So basically nakatayo na ako dito sa pagkalaki laking pintuan ng school. Geez feeling naman nila maala higante ang dadaan tsk.
Kakatok na sana ako kaso bigla itong bumukas. Naiwan tuloy sa ere yung kamay ko. Aba wow yayamanin, automatic na pinto, sa moa lang ako nakakita nento eh. Ayy alam kaya nila yung moa? Hehehehe.
Geez carpeted yung hallway, nakakahiya namang tumapak dito. Tatanggalin pa ba yung sapatos?
So no choice tinanggal ko yung sapatos ko at tinahak ang daanan. Geez baka mamaya pag di ko tinanggal yung sapatos ko pagalitan at ipalinis pa to sakin.
Ang ganda at ang laki sa loob. Maala palasyo nga. Iba't ibang uri ng paintings and flowers ang nasa paligid. May malaking chandelier din sa itaas at kumikinang ito! Hanep pang mayaman talaga hehehe. Pero yung totoo, school ba talaga to o palasyo? Kung school na ito, geez what more pa kaya kung palasyo na ang napuntahan ko dito, mas bongga hahaha.
Habang naglalakad ako, may mga estudyanteng nakatingin sakin. Wait parehas lang ba kami ng language na ginagamit? Baka mamaya pang alien pala yung ginagamit nila, minumura na pala ako hindi ko pa alam.
"Is she a new student?"
"Look she has a key!"
"Why does she doesn't wear her shoes? Why she's walking only on her socks?!"
"Is she a elemental user too?"
"Of course she is you dimwit! Only elemental users can only have and control that key she's having tsk!"
Eh? Mga english speakenin pala to. Pero waaah thank god magkakaintindihan kami kaso nga lang ma no-nose blooding naman ako dito, puro english. Tsk di man lang nila tangkilikin ang wikang Filipino.
Pero kung puro English salita nila, does it mean nasa America ako? Or kahit na anong lugar sa ibang bansa na english ang pangunahing language?! Waaaah ang galing! Nakapag travel pa ako ng wala sa oras salamat sa susi na to hehehe.
I've decided na mag approach ng isang student. Kasi naman kanina pa ako ikot ng ikot dito, hindi ko makita yung guidance or principal's office nila.
"A-ahm hi miss. Ahm d-do you know where is the principal's office or either guidance here?"
Tanong ko sa babaeng nakasalubong ko. Geez tama ba grammar ko? Kinakabahan kasi ako ihh huhuhuhu.Napatingin sya sakin mula ulo hanggang paa. What the? Don't tell me isa to sa mga mean girls dito sa school! Gantong ganto kasi yung mga napapanood ko tapos nababasa. Isa yan sa mga habbit ng mga mean girls, titingnan ka mula ulo hanggang paa.
"W-why are you not wearing your shoes?" she ask
"Kasi ano, I mean it's because the floor is carpeted so you know I take off my shoes hehehe" Geez nararamdaman ko na. Nararamdaman ko na malapit ng mag dugo ang ilong ko. Jusme naman di naman kasi ako na inform na english pala salita nila dito. Dapat kasi may nakalagay sila sa may pinto na "English zone starts here. So you need to speak english" Ganyan kasi sa school namin may pa warning, pero di naman nasusunod, mema post at mema sabi lang naman tsk.
"Oh pero you don't need to take off your shoes, pwedeng maglakad ng nakasapatos dito."
Napanganga ako sa kanya. She snapped her fingers sa mukha ko.
"Hey" pagkuha nya sa atensyon ko