THE QUIET BOY

24 2 1
                                    

~LILY'S POV~

“Kyahhh ang gwapo ni James!” tili ng kaibigan kong si Tina habang hinahampas yung balikat ko.

“Masakit.” mahinang sabi ko habang naka cross arm.

“Panira ka talaga.” sabi niya ng ibaling niya ang tingin sa akin.

Biglang dumaan sa harap namin sila Yuqi at ang mga tropa niyang Hearttrobs dito.

Nagkasalubong ang mga mata namin. Pero ako ang umiwas ng tingin.

Tahimik na tao lang si Yuqi tanging mga tropa lang niya ang kinakausap niya.

“Pshh wala na tuloy. Tara na pasok na tayo sa Classroom.” walang ganang sabi ni Tina sabay hila sa akin papunta sa Classroom.

Magpapakilala nga pala ako sainyo. Hi ako nga pala si Lily Benitezs. Laging top 1 dito sa campus namin.

Naupo na kaming dalawa ni Tina sa pinkadulo ng Classroom.

“Lily, kanina napansin kong napatingin ka kay Yuqi. Crush mo siya no?” mapang asar na tanong sa akin ni Tina. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

“Kung anong pinagsasasabi mo jan.” sabi ko tyaka binuklat ang Book ko.

“Wehh di nga?” napairap nalang ako.

“Di wag kang maniwala.” mataray na sabi ko. Napa ‘Tsk’ nalang siya at hindi na ako kinulit.

××××

Habang nag tuturo si Sir sa Math hindi ko maiwasang tumingin kay Yuqi.

Pero bigla siyang tumingin saakin kaya agad akong umiwas.

Pakengtape lang ha nahuli niya ako. Binaling ko nalang yung tingin ko sa haraoan at nakinig ng lecture.

*KRING... KRING...*

“Anong ioorder mo Lily?” tanong saakin ni Tina ng makaupo kami sa upuan ng Canteen.

“Tocilog.” maikling sagot ko sakanya at nag basa ng libro.

“Sige, libre ko na.” sabi niya tyaka tumayo at pumunta sa counter para mag order.

Napansin ko naman na may lalaking umupo sa likod ko at nakasandal pa. Aba matindi si Kuya. Lumingon ako. Pero sa hindi inasahan si Yuqi pala.

Then na nigas ang sa kina uupuan ko. Jusqo kinikilig ako.“Hoy Lily ok kalang?” napatingin naman ako kay Tina. Pero naramdaman ko naman na hindi na sumandal si Yuqi sa likod ko.

“A--ahh o-oo naman.” nauutal na sagot ko. Tinaasan naman niya ako ng kaliwang kilay.

“Totoo?” naiilang akong tumingin sakanya habang tumatango.“Ok.” pag suko niya.

Nag simula na kamkng kumain. Maya’t maya natapos narin kami. Sakto naman na nag ring ang Bell.

“Tara na next na yung PE natin. Kyahh~~ makikita ko si Fafa James my labs.” sabi ni Tina habang tumitili. Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

Pumasok na kami sa Locker Room.“Besh naiwan ko yung rubber shoes ko sa Classroom.” natatarantang sabi ni Tina pagkatapos niyang magpalit sa Comfort room ng PE uniform.

“Kunin mo na.” sabi ko sabay tulak sakanya ng ikinatakbo niya. Naupo nalang muna ako sa upuan ng Locker room ng may biglang pumasok na lalaki.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE QUIET BOYWhere stories live. Discover now