Band

7 0 0
                                    

Habang mag isa ako sa garden may na aninag akong isang lalaking naka sout ng tuxedo...para bang tinatawag niya ako...

Lumapit naman ako sakanya at binigyan niya ako ng malawak na ngiti

"Ang ganda mo naman binibini"
At binigyan ko siya ng matamis na ngiti

"Ang gwapo morin naman ginoo"
Habang tinitignan ko siya kitang kita ko ang mala anghel niyang mukha

Kasing ganda niya ang bulaklak ay mali ang gwapo ng kanyang mukha....ang talas ng ilong ang bibig na masarap halikan...ang matang matutunaw ka....ang bisig ng kanyang katawan na masasabi mong nag gygym...

Ang gwapo niya at siya na ata ang lalaking hinihintay ko...siya na ata si mr. ri--

"HUY AKEMI GUMISING KA DIYAN!"
Napakamot naman ako

Nako naman oh...ganda na ng panaginip ko

"Wala kabang balak na pumasok ha?! Jusko akemi! Gumising ka sa tamang oras! Sanayin mo ang sarili na hindi naghihintay na gisingin!"
Sigaw sakin ni mama habang nakabusangot ang mukha

"Ma naman..."
Sabi ko habang humihikab

"Aba! Bangon na!bilisan mo kung ayaw mong iwanan ka ng kuya mo!"
Napabuntong hininga naman ako at agad tumayo palabas sa kwarto

Naman eh...

Busangot naman akong bumaba habang nakikitang kumakain na si kuya at si papa naman ay nanonoud ng telebisyon

"Huy akemi! Malapit na mag 7 wala kabang balak magmadali? Iiwanan talaga kita"
Tinignan ko naman si kuya na para bang sinasabing maghintay-ka-nga-look

"Tsk! Bilisan mo na! Pag 7 na di talaga kita hihintayin"

Ang aga pa naman eh! Jusko! Siya lang naman may gustong pumunta doon na 7am pa kasi may practice sila ng barkada niya

"Naman eh! Ang aga pa ng 7! Wala pang tao don!"
Sabi ko sakanya habang nakabusangot

"Aba! Bahala ka nga at hindi kita hih--"

"Oo na oo na! Kahit 9am naman talaga yung start ng klase"
Pabulong kung sabi

                        ~ ¤ ~

Paaralan

"Ano ba! Palagi mo nalang akong tinutulak ah!? Sakit na ng pwet ko! Piste ka!"
Inis kung sabi kay kuya

Pano ba naman kasi tinulak ako at ang sakit ng pwet ko

"Ang tagal mo naman kasing lumabas! Ang bagal bagal pa kala mo naman lola! Tsk"
at agad niyang pinark ang kotse

Nako naman ang sakit ng pwet ko

"Oh! Pareng Aurthus!"
Sabi nong kasama niya sa banda

"Oh pare! Nasan na yung iba?"
Sabi naman ng kuya kung piste

"Papunta pa sila max,troy at hans...kasama ko na si blake kanina kaso nawala mukhang nakadugwit ng chix pare"
At nagtawanan ang mga abnols

Napatingin naman sking gawi ang kasama niya

"Oh pare! Sino naman tong chix nato?"
Sabi niya at kunot noo naman akong  tinignan siya

"Gago! Hahahahahaha kapatid ko yan pare! Hinay hinay ka diyan amazona pa naman yan"
Sabi naman ni kuya sabay tawa

"Tsk! Sige! Mauna nako kuya ha! Salamat sa pagtutulak! Mga abnols!"
Sigaw ko at agad tinalikuran sila

One shot stories(published)Where stories live. Discover now