Remember Me

21 0 0
                                    

“Bakit nakaupo ka lang diyan?”

            Iniangat ni Zelle ang tingin sa isang batang lalaki na pawis na pawis galing sa paglalaro.

“HUY! Kinakausap kita! Bakit hindi ka naglalaro?”

            Kumunot ang noo niya. Sa pagkakalam niya, isang prinsesa ang trato sa kanya ng mga tao doon dahil siya ang nag-iisang anak ng principal ng paaralang pinapasukan niya. First time niyang nakaranas ng sinigaw-sigawan siya ng isang tao, lalo na ng isang kapwa niyang bata.

            “Pakialam mo ba?! Hindi lang paglalaro ang ginagawa sa break time no!” paangil niya dito saka inirapan.

            “Sino ka ba sa tingin mo at maari mo akong taasan ng boses?! Ako ang pinakamayaman sa school na ito.” Mayabang na sabad nito.

            Pinasadahan niya ito ng tingin. Oo nga at mukhang mayaman ito. Tsinito ito at shaggy ang buhok. May ipagmamalaki din itong mukha. Pero base sa ugaling ipinapakita nito sa kanya, mukhang malabo na magiging kaibigan niya ito.

            Tumayo siya at naglakad palayo. Baka hinahanap na siya ng daddy niya. Umuuwi kasi sila tuwing lunch break dahil ayaw ng mommy niya na magbaon siya. Tumigil siya at hinanap ang daddy niya. Nang makita niya ito na kumaway sa kanya, lalakad na sana siya nang may tumawag sa kanya.

            “HOY! KINAKAUSAP PA KITA !!” sigaw ng mayabang na bata.

            Lumingon siya. Sisigawan na sana niya ito na tigilan na siya nito nang marahas na tinulak siya nito. Nawalan siya ng balanse at naramdaman ang pagbagok ng ulo niya sa isang malaking bato since hindi pa sementado ang open field ng school nila.

            “GIZELLE !” malakas na tawag ng kanyang ama.

            Dinaluhan siya nito. Hilung-hilo na tiningnan niya ang kanyang daddy. Lumingun-lingon ito upang mahanap ang salarin. Lumapit ang mayabang na bata sa kanya upang makita ang kalagayan niya. Dumilim ang mukha ng kanyang daddy.

            “You, what have you done to my daughter?” mahina ngunit galit na galit na tanong ng daddy niya sa bata.

            ‘Yun lang at nawalan na siya ng malay.

Chard’s P.O.V.

            “You, what have you done to my daughter?” mahina na tanong sa kanya ni Principal Gatchalian.

            Yumuko siya. Malay ba niya na anak ng principal nila ang babaeng iyon? Inaasar lang naman niya iyon. At malay ba din yang mahina bumalanse ito sa katawan nito ?

            “ANSWER ME, BOY!” malakas na sigaw ng principal.

            “Richard!” tumatakbo na pumunta ang mommy niya sa kanya.

            “Mommy...” Gustuhin man niyang umuwi at kalimutan ang nangyari, hindi maaari. Dahil sinaktan niya ang anak ng principal nila. At alam ng lahat kung paano magalit si Sir Gatchalian lalo na pag concerned ang unica hija nito.

            “Chard, get in the car. I’ll talk to the principal.” Bumuntung-hininga ito nang hindi siya tuminag. Gusto niyang tulungan si Sir Gatchalian sa pagbuhat sa anak nito. “Richard, I said, Get. In. The car.” Mukhang galit na galit ang mommy ngunit mahinahon na utos ng mopmmy niya. Mukhang nakita nito ang lahat nang nagyari. Siguradong “NO iPad” or “NO GADGETS” na naman ang parusa niya. O ang pinakamasaklap, baka itatransfer siya nito ng school.

            Bumuntung- hininga siya. Bagsak na balikat na tinungo niya ang kotse nila. Mula sa bintana, kita niya ang paghinging- paumanhin ng mommy niya sa principal na buhat pa rin ang batang babae.

            Nilapitan niya ito dahil gandang- ganda siya dito. Parang Indiana ang dating ng mga mata at ilong nito ngunit maporselana ang kutis nito.

            Para kasing wala itong kaibigan. Balak sana iyang yayain itong maglaro nang sinupladahan siya nito. Ayaw na ayaw niya na hindi siya sinasagot kaya nagalit siya dito.

            Palapit na ang mommy niya sa kotse. Hinanda niya ang kanyang sarili sa pagputok ng Mt. Mommy.

            Hindi sana yung pinakamasaklap ang parusa ko. Baka hindi na niya makita ang batang babae.

Gusto pa naman niya itong maging kaibigan. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon