chapter 7

28 0 0
                                    


Sino na naman ba ang tumatawag na to?

"Alex?"

"Sagutin mo bilis!"

P-pero imposible... parang may kakaiba sa mga nangyayare.

"Bat ba ayaw mo pang sagutin?! Akin na nga yan!"

Kinuha nito ang phone at ito na mismo ang sumagot. Di na ko umimik nakakahiya naman kasi dito.

..........

' Hans pov '

"H-hello, alex?"

"Hello mr.park" ???

Natigilan ako ng hindi si alex ang nasa kabilang linya.

S-sinu to? Isang malalim na boses ng lalaki ang narinig ko. Parang may mali.

"Hello mr. Park?, hey sumagot ka!"

Mukhang nainis na yung nasa kabila kaya naman agad ko inabot kay mr. Park ang phone.

Nagtaka man ay tinanggap nalang nito at kinausap ang nasa linya.

Tahimik lang akong nagmamasid sa paligid. Ng mapansin kong may estrangherong lalaki ang dumaan sa harapan namin. Pero di yun napansin ni mr. Park dahil sa may kausap ito sa cellphone nito.

Sinundan ko lang ito ng tingin ng bigla itong tumigil at lumiko pakanan ng biglang may nalalag na pulang bagay galing sa bulsa nito.

Dahil sa pagka curious ko ay tumakbo ako para kunin ang bagay na yun at iabot dito.

Pero ng hawak ko na yun at lumingon sa nilikuan nito ay wala na ito.

Nakakapagtaka?

Kaya naman tiningnan ko ang pulang bagay na nalaglag nito.

Isa iyong panyo. Balak ko na sana iyong buksan ng bigla akong tawagin ni mr. Park.

"Hans! Alam ko na kung nasan sya!"

Nagulat man ako sa narinig ko ay natutuwa na rin ako dahil sa magandang balita nito.

Kaya agad kaming sumakay sa sasakyan nito at inutasan ako na tumawag ng mga pulis.

"T-teka panu mo nalaman kung nasan si alex?"

"Hindi na importante yun ang mahalaga ay alam na natin ang lugar kung nasaan si alex."

Pero nakakapagtaka pa rin. Di nalang ako umimik at tumingin nalang sa labas.

Alex ...

........

' Alex pov '

Ramdam ko ang dahan dahang pag ugoy sa akin. Napamulat ako at nagulat sa itim na telang nakasuot sa ulo ko. Di ako makahiyaw dahil sa tape na nakadikit sa bibig ko.

"Boss, iwan na natin yan"

"Teka lang, easy lang mga boys"

"Anu gagawin mo boss?"

"Manuod nalang kayo"

"Boss, bilisan mo baka maabutan nila tayo"

"Wag ka nga maingay!"

"Oo boss!"

"Tssss.. kaw kasi eh ingay mo"

"Baka Kasi maabutan tayo!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon