First day of class namin ngayon, grade six na ko. eto yung grade na napagdesisyonan kong magseryoso sa study. Tamad kasi ako mag-aral, puro laro lang nasa utak ko, nood TV, kain, punta SM. Ganun. Pumapasok lang ako dahil sa baon. Siyempre baon yan! Pera din yan! kaya mga grade ko pinakamababa 75, minsan sisingit pa si 74 o 73, pinakamataas 83, minsan pagsinuswerte 85.
Bakit nagpag isipan kong magseryoso sa study?
Naispired ako sa bespren ko na kapitbahay namin, kaklase ko siya ah ngayong garde six. Swerte diba! May kakilala na agad ako sa room. May mga pangarap siyang gusto niyang matupad, tulad ng gusto niyang iahon sa hirap family niya, kasi nakikitira lang sila sa lola niya at madami silang magkakapatid, walang stable na work father niya at umaasa lang sila tita niyang nasa abroad. Eh matalino yung bespren ko. kaya naispired ako. siya din nagmulat sakin sa sayaw. Galing niyan sumayaw, parang si Rochelle ng sexbomb, eh nung grade six kami, sikat ang sexbomb.
Bigla kong naisip nun, kailangan ko na mag-aral ng mabuti. Para maganda section ko paghighschool. Saka para matuwa sila mama at papa sakin. Eh ako lang talaga di nag-aaral ng matino samin kasi kuya masipag mag-aral at matalino kahit di halata. Ayun napagdesisyonan kong magseryoso na. Saka masaya ako nun eh! kasama ko bespren ko. magtutulungan kami nyan.
Pagdating namin sa school hinanap namin agad yung room namin, bale alam na kasi namin yung building, may kanya kanyang building from grade 1-6, malapit building namin sa stage, or should I say paglabas mo ng building namin stage na agad makikita mo. So, nakita na namin yung room, kaso dadalawang isip pa kami kung section namin yun, pano ba naman yung napagtanungan namin akala niya section niya yung section namin. Mabuti may sumabat.
Andito na kami ni Lenie sa room. Magkatabi kami 2nd row kami. Ayoko sa unahan. Medyo madami na din kami dito. Aantay pa ng ibang classmate namin. Alam mo yung pwesto namin akala mo napag usapan, kasi nasa kanan yung boys, yung girls nasa kaliwa lahat. Diba parang napag-usapan lang.
So school pala namin ay Freedom Elementary School, meron ding Freedom National HighSchool, dyan kami maghahighschool, lalayo pa ba kami? So tahimik kami habang nag-aantay. Di din masyado maingay. Nahihiya pa ako niya. Minsan nga naiisip ko, pano kaya kami magiging magkaclose ng mga classmate ko? Sana ok sila.
Nag-uusap kami ni Leni nung bigla ako napalingon sa pintuan sa likod, may pumasok na lalaki na malamang classmate namin. Tinitignan ko siya habang paupo siya sa bandang likuran. Ang puti, kissable ng lips at ang pula, ganda ng mata, medyo matangos ang ilong, baby face siya. Ang cute niya sabi ko sa isip ko. Tapos bigla ako naramdam ng excitement sa buong katawan ko. ewan ko ba, tapos yung puso ko, ewan ang gulo. Ito ba yung tinatawag nilang love at first sight. Naku, eto na nga ata yun!“Leni!” tawag ko sa kanya sabay kalabit.
“bakit tuwang tuwa ka dyan?”
“Nalove at first sight ako!” bulong ko sa kanya
“Ha? Kanino?” tanong niya
“Yung lalaking kapapasok lang, yung maputi doon sa bandang likod, yung baby face.”Tapos pasimple siyang lumingon.
“Ang gwapo ah!” leni
“Cute siya, di gwapo, di nakakasawa eh?”
“Ui, kinikilig.” Pang aasar niya
“Ano kaya name nya noh? Sana maging close kami.” Sabi ko habang nakatawa
“Ako bahala.”
“Ano gagawin mo. ayoko niyang iniisip mo.”
“eto naman, tutulungan ka na nga.”
“Wag na. Nahihiya ako.” tapos pasimple ko siyang tinignan sa likod.Nakasmile siya! Ang cute niyang tignan! Kakilala niya siguro yung kausap niya. Sana maging close kami. Crush ko talaga siya!
…………………………………………………………………..
Sa tingin ko kumpleto na kami. Kaya pumasok na yung adviser namin. Babae siya. Nasa mid-30’s. ang puti at ang ganda niya kahit medyo chubby.“Hello class, ako ang magiging class adviser nyo, ako si Aida Tarre, you can call me ma’am aida or ma’am tarre. So ang subject na hawak ko ay EPP. ” ma’am tarre.
Ang bait niya kahit mukhang mataray. Tapos nagpakilala kami isa- isa, siyempre una yung mga nasa kanan, puro boys. Isa lang naman inaabangan ko diyan eh! sino pa ba si crush. Tagal naman. Sa likod pa kasi nakapwesto. So after so many years sya na! Excited ba?
BINABASA MO ANG
Lost In Thought
FanfictionThis story is all about reminiscing the past. The first time I experienced what they called "love at first sight".