Chapter 8

52.4K 1.8K 512
                                    

Chapter 8

Royal

Napaigtad ako sa aking pagkakatayo nang bigla na lang akong tawagin ni Nanay mula sa labas ng kwarto ko. Sa lapit ng boses niya, akala ko tuloy ay dere-deretso pa ito sa pagpasok dito sa kwarto kaya mabilis kong tinago ang pangalawang sulat sa akin ni Quinn. Sa ilalim ng unan ko iyon agad na siniksik sa takot na makita ng Nanay ko. "Po?" sagot ko at saka lumabas na lang sa kwarto. Tiningnan pa ako ng ilang segundo ng Nanay bago ako utusan.

Pagkabalik ko sa kwarto ay kinuha ko ulit ang sulat ni Quinn. Umalis na ulit ang mga magulang ko kaya malaya ko nang mababasa ang sulat na iyon. Sa likod bahay pa inabot sa akin itong sulat niya dahil nagtatago sa mga magulang ko. Napakahirap ng pinapagawa ng lalaking iyon kay Rita. Kawawa naman siya at halos papakin ng mga langgam dahil sa mahinang pagkatok sa bintana ko.


My lady,

The angry that I felt about you is not the way you're thinking. Tell me, is it wrong for me to want you the way I'm thinking? See me so I can finally tell you what I'm feeling about you. I'm not angry to everyone but to myself. I'm sorry babe if I scare you. I didn't mean to do that but I just did. You're confused. But I do know what you're feelings about me. I cannot just let you go like that. See me. Please?

Your Quinn.

-------

Quinn,

Tigilan mo na ito. Nakikiusap ako. Hindi naging maganda ang naging reaksyon sa iyo ng Lola Mila ko. Taga Esperanza ka at sa oras na malaman ng iba naming mga kasama na nanggaling ka dito ay baka kami ang mapag-initan at mapalayas kami sa hasyendang pinagtatrabahuan namin. Pakiusap.

Royal.


Sumilip ako sa bintana. Mabilis akong nilingon ni Rita at nginitian na para bang matatapos ang paghihirap niya sa mga langgam dahil nakita na niya ako. Inabot ko sa kanya ang sagot ko sa sulat ni Quinn. Tinago niya agad iyon sa bulsa ng suot na palda at nagpaalam na sa akin. Malayo rito ang pinagparadahan ng sasakyan mula sa hasyenda nila. Kaya alam kong malayo-layo rin ang nilalakaran niya bago makasakay.

Hindi rin marunong makinig iyang amo niya e.

"Royal."

Napaigtad ako sa gulat at sabay lingon sa pintuan. "P-po, 'tay?" ang bilis ng tibok ng puso ko. Wala sa sariling nilingon ko pa ang labas ng bintana.

Sinundan ng tingin ni Tatay ang labas ng bintana. Mas lalo lumakas ng kalabog sa dibdib ko na para bang nahuli akong may ginagawang kalokohan. Napalunok ako.

"May kinakausap ka ba d'yan?" kunot-noo niyang tanong sa akin. Humakbang palapit sa bintana at sinuyod ng tingin.

"W-wala, wala po, 'Tay."

Nang walang makitang tao sa labas ay saka niya lang ako binalingan ulit at tumango. "Aalis na muna kami ng Nanay mo. Ikaw na ang bahala sa Nanay at baka umiyak na naman iyon." Bilin niya sa akin. hindi ko rin alam kung bakit naging ganoon ang Lola.

Sa oras ng hapon ay nauupo na lang siya sa kama at pagmamasdan ang labas ng bintana. Walang kibo at parang kay lalim ng iniisip. Nang minsang tanungin ni Tatay ay sinagot lang na may naalala lang siyang tao. ang iniisip na lang namin na baka nami-miss lang ng Lola ang Lolo Pepe. Matagal-tagal na rin mula ng pumanaw ito. Nagbalak kaming dalhin sa bayan si Lola para mapatingin sa klinika pero tumanggi ito. wala naman daw siyang nararamdam na hindi maganda. May naalala lang daw.

***

"Rita?" hindi ko makapaniwalang sambit sa pangalan niya nang bumalik na naman sa bahay ang kasambahay ng mga Altamirano. Umaasa akong hindi na siya babalik dito pero hindi pa natatapos ang hapon ay nandito ulit siya.

Real (Boy Next Door #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon