Chapter 4

8 0 0
                                    

Matatapos na ang klase nila Luke at Kristof sa araw na iyon ng biglang may nilabas si Luke mula sa bag nya . Napalingon naman agad si Kristof sabay tanong ng "Ano yan ?"

"Pre , kala ko ba matalino ka ? Eto lang di mo pa alam ? Ang tawag dito bulaklak ! BU-LAK-LAK ! in english flower ! ngayon , alam mo na ?"Sabi ni Luke .

Tinignan lang sya ni Kristof tsaka nagsalita.

"Wag mo ko pilosopohin . Ibig kong sabihin , para saan yan?"

"Pre ampogi mo , pede ba kita ligawan ?"Sabay pacute ni Luke at abot ng bulaklak .

"Pede ba ! Umayos ka na nga ."Inis na sabe ni Kristof.

"Ok ! Ok ! Pre , bibigay mo to kay Erien :)"

"Ano ????? At bakit ko naman ibibigay yan ha ? -,-"

"Uhm , kase nililigawan mo siya ?"

"Pinapaalala ko lang Luke . Hindi ko sinabing liligawan ko sya . Ikaw nagsabe nun . Kaya kung gusto mo ikaw ang magbigay nyan . Dadamay mo pa ko sa kalokohan mo !" Medyo inis na sabe ni Kristof.

Kinulit lang sya ng kinulit ni Luke na ibigay nya yun kay Erien hanggang sa ,

"Okay ! okay ! Bibigay ko na ! Manahimik ka na jan ! Para kang bading"Sabay hablot ni Kristof sa bulaklak.

"Dahan dahan naman pagkuha pre ! Masira yan ! Mahal mahal nyan eh . Tsaka di ako bading ! Dame ko yatang chics ! Hahaha!"Pabiro pang sabe ni Luke.

"Shut up."

Nanahimik nalang si Luke at hinintay matapos ang klase .

Matapos ang klase agad naman na hinatak ni Luke si Kristof papunta sa room ni Erien . Nagkataong may klase pa ito kaya hinintay nila ito matapos . Sandaling paghihintay lang naman ang kanilang ginawa kung kaya't hindi nainip si Kristof.

Paglabas ni Erien ,

"Oh ? Anong ginagawa nyo dito ?"Wika agad nito ng makita ang dalawang hinihintay sya .

"Ah , aayain ka sana ni Kristof . Date daw kayo !"Malokong sabe pa ni Luke .

"Ano?" Sabay na wika naman ni Erien at Kristof dahil sa gulat sa sinabe ni Luke.

Inakbayan ni Luke si Kristof tsaka diniinan sa braso nito at tumingin ng parang sinasabing 'Um-oo ka nalang !'

Nakakatakot ang mga tingin na iyon ni Luke . Kaya ,

"Ah eh , oo . A-ano eto pala para sayo . Uhm , t-tara na ?"Nauutal na sabe ni Kristof tsaka inabot ang rosas .

"Uhm , sige . Salamat dito . Geh maiwan ka na namen Luke ^_____^"Sabi ni Erien sabay ngiti kay Luke .

'hay , apakaganda talaga nya !' Sa isip isip ni Kristof .

"Uhm , hey , Kristof ! Tara na ?"Sabi ni Erien na kumakaway kaway pa sa natulalang si Kristof.

"Ah , eh sige . P-pero san tayo pupunta?"Nahihiyang tanong pa ni Kristof .

'Sya ang nagaya eh . Kala ko pa naman may pupuntahan na kame -______-' naisip nalang ni Erien.

Nang hindi sumagot si Erien nagsalita na si Kristof . "Sa mall nalang tayo , gusto mo ?"

"Hmm , sige . May naisip na ko na gagawen natin duon"Tuwang tuwang sagot ni Erien .

Sa kabilang banda ......

"Hays ! Buti naman napa-oo ko si Kristof . Hahaha ! Isang masamang tingin lang pala yon eh !"Natatawang sabe ni Luke sa sarili habang naglalakad palabas ng campus , nakataas pa ang dalawang kamay at nakahawak sa may likod ng ulo (Get nyo ? hahahaha) Nang biglang .....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon