#2 - Barkada

0 0 0
                                    

Barkada...

Sila yung mga taong nandyan para maging masaya ka.
Sila yung mga taong nandyan para makasama ka.
Sila yung mga taong gusto mong makasama boung araw.
At sila yung mga taong nakakabigay ngiti at saya sa iyong puso kahit wala kang lovelife.

Ou, kahit WALA KANG LOVELIFE.

Kahit lahat sila ay may pares at ikaw wala?
Nakakatawa diba?

Kahit 3rd wheel or 5th wheel o ilang wheel kapa nila.
Masaya ka para sa kanila.
Ma photographer, videographer o kung anong grapher kapa nila.
Masaya ka kasi masaya sila.
Ma foodtrip, movietrip o kung anong trip pang gagawin nila.
Masaya ka kasi kasama mo sila.

Masaya ka kahit walang lovelife basta nandyan sila?
O hopeless romantic ka lang talaga?

Barkada...

Barkada na addict.
Barkada na geek.
Barkada na tomboy.
Barkada na pagirl pero boy.

Barkada na hopeless.
Barkada na worry less.
Barkada na malibog.
At barkadang kabog na kabog.

Iba't-ibang klasing barkada,
Mapa home man o mapatown pa.

Sila yung nag sasabi "Bay, okay lang yan. Tara inuman na!"
Sila yung na tutuwa pag broken hearted ka kasi nga inuman tuloy-tuloy na.

Barkada nga naman,
mapa bad or good influence.
Basta barkada, go payts na!

Barkada...

Mahal ka nila kahit baliw ka.
Mahal ka nila kahit panot ka.
Mahal ka nila kahit mataba ka.
Mahal ka nila kahit payat ka.

Mahal ka nila kahit maitim ka.
Mahal ka nila kahit lasenggero ka.
Mahal ka nila kahit mahirap ka.
Mahal ka nila kahit maingay ka.

Mahal ka nila kahit ano kaman.
Kasi nga tanggap ka nila kung sino kaman.

Sila yung sasabihan ka na ang panget mo kahit maganda ka.
Sila yung sasabihan ka na maganda ka sa sout nayan kahit hindi naman.
Sila yung nabibigay nang positibo sa buhay mo kahit parents mo against sa kanila.

Dun ka masaya eh? Ba't iiwas kapa sa kanila?
Barkada nga naman.

*#2 - END*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ThougthsWhere stories live. Discover now