24 Hours Left
"You're here, dumating ka nga,"
I was smiling from ear-to-ear nang makita ang lalaking matagal 'ko nang gusto na nakatayo ngayon sa harap 'ko dito sa waiting shed ng bus station.
He's 30 minutes late. Akala 'ko talaga hindi na makakapunta at hindi sya seryoso sa pagpayag nya sa invitation ko para sa 24-hour-date na 'to. Malapit na akong mawalan ng pag-asa pero dumating sya... nandito sya.
"Hindi naman ako yung tipong di tumutupad ng pangako," walang emosyon ang pagkakasabi nya pero sapat na yon para mapangiti ako.
No Kobe, you never promised anything.
Malambing akong ngumiti sakanya bago ko ilahad ang palad 'ko sa harapan nya. I was smiling but at the same time, I'm also silently praying. Please... please, hold my hand.
Lito syang napatingin sa mga palad 'ko. Matagal nya iyong tinignan. Nangangalay na rin ako pero di 'ko yon pinahalata. Ngayon ko kailangan pa-andarin ang pagiging positive thinker 'ko. Maniniwala ako, maniniwala ako na hahawakan nya pabalik ang kamay 'ko.
"Gail, I don't think that is necessary," sabi n'ya na nagpatigil sa ilusyon 'ko. Marahan 'kong ibinaba ang kamay 'ko.
Minsan talaga, kahit anong subok mo, kahit anong positibo ang isipin mo, may mga bagay talaga na hindi nararapat na mangyari.
Katulad nalang ngayon. I was so disappointed and hurt pero hindi 'ko iyon pinahalata. I don't wanna ruin this day. This last day with him.
"I think so, too." peke akong tumawa bago kunwaring iniwas ang tingin para tignan kung may paparating na na bus. Naiiyak na ko. Harap harapan nya akong tinanggihan. Kung normal na araw lang ay malamang tumakbo na ako sa CR para umiyak.
I don't want others to see me cry. Especially him. I am our school's sweetheart, I am my friends happy pill and I am everyone's source of optimism. I don't wanna break that beautiful title.
Ayokong sirain ang araw na 'to. Naniniwala ako na there is something good ahead of this. Right! Maybe I failed on making my positive thinking come true awhile ago, pero hindi ibig sabihin non ay mamamali na ulit ako. Lord with positivity is all we need to have the things that we want aside from hardwork.
"Where are we going by the way?" tanong ni Kobe sa tabi 'ko. Nakasakay na kami ng bus ngayon at ito ako at pumapapak ng chips. I tried to share it with him pero tinanggihan nya. Baka busog pa sya.
"In a family-friend's resort. Don't worry nabayaran ko na in-advance ang expenses, I even purchased the activity package that they offered." masayang sagot 'ko sakanya. Like ever, I am wearing my sweet smile.
But his facial expression contrasts the one that I expected it to be.
"Bakit mo ginawa yon? I can pay it, instead. O di kaya ay pwede namang magkahati tayo." sagot n'ya nang hindi sa akin nakatingin.
Nanlaki ang mata ko nang marealize ang nagawa ko. Did I just hurt his ego? Gosh! Narinig ko na ang tungkol sa Men's Ego e. It was said na ayaw ng mga lalaki na sila ang nililibre. Shunga ka talaga, Gail! You just made a bad move.
Agad kong ipinagdaop ang palad 'ko at nanghingi na paumanhin sakanya. I even closed my eyes para makita nya ang sincerity 'ko.