Part I- Day 34

28 5 2
                                    



huhuhu.





Umaga nang gisingin ako ng aking ate. Nararamdaman ko nang mayroong masamang nangyari. Bumubuhos ang luha sa mata ng aking ate habang pasigaw siya na gumigising sa akin...

"Bryan!!! Bryan!!!! Bryan!!!! Ang inay!!!"(sabi ni ate Courtney)

Noong mga oras na yaon ay dama kong mayroong pangyayaring hindi namin aakalain.

Pinilit kong imulat ang aking mga mata ngunit tinig lamang ng aking kapatid ang aking nadirinig.

"Bryan!!!! Bryan!!!! Ang inay!!!!! WALA NA!!!!!!"(sigaw ni ate Courtney)

Sa huling oras na iyon, naisip kong "wala na finish na" ngunit naimulat ko ang aking mga mata






































"Bryan! Kung ayaw mong pumasok, magsabi ka! Ang mahal mahal ng tuition mo, hindi mo man lang ipakita na pursigido kang mag-aral?"
(tinig na nanggagaling sa labas ng kwarto)

Sa paggising ko, masaya kong nalaman na panaginip lang pala ang lahat.

"Oh may plano ka pa bang mag-aral?"
(tanong ni Inay)

"Tabal talaga yang bata na yan, pangalawang araw palang sa eskwela
tamad na mag-aral. Hoy ikaw Bryan! Tingnan mo nga yang katawan mo! Tingnan mo! Dapat isinasabay mo sa paglaki ng katawan mo ung paglaki ng utak mo! Mahiya ka nga! Grade 9 ka na!"(sigaw ni ate Court)

"Grabe ka naman makasigaw Courtney! Parang bundok yung paggitan nyong dalawa ah. Oh sige, maligo na kayo, ipaghahanda ko nalang kayo ng kakawate."(sabi ni Inay)

"Kakawate nanaman? Palagi nalang ah."(tanong ko)

"Maligo na kayo. Baka marinig tayo ng kapitbahay. Malaman nilang pinipitas nating ang halaman nila."
(pabulong na pasigaw na sabi ni Inay)





Ok. so ganun ung pamumuhay nila. Di sila mahirap, di rin naman mayaman. Maaari natin silang tawaging "five" dahil kahit papaano ay mas mataas sila sa poor.

Yung kanilang Itay naman ay......
Na-Tokhang dahil sa pag bu-buy bust operation ng mga pulis ay nahuli nila ang ama ng mga bata. Nagbagong buhay na raw ang kanilang ama (part 4 pa siguro ung kwento dito)




Hoooooo! Unang araw akong papasok sa eskwelahan. Di ako pumasok kahapon kasi hindi ako sumama sa Brigada Eskwela (baka isama ako sa mga maglilinis ng school)

Habang naglalakad ako papunta sa aking section, nadaanan ko ang abandonadong library ng paaralan.
















"Psst!"(narinig ko habang naglalakad)
(sa tingin ko ay tunog lamang iyon ng isang taong nilalang na nagbabalak na ako ay takutin at ako naman ay magkukunwaring matatakot upang aming maisabuhay ang mga kaloob at kailangan para sa ating mabuting pakikipagkapwa tao)






















"Pssst"(tinig nanaman na aking narinig)( sa oras na ito ay handa na akong harapin ang anumang bagay na maaaring magpakita sa akin ngunit gagawin ko pa rin ang aking buong makakayang magulat upang nang sa gayon ay patuloy pa rin naming napauunlad at naiinternalize ang mabuting pakikipagkapwa tao)


Pagtingin ko sa kaliwa ay wala naman akong nakikitang kahit ano.

Pagtingin ko sa kanan ay nakasarado naman ang bintana ng abandonadong library.

Ngunit pagtingin ko sa likod....
wala pa rin naman akong nakita

Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad dahil kunting oras na lang ay magsisimula na ung una naming klase.

"Geh talon! Una ulo!"
(sigaw na naggagaling sa room namin)(alam mo na ung ganitong klaseng nilalang ay dapat hindi na natin pinagtutuusan ng pansin dahil ang mga ganitong klaseng nilalang ay mga salot sa lipunan ng Sambayanang Pilipino)

"Oh nandito na pala si Bryan! Linisin mo nalang daw ang C.R dahil hindi ka pumunta nung Brigada"(sabi sa akin ni Celes)

Ngumiti nalang ako kasi wala na akong masabi. Pumunta ako sa likod at inilagay ang aking bag doon.

"Par, san kasama mo par?"
(tanong sa akin ni Isaiah)

"Wala eh"(sagot ko sa kanya)

"OMG, di mo alam yun?"(sabi ni Isaiah

"Yung ano?"(tanong ko)

"Yung sinabi ko"(sabi nya)

"Alin doon?"(tanong ko ulit)

"Yung "Par, san kasama mo par?"?"(tanong nya)

"Hindi ko yun alam eh. Video ba yun?"( tanong ko)

"Oo par, memes yun par. Btw, ako nga pala ay isang memeist."(sabi ni Isaiah)

"Anong "memeist"?"(tanong ko)

"Wew, edi magaling sa memes. Diba kapag magaling sa arts, tawag dun artist. Kapag magaling maggitara, tawag naman dun, guitarist. Kapag magaling naman mag rap, tawag naman dun......"

Sinampal ni Julia( kaklase kong babae) si Isaiah

"Bastos ka talaga! You pervert!"(sabi ni Julia)

"Mali ka dyan kapatid!, hindi ko pa nga tapos ang sasabihin ko sinampal mo na ako?" Hindi naman bastos ang sasabihin ko ah. Ang sasabihin ko sana, kapag magaling naman mag rap, tawag doon ay rapist"(sabi ni Isaiah)

Sinampal nanaman ni Julia sa kabilang pisngi si Isaiah.

"Ouch"( tanging reaction ni Isaiah)































Tumahimik ang buong klase, mayroong pumasok na babae. Iba ang pakiramdam ko dito. Tila bagang nauulit ang nararamdaman ko sa aking panaginip.

"Ok class! I will be your MAPEH teacher for the whole year!"
(sabi ng babae)

Teka Biology dapat ang una naming klase pero bakit MAPEH ang nauna?

"Nakapag introduce na rin naman tayo kahapon hindi ba? Lets start the lesson. So our lesson for today is Troubadour Mus.........."














next chapter every week?

HayHay BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon