The Prom
"I don't want to go there moron stop forcing me." I put my headset back and tried to sleep.
Tinanggal niya ulit ang headset ko. "You have to, Beth. Hindi ako pupunta pag hindi ka pupunta. " Kinuha niya ang dress na dapat ay susuotin ko.
"Put that thing away. Nang dahil diyan nawalan ako ng ganang pumunta sa prom." Pinilit kong kunin ang headset na nasa kanya.
"Why?! It's pretty! And I'm sure na bagay na bagay ito sa'yo." Kitang kita ko na nawawalan na siya ng pasensya sa akin.
"Maganda yan?" He nodded. "Then wear it." When I had the chance to get my headset, I pulled it.
"Naiinis na ako! Bakit hindi ka nalang mag pajama sa prom?!" He shouted and I raised my left eyebrow.
"Hindi ka makaalis nang wala ako? Just leave me Henry and dance with other girls there. Just leave moron!" I pushed him out at sinara ang pinto.
"Fine! I will leave! Tapos na ako sa'yo at hinding hindi na kita pipilitin pa! Ang tigas talaga ng ulo mo Elizabeth!" I heard his footsteps walking away at nakahinga ako ng maluwang.
Napatingin ako sa orasan and it's still 6:00 pm. Sinuot ko ang headset at natulog.
"Eliza!"
I woke up dahil sa ingay ng katok sa labas. Bakit ayaw ata nila ako patulugin? Napagod kaya ako ngayong araw.
"Eliza anak buksan mo 'tong pinto." Tumayo ako't binuksan ang pinto and there I saw mom and dad.
"Mom, dad? Anong ginagawa niyo dito? I'm sleeping pa po."
"Anak, kanina ka pa hinihintay ni Henry sa baba and why are you not wearing your dress?" Halos pasigaw na tanong ni mom. Para bang hindi siya makapaniwala say itsura ko ngayon
"What? Nandiyan pa si Henry?! Pero anong oras na?" Tumingin ako sa orasan and it's already 8:30 pm. "Kaninang 7 pa nagsimula ang prom ah. I thought he already left?"
"Kanina pa siya nasa sala naghihintay." Dad said at mabilis kong sinara ang pinto.
"Magbibihis na ako! Bumaba na po kayo!" I immediately get the royal blue dress and wear it. Naghintay pa talaga ang mokong!
Nang naisuot ko na ang dress ay mabilis akong bumaba at sinalubong naman ako ng mokong kaya sinuntok ko siya.
"I hate you Henry and I will always hate you." Susuntukin ko ulit sana siya kaso napigilan niya.
"One punch is enough." He smiled. "Sabi ko na nga bang bagay na bagay 'yan sa'yo. You're beautiful Beth but why are you wearing your school shoes?"
"Ano gusto mo, rubber shoes? Tangang 'to." Pagtalikod ko ay nakita ko sina mom, dad, kuya and my little sister.
"Oh my gosh ate what are those?!" Turo ni Erika sa school shoes ko.
"They're school shoes Erika." Kuya Erick answered. "Sinong tanga ang magsusuot ng school shoes sa prom? Edi si Eliza!" I rolled my eyes at them.
"Edi sige hindi na ako pupunta. Lalaitin niyo lang pala ako." I was about to walk upstairs pero pinigilan ako ni mom.
"Anak, don't listen to your brother. Let me change your shoes and fix your hair and face." Hinila ako ni mommy papunta sa kwarto nila. She changed my shoes into heels. It's also a royal blue. Pinalugay niya ang buhok ko at nilagyan ako ng lipstick.
"Mom, ang kapal na po ng lipstick." She laughed.
"Kakalagay ko nga lang. Parang wala nga oh." Tinitigan ako ni mommy nang nakangiti parin. "Dalaga na ang dating baby namin." I smiled back.

YOU ARE READING
Dear Henry
Teen FictionDear Henry, You're my home. My future and my everything. My best friend and my happy pill. I pray that I can say it all to you but I just can't. Don't leave me. I love you and I will always love you. Love, Beth