You Belong With Me

362 12 5
                                    

Minsan na akong nagmahal. Pero napunta lang sa wala. Ang taong tinutukoy ko ay ang aking best friend na si Kenneth Kenjin Davis. Mabait siya ay sweet. Yun ang mga katangian nya na nagustuhan ko sa kanya.

Nung mga sophomores pa kami, di kami magkasundo. Lagi kaming nag-aaway sa maliliit n bagay. Parang tanga lang noh? Pero nung naging mag-seatmateskami,I got to know him better at dito nabuo ung feelings ko para sa kanya. Ewan ko b,basta masaya ako kapag kasama ko siya. Lagi kaming nanjan para sa isa't isa. We always comfoet and help each other.  Hanggang sa isang araw n nalaman ko n may nililigawan n pala siya. Gulong-gulo ung isip ko nung time n yun. Dapat b akong maging masaya or malungkot? Hindi ko alam.

Pinili kong lumayo muna. Hindi akong amshadong nasama at nadikit kay Ken. Siguro two ang a half months ko rin siyang iniwasan. Tuwing nalapit siya, umaalis ako. Ayokong maging distraction o panggulo sa kanya. Nung mga panahong ding yon, kadalasan akong binubully ng mga fans ni Ken. Si Ken lang kasi ang pumoprotekta sa'kin laban sa kanila. Ngayong busy siya sa ibang bagay, lagi na lang akong nag-iisa. Everytime na nakikita ko siyang kausap ung GF niya, lagi siyang masaya. Parang lalo pang gumanda ang buhay niya noong naging sila.

November 18, todo iwas ako kay Ken kahit na classmate ko siya. (Nagkahiwalay kasi kami nung binago ang seating arrangement). Birthday ko nun at alam kong alam niya yun. Kapag break namin , paspasan akong naalis ng room at pumupunta sa kung saan-saan. Pumunta ako sa garden, canteen, rooms ng other sections na ka-year level ko at ayempre sa girl's CR para di niya talaga ako makita. Di nga rin ako nakakain dahil sa mga pinaggagagawa ko ei. Natapos ung classes namin at agad akong naghanda sa part-time job ko. Oo, may part-time job ako. Mahirap lang kami at napasok ako sa school bilang scholar. So yun, pumunta ako sa cafe na pinagtatrabahuhan ko. Malapit lang yun sa bahau namin pero malayo-layo rin sa school. Malaya akong nakakakilos dun kasi mababait at madaling pakisamahan ang mga tao don.

Nung natapos na ang shift ko, I fixed my things and is ready to go home pero tinawag ako ni Lea,ung co-worker namin. Sabi niya may naghahanap daw sa'kin sa break room. Malay ko ba kung sino yun or baka naman something important ung sasabihin nun,kaya nagpunta ako dun. Nang pumasok ako sa kwarto... O____o ...gusto ko nang bumalik. Asar. Pinuntahan pala ako ni Ken. Paalis na sana ako pero hinila niya ako. Sabi niya, mag-usap daw kami. Nagtanong siya kung abket ko daw siya iniiwasan. So yun, nag-explain ako. (note: di ko sinabi na may gusto ako sa kanya). Tahimik siya habang nagkekwento ako. Natapos ung kwento ko at huminga siya ng malalim. Hindi ko nga siya matingnan sa mata ei. Natatakot ako sa sasabihin niya.

"*Sigh*. Sa susunod wag ka nang lalayo sa akin. Best friend kita kaya ayaw kong mawala ka." -Ken. Best friends. Hanggang dun na lang yon at wala nang iba pa. Masaya na ako dun. Pwede ko pa rin siyang mahalin di ba?

May kinuha siya mula sa pockt niya tapos binigay niya sa akin. Binuksan ko ito at nakakita ng singsing. Sa loob, nakaukit ung name ni Ken at may nakalagay na 'bestfriends' .

"Friendship ring? Para saan?" 

"Birthday mo di ba? Regalo ko yan sa'yo. Para kahit nasaan ka, kasama mo ako. May ganyan din ako."  sabi niya at pinakita ang singsing sa daliri niya.

"Thanks." sabi ko at bingyan siya ng big smile. ^______^

Simula non, bumalik na ung dati naming turingan. Natapos ung school year nang hindi ako mashadong nagkakaproblema maliban lang sa KF(Ken Fanatics) na lagi na lang akong ginugulo.

Ako nga pala si Rhen Charlotte Evangeline Stadtford. Sorry kung sa huli na ako nakapagpakilala. Nawili kasi ako sa pagkekwento ei. At ngayon na magsisimula ang third year high school experience ko sa Rose Marie Academy!

=============================================================================

Basura ung pangalan ng school noh??? Si Eve nga po pala ung nagkekwento jan. Anyway, beginner pa lang po ako and I hope na babasahin niyo ang story ko. I hope that you will enjoy my story. Arigatou minna-san!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon