Chapter 1

47 1 1
                                    

"Yesss ! College na tayo ! New school means new classmates ! New classmates means ? New victims !yay ! Im so excited !"Sabi ni Xyla na masaya pa .

Si Erien at Xyla ay magkaibigan na mula palang nung nasa sinapupunan pa sila ng kanilang magulang . Magkapartner sa negosyo ang kanilang pamilya kaya talagang noon palang ay magkaibigan na sila .

Palibhasay maganda at mayaman , maraming kalalakihan ang nagkakagusto sa dalawa . Noong silay highschool lahat halos ng kanilang manliligaw ay kanilang sinasagot , ngunit pag napagsawaan na nilang paglaruan agad silang makikipaghiwalay sa mga ito . Wala silang pakielam kung lumuhod man ang lalaki para lang hindi sila makipaghiwalay .

Maraming lalaki na din silang naloko . Wala silang pinipili . Mayaman , mahirap , matalino o kahit na bobo . Pero lahat ng kanilang pinaglaruan at niloko ay pawang mga lalaking makikisig lamang .

"Yep ! New victims again ! I can sense na mageenjoy tayo dito ! Look ? Amdami na agad na papables na nakatingin satin"sabi ni Erien sabay ngiti ng nakakaloko sa kaibigan .

Ngunit isang lalaki ang nakapukaw ng atensyon ni Erien . Iba sa mga lalaking naging kasintahan nya , hindi kaaya aya ang itsura ng binatang nakita . Jologs ang pananamit , may makapal na salamin , jose rizal ang style ng buhok , may braces at sandamakmak ang hawak na libro . In short , nerd .

Hindi rin alam ni Erien kung bakit napukaw ng binata ang kanyang paningin.

"*snap snap* *kaway kaway* Hello Erien San ka nanaman nakatingin ? Anong nangyare sayo ? Bakit tulala ka jan ?"sabi naman ni Xyla

Sa pagkaway na iyon ng kaibigan bumalik sa katinuan si Erien.

"Huh ? Bakit ?"ani ni Erien.

"Your spacing out friend ! Bkit ka ba tulala jan ? Saan ka nakatingin ? Doon ba ? Doon sa nerd guy ?"sabi naman ni Xyla

Itinanggi lang ni Erien ang akusa ng kaibigan . Sa unang araw nila sa college , ilang lalaki ang lumapit sa kanila at hiningi ang kanilang cellphone number . Agad naman nila itong ibinibigay pag natitipuhan ang lalaki . Sanay na rin naman sila sa ganitong sitwasyon .

Hindi inaakala ni Erien na magiging kaklase nya sa 3 ang nerd na nakita nya kanina . Hindi nya lang naman ito pinansin , pero napansin nyang panay ang tingin ng binata sakanya . Kaya ng matapos ang klase hindi na sya nakatiis .

"Hey!"tawag nya sa binata . Ngunit hindi ito lumingon .

"Hey!" Sa ikalawang pagkakataon tinawag nya ang binata , ngunit hindi pa rin ito lumilingon at patuloy sa pagaayos ng gamit .

"Hey you mr. Nerd!"Sa wakas , lumingon na ang binata.

"S-sino ? A-ako?"ani ng binata na nauutal pa .

"Obviously yes . Tayo nalang ang tao dito oh . Cant you see ?" Mataray na sabi ni Erien

"Ah.Eh . Ano b-ba---" pinutol na ni Erien ang sinasabi ng binata , dahil naiirita ito sa pautal utal na salita ng binata.

"Do you want my number ? Kanina pa kase kita nakikitang tingin ng tingin sakin eh ? I think eto ang kailangan mo . Tama ?"sabi ni Erien na puno ng self comfidence.

"Ah , eh , hin----" pinutol muli ni Erien ang sinasabi ng binatang kaharap .

"Eto . Itext mo ko ha ? Magpakilala ka , sabihin mo ikaw yung nerd ok ? I gotta go now . Bye *wink*"At tuluyan na ngang umalis si Erien .

Samantala , takang taka naman ang binata sa pinagsasabi ng talaga . Kay napailing iling nalang ito habang itinatago ang ngiti sa kanyang mga labi .

-

"Hay!" Pangilang buntong hininga na ito ni Kristof .

Hawak hawak nya ang calling card na bigay ng dalagang nagngangalang Erien kanina lamang . Nakahiga sya ngayun sa kama nya at tinititigan ito . At hawak sa kabilang kamay ang cellphone . Gusto na nya itext ang dalaga , ngunit natatakot sya na baka di sya replyan nito .

HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon