Chapter 6~~ The Awakening.
(Special Chapter----> Dale's POV)
11:30 p.m- Room 512
Hindi ko alam kung ano ang huling nangyari sa'kin pero ang alam ko lang nahimatay ako. Matagal na siguro akong nakatulog. Ewan ko nga ba, ang sakit-sakit ng ulo ko. Pagmulat ko ng mga mata ko, isang nurse ang tumambad sa paningin ko. Hindi nga si Anne pero sana si Anne na lang ang nakikita ko, gusto ko siyang makasama sa mga huling sandali ko.
"Mabuti naman gising na kayo sir Dale. Kanina pa kayo hinihintay ni Ms. Anne. Ako nga pala si Tess, nurse ako dito. Andito ako para alagaan kayo. ^_^" Sabi sa'kin ni Tess habang nakangiti.
Inadjust ni Tess ang bed ko until I was almost in a sitting position but I'm still lying.
I was shocked with what I saw. Anne, the girl I was going to marry, was wearing a white dress, holding a bouquet and wearing a white veil that covered her head silhouettely. She was was wearing that smile which I fell into. This picture of her may be enough para maging baon ko papuntang langit. I just noticed that I was wearing a tuxedo but instead of shoes I was only wearing socks. She never really fails to surprise me. I was supposed to be the one waiting for her in the altar but I cannot explain how happy I am that I was actually going to marry the girl of my life. I was going to marry Anne Sadie Ruiz.
"Bakit ka nakatunganga jan? Huwag mong sabihing ngayon ka pa aatras? Dale naman eh! Nagpakahirap na nga akong matupad tong kasalang to tapos nakatunganga ka lang jan! Huy Dale!" -Anne na pinopoke ako.
"Huwag ka ngang umiyak. Napakaiyakin talaga ne'to." -Anne.
Napansin kong tumutulo nga ang mga luha ko. Hindi ko man lang namalayan. Kaya nga mahal na mahal ko ang babaeng to. Kasi kahit na napakalala na ng sitwasyon nakakaya niya pang tumawa at mangulit. I will miss her smile.
Pinahidan ko na lang ang mga luha ko.
"Magsimula na tayo babe." -Dale.
"Wait lang." Pumunta siya sa may gilid ng kwarto tsaka may pinindot sa laptop.
"Oh ayan. Present na ang parents mo babe." At doon ko nakitang naka skype sina mommy at daddy. Namumula pa nga ang mga mata nila at magang-maga.
"Mi, Di...panoorin niyo akong pakasalan ang babaeng pinakamamahal ko ha." Sabi ko sa mga magulang ko. Si Daddy tumango lang habang umiyak na naman si Mommy.
"Father, magsimula na tayo." -Anne.
At ayun, nagsimula na ang seremonya. Nakakaaliw tingnan ang isang flower girl at bible bearer. Ang cute nilang dalawa. Sayang nga lang, hindi na kami magkaka-anak ni Anne dahil expiration date ko na. Hehe. Tapos ang mga witness namin? Mga nurse lang naman, iilang doktor tsaka mga pasyente. Eto na ang araw na yun. Ang araw na mag-iisang dibdib kami ng mahal ko sa harap ng panginoon.