Agent Cupid: Chapter 1 (Intro)

48 2 0
                                    

I am Cyrille Dela Cruz, a 22 year old DJ of a local Radio station. Chinito, matangkad, di gwapo hindi rin naman panget yung tipong sakto lang.  Mahilig sa computer games at mag-surf sa internet. Palabiro at mahilig din ako magpatawa.Pero mahiyain din, ok diba? san ka nakakita ng DJ na mahiyain. Kapag nagsasalita na kasi ako sa radyo dun lang nawawala yung pagkamahiyain ko dahil wala naman nakakakita sakin. Nais ko lang ibahagi ang aking kakaibang love story.

Noong nasa highschool at college pa kasi ako my pagkababaero akong tao. Marami din akong nakarelasyon kahit na mahiyain ako at di naman gwapo. Sabi ng mga naging ex ko kasi daw mabait at sweet ako. Ako yung lalakeng mahilig magsulat ng mga love letters at mahilig gumawa ng mga sweet things, kaya siguro madami din akong nabiktima. Naging makulay ang buhay pag-ibig ko noon, Hanggang sa tumuntong ako ng college doon na ako nagsimula manloko ng mga babae, two time dito fling doon landi kung kani kanino, halos walang nagtatagal na relasyon. Masaya noon una hanggang sa makilala ko si Yssa,bago naming kapitbahay at pareho kame ng course na MassCom, lower year nga lang sya maganda si Yssa, koreana ang beauty. Attracted kasi ako sa mga chinita yan ang kahinaan ko. Sya yung tipong seseryosohin ng kahit na sinong lalaki. .Ang problema man hater sya at may pagkaboyish. Kapag alam nyang may pumoporma sa kanyang lalake, binabara nya na agad at kung makulit inuupakan nya pa. Sa kasamaang palad ganun ang ginawa nya sakin. Alam nya din na may pagkababaero ako. Kaya ayon hanggang tingin nalang ako sa kanya. Simula ng naggraduate ako di na kami nagkita.Lumipat nadin siya ng school sa manila. Hanggang sa makapasok akong DJ. . dito na magsisimula ang aking kwento. Isang kakaibang kwento ng pag-ibig.

"Good evening every one, you're listening to 100.7 Hot FM, welcome po sa programang, Love Nights with DJ Yohan. samahan nyo po ako till 1 am at pasukin natin ang masalimoot na mundo ng pag-ibig. tawag lang po sa number na 913-4772 at mag-usap tayo about sa inyong buhay pag-ibig." tipikal na sinasabi ko sa tuwing ako'y mag-oon air. Madami naman akong listeners karamihan mga teenagers na broken hearted. Madaling araw na natatapos ang program ko kaya puyat lagi, well ganun talaga wala naman ako magagawa. Ang mabuti nalang malapit lang ang bahay ko sa Radio Station. Nakatanggap ako ng memo kanina ang sabi may general meeting daw bukas at kailangan umattend ang lahat, ayun kahit 2 am na ako nakauwi obligado ako magising ng 6 am at pumunta sa office namin ng 8 am. . ano kaya meron bakit nagpatawag ng meeting si Sir Robert? 

Kahit ilang oras lang ang tulog ko di ako nalate, dumating ako ng 8 am sakto, ang problema lang ang aaga nagsidatingan ang mga co-DJs ko kaya ako padin ang last na dumating. Pagbukas ko ng pinto ng office nakatingin lahat sila. " Good Morning po" bati ko sa kanila. "Good Morning din" tugon naman nila. Naghanap ako ng upuan sa sulok para maka-idlip ako kung maging boring ang pagmimitingan. Wala pa pala si Sir Robert ang may-ari ng Radio Station at ang Bossing namin lahat. Ang tagal naman nya nakalimutan ko pala mag breakfast, kaya nagpasya ako lumabas saglit para bumili ng sandwich, ng bubuksan ko na ang pinto bigla nagbukas ito at tinamaan ako sa mukha. Sa sakit natumba ako, sisigawan ko na sana yung biglang nagbukas ng pintuan ng makita kong si Sir Robert pala yung nagbukas kaya nasabi ko nalang. "Good Morning Sir"  "oh Yohan anung ginagawa mo jan sa sahig?" tanong ni Sir Robert. sumagot ako "Sir nagsisit-up po alam nyo naman ako sir medyo athletic". Nagtawanan ang mga co-DJs ko. "ganun ba? bakit parang walang epekto? sige maupo kana at may ipapakilala ako sa inyong lahat". sabi ni Sir Robert. Kaya dalidali akong tumayo at bumalik sa upuan ko. 

" Alam nyo naman na almost 2 weeks na tayong walang Program Director dahil nagresign na si Mrs. Perez dahil she decided na mag-aabroad na sya. Fortunately mayroon na tayong bagong Program Director and he is my nephew". naisip ko trotropahin ko agad siya para maging malakas ako kay boss ehehe. " Good Morning Everyone, I am Mr. Dave Joseph Cruz, your new program director, please to meet you everyone, lets work together from now on." parang nawala ang lahat ng dugo ko sa mukha, napa-iwas nalang ako ng tingin, jusko po bakit sya pa. Si Dave ang lagi kong binubully at inagawan ko ng GF nung highschool. alam ko malaki galit nito sakin. yari ako pag napansin nya ako. yuko ako agad at nagsimulang magdasal na wag sana sya mapatingin sa kinauupuan ko. " Sa kanya na kayo makikipagcoordinate about sa mga programs nyo, and that would be all". sabi ni Boss Robert. Ok na sana eh paalis na si Sir Robert ng bigla nya ako nakita at tanungin, "diba sa Luzon Academy ka naghighschool Mr. Dela Cruz? naging schoolmate mo marahil itong pamangkin ko?" "Yes Sir, i think natatandaan ko po siya." ang sagot ko. tumingin at ngumiti sakin si Dave, "Yes, Uncle natatandaan ko din sya, siya yung laging nambubully sakin noon, at siya din dahilan bakit nagkahiwalay kami ni Joana, pero don't worry pare, it's all in the past wala na yun sakin." sagot ni Dave sabay ngiting aso. "pasensya ka na sir dave noon ah alam mo na bata pa marami pang kalokohan". kinakabahan sagot ko. " yun naman pala eh, let's all be professionals, ok guys, maiwan ko na kayo at may lalakarin pa ako." sabi ni Sir Robert sabay alis. " pwede na ba ako makauwi sir Dave puyat pa kasi ako 1 am na natapos ang program ko kagabi." tanong ko kay Dave. "ay ganun ba? ok sige but please submit to me your program infos and your program segments".  "ok sir no problem po, mauna na po pala ako". sagot ko kay Dave. akala ko ba past na yun mukhang may galit padin sakin at pepersonalin ako, kailangan ko pa magsubmit ng program format ko. . .tsk mukhang malas itong araw na ito ah, makauwi na nga muna at makapagpahinga. . .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Agent CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon