"Triff, nakita mo na siya?" Natigil ako sa pagsusulat dahil sa tanong na yon."Mag-aapat taon na bukas, anong plano mo?" Hindi ko din alam. Matapos niyang magdeactivate ng Facebook account niya 10 hours after niyang mag message sakin, wala na. Wala na akong balita sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ba apektado pa rin ako hanggang ngayon.
"Anong balita sa mga pinadala na private investigators ni Lola?" Haists! Paano ako makakapagpatuloy sa ginagawa ko kung may ganito akong pinsan.
"Ewan, wala akong balak malaman. Kung gustong magpakita eh di magpakita. Bakit ka ba nandito? " Tanong ko.
"Oh? May ipakilala lang ako sayo. Hahaha! Mabait to, promise." Tsk! Kailan ba sila titigil?
"Wala akong pake. At alam ba ng ipapakilala mo sakin kung ano ako? Baka mandiri yun." Sawa na akong mahusgahan. Sana magpakita na yung tao na yun. Galit ako kasi, basta!
"Anong ano ka? Mandiri?! Loko to! Di yun ganong klaseng tao. Bababa na ako, kung gusto mo siyang makita sumunod ka na lang. Di yun nangangain, nangangagat lang. Hahaha!" Tawa-tawa siyang tumalikod.
'Really?! You care pero nang-iwan ka?'
Stop this Triff. Stop! Baka wala lang yung magawa sa buhay niya kaya ka niya pinagtrippan.
Habang pababa na ako, may naririnig akong boses babae. Tsk! Sana umuwi na to, wala akong panahong makipagkaibigan.
"Oo, naman po. Hihihi! Sabi po kasi ni Kir na may gusto po siyang ipakilala sakin na pinsan daw niya na Author po. Ewan ko ba kung bakit gusto ko pong makakilala at makakita ng mga manunulat po. Hahaha! " Napangisi nalang ako, lahat naman sila ganito.Tama ang hinala ko, dahil lang sa mga sulat ko kaya maraming nagkakainteres makilala ako. Tignan natin kung saan ang kaya nitong babaeng to.
" Sa wakas pinsan bumaba ka din. Tulungan mo naman akong," napatigil siya kasi nakita niya yung sugat ko, tinititigan ko lang siya. Pinag-aralan ang magiging expression niya. Kalaunan ay ngumiti lang siya ng mapait.
" Ako na pala, sige2x. Mauna na ako, sumunod ka ha." Dugtong niya habang dinuro pa ko. Loka2x.Habang palakas na yung mga boses na naririnig ko, ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako. Di naman ito yung unang pagkakataon na may makakakita at makakakilala sakin
"Ah, ito na pala ang aking apo. Halika Hija, ipapakilala kita sa apo ko. " Si Lola, hay naku La. Nasa likod niya lang yung babae. HAHAHA! Ang liit niya. The fuck! Hahaha! Di ko kasi siya makita pero.. oh?!
" Hello po!" Binabawi ko na, di man lang ako naabisuhan na nakaupo lang pala to akala ko. Ano?! Hello po?! PO?! Parang si.. kalimutan mo na Triff.
Dahan dahan akong tumingin sa kaniya.
Hanggang sa una kong nakita ang mga mata niya. Tang*na!
BINABASA MO ANG
Silently
Romance'Nasugatan ka na naman. Kailan ka pa titigil?' Kaya ko pa naman. Hangga't alam kong nasa kadiliman pa rin siya hindi ako titigil.