Nagising ako dahil sa sinag ng araw mula sa labas kaya bumangon ako agad at dumeretso sa banyo para ako ay maka ligo na at makapag breakfast sa baba
Habang nasa banyo Ako parang may nararamdaman ako na kakaiba yung para bang may nakatingin sayo na tao kaya binilisan ko nalang ang aking pagliligo.
Nangmatapos na ako makaligo nag damit na ako at bumaba para makasabay silang mag breakfast.Pagbaba ko nakita ko sila michelle na papunta palang sa baba kaya nakisabay na ako at kinamusta sila
"Uyy michelle, musta tulog nyo?"Sabi ko habang may ngiting naka porma sa aking labi
"okay lang naman, ang sarap nga ng tulog ko eh" Sabi ni Michelle
" Tara kain na tayo para maka libot tayo dito sa palawan" sabi ni althea ng makita kaming pababa ng hagdan
Habang kumakain naalala ko yung kagabi. Ngunit di ko iyon kinwento sa mga kaibigan ko dahil baka sabihin nila hindi ako nag aayang lumabas
Nang matapos na kami mag almusal pumunta kami sa seaside kasama ang guide namin dito sa palawan
Habang nag uusap kami ng mga kaibigan ko biglang nahagilap ng mata ko ang isang lalaking naka hood di ko makita ng malinaw ang kanyang mukha pero parang nakatingin sya ng masama
" Guys!" tawag ni Althea para sumakay na kami ng bangka
Nang makasakay na kami ng bangka tinignan ko muli yung kinaroroonan ng lalaking nakahood ngunit wala na sya don
Sabi nila Michelle at andrea mag
snorkeling kami dahil excited na daw sya makakita ng ibat ibang kulay na Isda.isa isa kaming bumababa mula sa banka upang makapag snorkeling,
Nang makababa na kaming lahat biglang umalis yung bankang sinasakyan namin."HUY KUYA!!!" sabi ni Andrea na pasigaw sa lalaking paalis na kasama ang bangka
"Hindi manlang sya lumingon! Bat nya tayo iniwan dito!?" Medyo natatakot na si Althea dahil nakakaisip nanaman sya ng kung ano ano na nakakatakot
"Di ko alam,Siguro may kasabwat yun! nagbayad naman tayo ng sapat ahhh!" Sabi naman ni Michelle
"Ang layo natin sa resort! ano yan lalanguyin natin? Nagpapatawa ata sya!? Kalbuhin ko yung lalaking yun eh!" Yan lamang ang nasabi ko dahil akoy naiinis dun sa lalaking naghatid lang pala samin dito.
"Baka ipapain pala tayo sa mga shark!? o Pirana!?" natatakot na sabi ni Althea
" Lumangoy nalang tayo papunta doon dahil maya maya mag gagabi na mag Cacamping pa tayo sa labas ng resort with bonfire" sabi ni Andrea habang patuloy na syang lumalangoy paalis samin at papunta sa resort.
Sumunod nalang kami sakanya, Habang kami ay lumalangoy na parang aso biglang nag open up ng topic si Michelle.
"May lalaki na ba kayong natitipuhan?" Seryosong tanong ni michelle
"Umm, ako wala pa" Sabi ko at tumingin kay Althea " uy! uy! uy!, bat tumitingin ka sakin?" Nagulantang si Althea ng tignan ko sya"wala akong nagugustohang lalaki noh!" Sabi Althea
"Weehhh masyado kang defensive, siguro may nagugustuhan ka na yiiieeee" Sabi ni Andrea habang sinusundot sundot ang tagiliran ni Althea
"Ayy kinikilig si Althea oh!!! YIIEEEE" Sabi namin habang tumatawa
"tumigil nga kayo! di ako kinikilig!" sabi ni althea
"Yiieee!!!" tinutukso ulit sya ni Andrea
"Shut up Andrea! Ikaw nga may nagugustuhan ka na nga eh halata ko sayo sa school"Sabi ni Althea kay Andrea na may ngisi sa kanyang mga labi
YOU ARE READING
Choosing The Right One (Not yet done)
RandomChoosing the right one For me siguro is a matter of choosing someone who does not only "chooses" you but also accepts YOU as a whole. The "one" is someone who embraces all your flaws, knowing that you're perfectly imperfect and is prone to doing mi...