#12

2 1 0
                                    

"Huling Luha"

Isa dalawa tatlo,
Walang patid sa pagtulo ang luha ko.
Nasasaktan ako.
Gusto ko nang sumuko.

Mahal, bakit mo ako ginaganito?
Bakit natiya-tiyaga mo na ang galit ko?
Bakit sa una mo lang ako sinusuyo?
Wala na ba ang pagmamahal mo?

Apat lima anim,
Hindi ako makatulog sa gabi.
Lagi kang nasa isip.
Gustuhin mang ika'y kausapin,
Natatakot na baka ako'y 'di pansinin.

Mahal, anong nangyari?
Bakit parang pagmamahal mo'y napawi?
May mali ba sa akin?
Kung ganon ako'y patawarin.

Pito walo siyam,
Puso'y durog na durog na.
Luha'y hindi na mapigilan.
Sobra na akong nasasaktan.

Mahal, hindi na ata ito maaayos.
Nakikita ko'y hindi mo na ako gusto.
Sa simpleng away,
Tayo'y naghiwalay.

Pang sampu,
Ito na siguro ang huling luhang ipapatak.
Puso ko'y sobra nang wasak.
Kahit sobrang masakit,
Magagawa kitang palayain.
Hindi para sa ikakasaya mo,
Kundi para maghilom na ang sakit na sinapit ko.

QuotesWhere stories live. Discover now