I started up my camera pagkatapos kong maayos ang sarili ko. phew, ngayon lang ako magkakaroon ulit ng maayos na vlog. I'm excited!
Inhale, exhale. You can do this Vanilla, kaya mo yan.
"Hello everyone! So yeah, this is the first time na magkakaroon ako ng maayos na vlog. I'm excited and the same time nervous!" tumawa nalang ako para matanggal ang kaba ko, "Anyways, WELCOME TO MY YOUTUBE CHANNEL! Meron ba kayong mga games na kailangan nyo ng tulong? hacks? cheats? feel free na magtanong sakin, i'll try my best na sagutin yan at ipakita sainyo kung pano. meron ba kayong interesting games na alam pero di kilala at gusto nyong i-promote? if-feature ko yan dito! I'll share my experiences, ipapakita ko kung pano laruin and ir-rate ko na rin!" I smiled habang naka thumbs up. "By the way, My name is Vanilla Marqueza, pero dahil friends na tayong lahat, just call me Vanvan! Syempre, hilig ko ang games. Buhay ko na yan." I laughed again
pero seryoso, Halos buhay ko na ang games. Okay, hindi naman sa di ako nag-aaral ano ba kayo? hahaha. Syempre studies parin! "Since introduction palang naman, sa next video ko nalang ako mags-share about sa mga games. pwede ko siyang i-base sa requests nyo, if ever na meron na. or kung wala, susundin ko nalang yung mga nakalagay na sa akin.""Vanilla Marqueza? Yan yung matanders na pero wala paring love life. Okay, joke lang yung matanders. I'm 24 years old, baby pa po ako." Matatawa ka nalang talaga sa mga pinagsasabi ko. baby pa ako? jusko Vanilla sinong niloko mo. "I'm a hopeless romantic. Di ko na maalala huli kong nagustuhan, masyado na ata akong nainlove sa games."
Yep, that's true. I'm nbsb, or No Boyfriend Since Birth. I don't know, siguro dahil school-bahay lang ako? Since I was a little kid, games na ang tanging focus ko. Di ako nagloloko sa school pero hindi rin naman ako matalino pag dating sa mga academics chuchu. Nakakapasa pero di nakakapasok sa may matataas ang grades. Ayos na yun, atleast mataba utak sa mga laro. May ibubuga na.
"May irereto ba kayo sakin? Hehe joke lang. Kung pwede ka lang sanang magkaboyfriend sa pamamagitan ng isang game, siguro nakarami na ako. kaso la eh, ganto talaga buhay. Hay nako!" I let out a sigh. 'Minsan napaka boring na rin ng gantong buhay. pero wala akong magagawa. Eto talaga eh. Gusto ko yung mararamdaman kong may risk yung ginagawa ko? Gusto kong ma-try na pumasok sa isang relationship. Gusto kong maranasan na may nagmamahal sakin, tapos mamahalin ko rin? All my life, games lang ang kasama ko. Pinanganak ata ako ng games? Charot. Ewan ko ba. Nakaka-pagod rin na puro nalang laro. Parang isang napaka-laking laro na rin ng buhay ko. Baka pati pagtanda ko mag-isa nalang ako sa kwarto, naglalaro parin. Charot lang, sensya na. Advance kasi ako mag-isip."
Buong video ko ata eh puno ng kalokohan.
Napag-desisyunan ko nang tapusin ang video, dahil wala rin pa naman akong plano or naka plano na i-share sakanila dahil intro palang ang naka-plano sakin.The video went well, onting edit lang ang ginawa ko. Nilagyan ko nalang ng mga bling bling chuchu pampaganda sa paningin, pero ayun natatawa parin ako at natutuwa dahil one of my dreams finally came true.
I posted it immediately on my YouTube account.
Vanilla PH
@vanillamarqueza
"Hello! Welcome to my YouTube Channel!"Ini-standby off ko ang laptop ko after kong mapost ang video, at inoff ko na rin ang wifi dahil sa sobrang kaba ko. I temporarily left my room at lumabas muna para maka-langhap ng sariwang hangin.
While I was walking, nakakita ako ng malapit na café at pinili ko na rin muna na tumambay dun. After ng vlog ko, sumakit ang ulo ko. Kahit pa kalokohan yun, nakaka-corrupt din ng utak ang mag-edit.
I ordered a frappuccino and glazed donut. I love this place kasi may free wifi tapos mabilis pa, and the place is so relaxing. Kaysa sa bahay, may wifi nga di naman relaxing. Minsan na nga lang umuwi sina mama sa bahay, wala pang ginawa kundi sermonan ako. Kaya mas prefer ko nalang na pumunta dito at maglaro, or tumambay sa kwarto at maglaro ng computer. Mas ayos pa, mas relaxing.
Mas dumami na ang tao at kailangan ko na ring i-check ang progress ng video ko kaya pinili ko na ring umalis. My body suddenly froze nang may nakabangga akong lalaki. Hindi ko nakita ang mukha niya, pero bigla nalang akong napatigil.
"Miss? Excuse me?" Bumalik nalang ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ng isang babae. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko na parang walang nangyare. Nakakahiya, nakaharang pala ako doon.
Habang naglalakad lakad ako, iniisip ko parin yung nakasalubong ko. He's familiar, pero di ko maalala kung nakausap ko na siya or baka nakasalubong ko lang din somewhere.
Anyways, sana kahit papano maka-rami rami na rin ako ng views.Pagkarating ko sa bahay, naghalo halo agad yung nararamdaman ko. Parang natatae ako, kinakabahan, natatakot, ewan.
"Anak, kain kana muna, sabay na tayo." My mom showed a big smile pati narin si papa ay ngumiti, but I just nodded at them. Lagi namang ganto yung scenario namin simula nung mawala yung totoong father ko. Hanggang ngayon, di ko parin matanggap.
Dali dali akong umakyat sa kwarto, nakaharap ako sa pinto ko habang iniisip kung bubuksan ko ba o hindi. My ghad, pano pa kaya pag nasa harap na ako ng laptop ko?
After ng pagd-desisyon ko, binuksan ko na nga ang pinto at tumakbo sa kama, kaharap ang laptop ko.
BINABASA MO ANG
My Virtual Boyfriend
Romantik"I love you, Tantan." "I love you too, Vanvan" -- Welcome to My Virtual Boyfriend! Please choose a Character! Tristan Luke Jake - I choose, Tristan. Do you want to customize him? - No.