Isn’t it great to find true love in the right place, on the right time, and at the right person?
But what if hindi ganon ang manyari?
Paano kong right time nga pero wrong person naman?
Eh paano mo nga ba kasi masasabing “right person” na sya?
Masasabi mo bang hindi sya ang para sa’yo ng dahil sa sinasabi ng ibang tao?
Ng dahil sa mga negative comments sa kanya ng mga nakapaligid sa’yo?
Ng dahil sa nakaraan nya?
Yun nga ba ang mga basehan para masabi mong hindi sya ang para sayo?
Ititigil mo ba ang kasayahang nararamdaman mo pag kasama mo ang taong mahal mo ng dahil lang sa sinasabi nila?
O ipaglalaban mo sya at hindi mo na lang papansinin ang sinasabi at patuloy na sasabihin ng iba?
Madaling sabihin ang mga salitang “Mahal kita wala akong paki sa sasabihin nila.”
Pero ang tanong, kaya mo bang panindigan?
*sa isang debut party*
Habang nagkakasayahan ang lahat may isang babaeng lumabas sa may garden. Siya si Carina, pinsan nya ang debutante na si Arianne. Sa ancestral house nila sa may Tagaytay ginanap ang debut nito.
Habang patuloy sa pagpaparty party ang karamihan pinili Carina na lumabas na lang para naman namnamin ang malamig na simoy ng hangin. Ngayon na lang kasi sya nakauwi sa bahay nila dito sa Tagaytay dahil sobrang busy nya sa school, graduating na kasi sya tapos running for cum laude pa.
CARINA’S POV
“the subscriber you are calling is currently unavailable”
for the nth time ay sinusubukan kong tawagan si Adrian. At ayun paulit ulit na hindi ko din sya macontact!
“Hayyy Adrian! Ano ba yan! Sabi mo pupunta ka ngayon sa debut ni Arianne pero hindi kita macontact!” nailing na lang ako.
Dapat kasi ngayon ko din ipapakilala si Adrian kina Tito at Tita pati na rin kina Lolo at Lola.
Ano kaya nangyari dun?
*after a few minute*
Sa wakas nacontact ko na sya!
“Babe! Sorry hindi ako nakaabot sa simula ng party!” si Adrian.
“Nasan ka ba? Kanina pa kita tinatawagan. Buti na lang ‘di ko pa sinasabi sa kanila na pupunta ka kundi maiinip na sila sa kakaantay sayo” syempre mejo naiirita na ako. Actually galit na ako. Kaya napagtyagaan ko sipasipain yung mga bato sa lapag.
”Uhmm, nandito na ko sa likod mo. Wag ka na magalit” ayun bigla akong napalingon at nandun nga sya.
Naka light blue sya na long sleeves tapos black pants at black leather shoes. bagay na bagay din sa kanya yung eye glasses nya. Hindi naman saksakan ng gwapo ang boyfriend ko, may itsura siya din naman sya at kayang kaya niyang dalhin ang sarili nya
At ayun syempre nilapitan ko na sya..
“Sorry na. Si Papa kasi medyo sumama yung pakiramdam. Ayun sinamahan ko muna.” Paliwanag niya.
Syempre kilala ko naman ang Papa niya, si Tito Ron, may highblood ang Papa niya kaya nag-alala din naman ako sa sinabi niya.
“But is he okay now?” medyo worried talaga ako.