Alamat ng Puno

7.6K 16 3
                                    

        Sa isang malayong nayon, may mag-asawang hindi nabiyayaan ng anak. Gayunpaman, masaya at payapa ang kanilang pamumuhay. Dahil hindi nabiyayaan ng anak, ginugol nila ang kanilang panahon sa paglilingkod sa simbahan at sa ibang tao.

        Dahil sa kabutihan nila, kinalulugdan sila ng Diyos at mga tao. Paglipas ng maraming taon, tumatanda ng tumatanda ang mag-asawa ngunit hindi ito naging hadlang upang patuloy nilang paglingkuran ang diyos at ang mga kababayan nila. Ngunit humihina na ng humihina ang kanilang katawan at nakakaramdam na sila ng iba't- ibang mga sakit kaya batid na nila ang papalapit nilang oras. Kaya naman pinalangin nila sa diyos na kahit sa kamatayan ay magkasama parin sila. Dahil sa kinalulugdan sila ng diyos, pinagbigyan nito ang hiling ng mag-asawang magsama parin kahit sa kamatayan. Kaya nang malapit na ang kanilang oras, nagadala ang diyos ng maraming paru-paro at pinalibutan nila ang mag- asawa. Nagpasalamat ang mag-asawa dahil dininig ng panginoon ang kanilang kahilingan. Nang sumunod na mga araw, hindi na nasilayan ng mga tao ang mag-asawa sa halip ay may isang matatag na puno ang tumubo sa tabi ng bahay ng mag-asawa kung saan lagi silang nakikitang magkasama at nagkwekwentuhan. Ang punong ito ang nagpapaalala sa mga tao sa mag-asawa dahil katulad ng kanilang pagmamahalan, ang ugat ng punong ito ang naging pundasyon upang hindi kaagad matumba sa mga bagyo ng buhay. Katulad ng punong ito, madami itong natulong sa mga tao. At higit sa lahat, ang mga sanga nito ay parang inaabot ang langit at nagpapasalamat sa diyos sa mga biyayang natatanggap sa buhay. Kaya naman kapag nakakakita ang mga kababayan nila ng puno, naaalala nila ang mag-asawang wagas na nagmamahalan hanggang sa huli ng kanilang buhay.

--Wakas--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alamat ng PunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon