Introduction

46 1 0
                                    


Ang daming kulang sa mundo, pero kaya kong ibagay ng todo at sobra- sobra ang puso ko pag nagmahal ako ng mga taong gusto ko.

Oo. Hindi ako perpekto pero feeling ko ako ang pupuno sa buhay ng isang tao na hindi rin perpekto.

Pinalaki ako ng lola ko na matapang, pursigido, marespeto, at syempre mapagmahal. Wala akong kinagisnang magulang dahil bata palang ako ay kinuha na sila ni Lord dahil sa isang aksidenteng naging sanhi ng pagkaulila ko.

Bago pa ako umiyak at magdrama mabuti pang simulan na natin ang kwento.

"Hoy! Grabe ka naman kung makatapon ka ng mga libro ko." Paano ba naman, nabasa tuloy yung mga libro ko. Tinapon ba naman ng walang pusong lalakeng to.

"Shut up! Pwede ba? Wag kang dikit ng dikit sakin. Mahawaan pa ako sa kapangitan mo. Rindi'ng-rindi na ako sayo." Aba! Aba!

"Hoy Nicolas! Sorry naman kung pangit ako sa paningin mo. Hiyang-hiya talaga ako sayo." Todo effort pa ako sa pag irap-irap ko nyan.

"Hoy ka ring babaita ka! Umalis ka nga sa table namin!" Wala talaga tong puso tong Nicolas na 'to.

"Tama na nga yan. Puro kayo away." Saway samin ng kaibigan at best friend ko na si Anna.

"Pasalamat ka talaga Nic-Nic crush kita! Bakit ba kasi inis na inis ka sakin? Keganda ko namang babae." Sabay kindat sa kanya.

"Pwede ba Mitch? Tigil-tigilan mo na ako? Hindi kita gusto. K?" Oh no. Ilang beses niya na ba akong ni-reject? Di ko na mabilang. Masyado kasi akong open sa pagtingin ko sa kanya.

Hindi mo man lang ba naaappreciate yung mga effort ko Nicolas? Kelan pa ba? Huuuuy~ Mag F.five years na kitang gusto. Ako nalang kasi! Charot. Ang harot ko ba? Hayaan niyo na, at least LOYAL. HAHA!

Ang rude ko ba? Hindi pa kasi ako nagpapakilala. Hi Universe! Hi readers! (may mga readers ba?) I am Mitchelle Martinez ang Kathryn Bernardo ng buhay mo. Echos!

At si Anna Davids naman ang bestfriend ko. Syempre, kasama rin sa scene ang #FutureHubby #Loveko
Nicolas Kim Rama ang Nic-nic ko. Enebeeeee!

Natapos ang araw sa skwela ng hindi kinakain ni Kim ang pagkaing niluto ko para sa kanya. Lunch niya dapat yun e. Pauwi na sana ako ng nakasalubong ko ang librarian sa school namin at inutusan akong pumunta sa library para dun sa paghahanap namin ng nawawalang libro sa Accounting.

Shelf 1. Wala naman dito. Wala rin sa panglimang shelf.

"Bakit ba di mo ko magustuhan?!" Ay aba! Ano to? Movie scene lang ang peg. Sa library pa talaga. Bawal ang chismosa, aalis na sana ako nung biglang may kumalabog sa banda nila.

Di naman klaro yung mukha. Natakot din akong makialam baka mamaya, naku, naku, nakuuuuu. Ako pa yung majombag girl.

"May iba ba?" Tanong ulit nung lalake. Buti nalang talaga wala yung librarian dito. Lagot sila kung ganon.

At dahil sa hindi ko mahanap ang libro, aalis na sana ako nung nahulog ang isang librong hindi ko naiayos sa shelf. Dali-dali kong pinulot ang libro at ibinalik ito saka ako tumakbo.

Daig ko pa si Flash sa bilis ng pagtakbo ko. Kinabahan ako bigla. Makauwi na nga lang. Bahala na si Ma'am maghanap bukas. Hahaha! Joke lang. Eto naman!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon