-aalangan kong sabi.

Maya-maya pa ay tahimik kaming naglakad papunta sa isang Waiting Shed, nang makaupo kami roon ay napatitig nalang ako sa mga sasakyang dumadaan kasabay ng pag-alpas ng tubig baha, paulit-ulit iyong nangyari hanggang sa maramdaman kong nakatitig sya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Pagtingin ko ay may hawak na syang Jacket na nun ko lang nakita at inaabot iyon sa akin, ngunit hindi ko sya pinansin at tumingin nalang ulit ako sa mga sasakyang dumadaan.

"Magkakasakit ka nyan"at marahan nyang ipinatong sa likod ko ang jacket na dala nya, ngunit hindi ko lang sya pinansin. "Gago yun ah"bigla nyang sabi, napatingin ako sa kanya. "Nakita ko kayong naga-away kanina, na nauwi sa hiwalayan nyo," napatitig lang ako sa kanya "Buti nga sya may babaeng kasama para i-date eh"biro nya, ngunit masyado akong seryoso para sakyan iyon "Alam mo, kahit kelan hindi ako nagkaron ng Girlfriend" Pakwento nyang sabi "Hindi ko kasi kayang pagsabayin ang paga-aral at paso-syota" saka sya napatingin sa kalsada, kaya napatingin nalang din ako dun. "Pero minsan naisip ko, kung mag-syota kaya ako?, masaya kaya yun? gaganahan na ba akong mabuhay?" malungkot nyang sabi "Anong sa tingin mo?" tanong nya habang nasa kalsada pa rin ang tingin, ako naman ay napatingin sa kanya

"Masaya" sabi ko "Pero sa una lang," tsaka ako napatingin sa kalsada "Andyan yung maga-away kayo ng walang dahilan, Magsusumbatan dahil sa kasalanang hindi malaman, at sa huli maghihiwalay ng walang sapat na dahilan"Emosyonal kong sabi. "Yung parang nangyari samin kanina, ang totoo nyan wala akong kaide-ideya kung bakit..."akmang tutulo nanaman ang luha sa mga mata ko kaya nahinto ako at napatingala "Kung bakit nakipag-break sya sa akin kani-kanina lang"naramdaman kong nakatingin din sya sa akin kaya napatingin din ako sa kanya kahit nanlalabo na ang mata ko dahil sa luhang nagpupumigil kumawala dito. "And... And it breaks me"at tuluyan nang kumawala ang mga luha ko.

"Don't be like that," sabay punas nya ng mga luha ko "Gusto mong makalimot?"nagpakawala sya ng pekeng ngiti

"Yes, I want to. But How?"

"Try me"

"No way, I don't want to use people just to get over with,"

"No, Its okay."nagpapaintindi nyang sabi "Gusto ko na rin namang maramdaman kung anong pakiramdam ng may syota"

"No, I don't want anybody to be my rebound"

"Don't worry, I'll play as your boyfriend in just a month"

Stay (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon