Mahal rin kita

184 8 7
                                    

Mahal rin kita

AUTHOR'S NOTE:

Dahil first time ko pong gumawa ng story one shot lang po muna hindi po kasi ako masiyadong magaling sa pag susulat ng kwento,pasensiya na rin po sa mga sentence at spelling phone lang po kasi ang ginamit ko.

SIMULA--->

Nung una inisip ko na ang malas malas ko dahil nakilala kita at minahal dahil ang akala ko kaya mo ako niligawan dahil naalala mo ang ate mo sakin at panakip butas ng ex-girlfriend mo .Nagalit ako ng nalaman kong sasama ka sa ex mo papuntang U.S pero di ko maintindihan kung bakit ka sasama sa ex mo hindi ko alam kung anung problema mo dahil kahit anung pilit kung alamin eh ayaw mong sabihin diba dapat sabihin mo kung anu ang problema mo sa akin dahil girlfriend mo ako pero di mo man lang sinabi nalaman ko na lang na nandun kana sa U.S kasama ang ex mo nang malaman ko yun parang dinurug ang puso ko halos araw-araw akung umiiyak nun wala man lang akung balita sayo hindi ko namalayan na isang taon na pala akung walang balita sayo at hanggang ngayon di ko parin alam kung ano ang dahilan mo,alam mo bang gusto na kitang makita,mayakap marinig ang boses mo at matitigan ang napaka gandang mata mo marami rin akung gustong itanung sayo kung bakit mo ako iniwan.

Nagulat ako dahil pumunta sa bahay namin ang ex mo,sinabi niya sa akin na gusto mong makipag kita sakin binigay niya rin ang address kung saan tayo mag kikita pero hindi ako pumunta sa dapat sanang pag tag puan natin dahil natatakot ako na baka sabihin mong hindi mo na ako mahal .

Makaraan ang isang buwan bumalik ang ex mo at nagulat ako dahil umiiyak siya tinanung ko siya kung bakit siya umiiyak sinabi niyang

Ex:tu-tulungan m-mo a-akong h-hanapin s-siya .

Bigla naman akung kinabahan sa sinabi niya.

Ako:b-bakit anung nang yari s-sa k-kanya?

Ex:nawawala siya pl-pls. T-tulungan mo akong hana.....

Hindi ko na siya pinatapos mag salita agad akung lumabas ng bahay at nag madaling pumara ng taxi di ko man lang namalayan na tumulo na ang luha ko,kinakabahan ako hindi ko maipaliwanag kung bakit,ng biglang mag salita ang taxi driver.

Driver:ma'am okay lang po ba kayo?san po tayo?

Ako:okay lang po ako.sa park na lang po.

Nung oras nayun isa lang ang lugar na naisip kong puntahan yun ay ang park na kung saan lagi tayung nag kikita noon.nang dumating na ako sa park agad kung binayaran ang taxi sabay baba habang nag lalakad ako papasok ng park kinuha ko ang picture nating dalawa sa wallet ko.habang nag lalakad ako ng tumutulo ang mga luha ko naisip ko kung bakit hindi ako nakipag kita sayo siguro kung nung una palang ay nakipag kita na ako sayo siguro di ka mawawala,nang mapagod ako sa kakalakad ay umupo muna ako sa isang bench habang tinitingnan ko ang picture natin ay bigla na namang tumulo ang mga luha ko,ng biglang umihip ang hangin at inilipad ang picture natin agad akong tumayo at sinundan ko ito ng may biglang isang lalakeng pumulot ng picture natin agad akung sumigaw na akin yan hindi ko nakita ang mukha niya dahil pinulot niya pa ang picture,agad na man akung lumapit sa lalake tapos binigay niya sakin ang picture natin nang biglang nag kasa lubong ang aming mata mukhang nagulat siya at nagulat rin ako muli kong nasilayan ang maganda mong mata agad ko siyang niyakap at niyakap niya rin ako humagulgul na ako ng iyak mga ilang minuto rin yung tumagal,halos hindi na kita makilala dahil sobrang payat mo na.hindi ko na napigilan pang hindi ka mayakap muli,sobrang na miss kita habang yakap kita nag tanung na agad ako.

Ako:bat mo ako iniwan?hindi ka man lang nag pa alam sakin.

Tapos umiyak na rin siya.

Siya:alam mo na miss kita ng sobra,alam mo bang isang lingo na lang ang itatagal ng buhay ko sabi ng mga doctor?may cancer ako at malala na,sumama ako sa U.S para mag pagamot hindi ko sinabi sayo dahil baka mag alala ka ayaw kong mag alala ka hindi ko man gustong iwan ka pero kailangan kong mag pagamot akala ko pag pumunta ako sa U.S ay magagamot nila ang sakit ko pero hindi na pala dahil malala na ang sakit ko.

Mas lumakas ang pag hagulgul ko ng marinig ko yun,sana nung una palang ay nakipag kita na ako sa kanya para mas matagal ko siyang makasama.

Ako:s-sorry kung hindi ako naki pag kita sayo,natatakot kasi ako na baka kaya mo gustong maki pagkita sakin dahil para sabihing hindi mo na ako mahal.

Siya:okay lang yun ang mahalaga ay nag kita tayo ulit at kahit isang lingo na lang ang itatagal ng buhay ko Masaya ako dahil nayakap at narinig ko ang boses mo muli,at ito ang tatandaan mo kung kukunin man ako ni God basta mahal na mahal kita at lagi kitang babantayan tandaan mo yan ha.

Matapos niyang sabihin yun bigla na lang siyang umubo ng umubo na parang mamamatay na siya sa kaka ubo kaya sinabi ko agad na bibili muna ako ng tubig.dahil sa kabilang daan pa ang tindahan ay kailangan ko pang tumawid ng nag sign na na pwede ng tumawid agad akong tumawid hindi ko namalayang nawawalan pala ng preno ang truck kaya mababangga ako bigla na lang akung napapikit pero may naramdaman akung may tumulak sa kin at pag dilat ko ng aking mata bigla na lang tumulo ang luha ko dahil imbis na ako sana ang masaga saan siya pa.lumapit ako sabay yakap ko sa kanya at malakas na hagulgul ng bigla siyang nag salita kaya hinarap ko siya sabay titig sa maganda niyang mata at sinabi kong.

Ako:pls..pls.. lumaban ka ha wag mo muna akong iiwan?hindi ko kakayaning mawawala ka,kasi mahal na mahal kita.

Pero hindi niya sinagot ang tanong ko basta inuna niya pa ang pag aalala sakin.

Siya:O-okay k-ka l-lang b-ba h-hindi k-kaba n-nasaktan?i-ito a-ang t-tandaan m-mo m-mahal n-na m-maha...(nag serado na ang kanyang mata sabay patak ng luha at masayang ngiti).

Kahit hindi niya man natapos ang sa sabihin niya ito ang sagot ko mahal rin kita hinding hindi kita makaka limutan.

**WAKAS**

******THANK YOU FOR READING******

Mahal rin kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon