Chapter 25: Unknown Number

309 14 2
                                    

Someone POV

"TANGINA NAMAN! BAKIT MO GINAWA YON? PWEDE SIYA MAMATAY SA GINAWA MO." galit na sabi ko.

"Ano ba kinagagalit mo kambal? Wala naman siya ginawa na masama." sabi ng kambal ko.

"Walang GINAWA?! Pinadalhan lang naman niya ng bomba ang kaibigan ko. Wala siyang kasalanan kay ate kaya ang hirap gawin ng pinapagawa ni ate. Hindi ko kayang patayin ang kaibigan ko na walang masamang ginawa sa kanya." inis na paliwanag ko sa kanilang dalawa.

"Kailan ka pa natuto maawa? Sa ating tatlo ikaw ang pinaka walang puso at kaluluwa sa atin. Kaya mo pumatay ng mga musmos na bata at mga inosenteng tao. Kahit konting awa at pagsisisi walang makikita sa mukha mo. Tapos ngayon sasabihin mo sa amin hindi mo siya kayang patayin?!" hindi makapaniwalang sabi ng kakambal ko.

"Ayaw sa kanya ni ate wala tayong magagawa kundi patayin siya sa ayaw at gusto natin. Kung hindi natin siya papatayin tayo naman ang pag iinitan. Kilala mo siya lahat ng gusto ni ate nakukuha niya." lalo naman ako na inis sa gago nato kasora. Pag untukin ko sila ni kambal eh.

"Hindi lang natin siya kapatid. Si ate din ang pinuno natin. Inutusan niya tayong patayin ang babae na yon kaya dapat mapatay natin siya pero hindi pa sa ngayon. Gusto niyang takunin mo na natin ang babae na yon." seryosong sabi ni kambal. Nakakainis sila wala silang kwentang ka usap makaalis na nga dito.

"Saan ka papunta?" pagtatanong ng kambal ko.

"Sa impyerno." inis na sabi ko.

Winston POV

Ilang buwan na simula ng magpakasal si Princess sa GD na yon. Simulat sapul ayoko na talaga sa lalaki na yon dahil alam kung puro sakit lang ibibigay niya sa kapatid ko. Nakikita ko kase siya sa mga article madami siyang issue at isa daw womanizer ang lalaki na yon. Bata pa lang mga anak ko pero sobrang hilig nila sa kpop kaya madami akong alam tungkol sa kanya kase yong isang anak ko bias siya. Saka, halata din naman kase sa mukha niya na isa siyang womanizer.

Dahil ayoko sa aking brother in law inutusan ko ang aking mga tauhan para kilalanin siya ng lubusan. Subalit lahat ng mga inutusan ko parang bulang naglaho hindi na sila bumabalik. Kaya lalo ako na curious sa Ji Yong na yon dahil lahat ng mga inutusan ko nawawala na parang bula na lang. Ayoko man humingi sana ng tulong sa kanya wala na ako magagawa siya na lang pag asa ko. Computer monster ang tao na yon kaya niya eh hack kahit sa government files at mga syndicate files pa yan.

Nakakatakot nga siya kalabanin dahil kaya ka niya pabaksakin ng isang iglap lang. Kahit sobrang hirap ng system kaya niya mapasok na walang kahirap hirap. Pag sa kanya ako humingi ng tulong paniguradong lahat tungkol kay Ji Yong malalaman ko pati mga tinatago nitong lihim. Kailangan kung makilala ng lubusan ang lalaki na yon dahil ayokong nasasaktan ang bunsong kapatid ko. Hinanap ko sa aking contact list ang baliw ko na kaibigan at tinawagan ko siya.

"Himala at tinawagan mo ako bro." hindi makapaniwalang sabi ni Ren. Ang high school friend ko at syempre ang partner in crime ko palagi. Kahit matagal na kami hindi nagkikita close pa din kaming dalawa at matalik na magkaibigan kami.

"I need your help bro." seryosong sabi ko sa kanya ayoko na magpaligoy ligoy pa. Hindi agad siya nakasagot sa tanong ko.

"Isang Winston Imperial III  kailangan ang tulong ko? Anong nakain mo at humihingi ka ng tulong sa akin ngayon?" hindi siya makapaniwala sa sinabi ko sa kanya. Sa bagay hindi talaga ako mahilig humingi ng tulong sa iba at alam niya yon dahil sobrang taas ng pride ko.

"Gusto ko lang malaman lahat ng tungkol sa brother in law ko dahil ayokong masaktan ang bunsong kapatid ko." kingina sakit ng tenga ko bigla na lang ba naman siya sumigaw.

I'm Just His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon