Aabot at aabot pala talaga tayo sa puntong, mapapagod na tayo mahalin ang isang tao.
Mapapagod kang maghintay, umasa na balang araw, magiging worth it din ang lahat, pero di din nangyayari.
Yung kahit anong tulak sayo palayo, oh yung kahit gaano ka na nasasaktan sa ginagawa, sinasabi niya, pero di ka umaalis sa tabi niya. Pero di niya yun nakikita.
Kasi nga di ka niya mahal.
May iba siyang mahal.
Mahal mo siya, pero di ka niya mahal.
Kaya ikaw, bilang tao lang din, syempre mapapagod.
Kasi kahit gaano mo kamahal ang isang tao, pag di ka naman mahal, di ka man lang pinapahalagahan,
MAWAWALAN KA TALAGA NG GANA.
Kasi diba? Para san pa ang pagiging andyan mo 24/7 kung di din naman ikaw ang gusto makasama?
Para san pa yung pag cocomfort mo sakanya kung di naman ikaw ang gusto niyang gumamot ng mga sugat niya?
Para ka lang sumali sa isang takbuhan, ginawa mo lahat, kahit pagod na pagod ka na kakatakbo, kahit nauunahan ka na ng iba, pinilit mo pa din kahit sa huli alam mong masasaktan ang katawan mo. Oo, ikaw ang nauna sa finish line, pero huli na nung nalaman mong fun run lang pala yun. Walang premyo. Wala kang makukuha sa huli. Sakit lang ng katawan. Masakit na nga katawan mo, nagmukha ka pang katuwa tuwa at higit sa lahat, nagmukha kang tanga.
Panahon na para iwanan ang pagiging TANGA oy! Mahirap at masakit man tanggapin, pero yun ka. Yun ako. Isang tanga.
PAGOD NA AKONG MAHALIN KA. PAULIT ULIT NALANG. MASYADO MONG KINAKAREER YUNG IKAW LANG DAPAT ANG MANAKIT SAKIN. PUNYETA. KUNG DATI LAGI AKONG ANDYAN PARA SAYO, NGAYON HINDI NA. KUNG DATI, BUMABALIK AT BUMABALIK AKO SAYO, NGAYON? TANGINAMO UMASA KA. HINDI NA. HINDING HINDI NA.
NAKAKAPAGOD KASI, SOBRA. MASAKIT, SAGAD SA BUTO. MAHAL KITA, PERO BAKA BUKAS HINDI NA.
BAKA BUKAS, DI NA KO TANGA.