Winning Rue Valmonte's Heart

19 0 0
                                    

Written by Jeydeeyah

All rights reserved 2018.

Winning someone's heart would be difficult. It would take a lot of courage in order for you to get what you want. But there's nothing braver than giving a try and risking all you have to be loved back by someone you admire for a long time no matter what it takes.

"I love you, Rue!"

Sigaw ko nang makita ko ang long-time crush kong si Rue Valmonte sa hallway.

Natuwa ako kasi biglang tumahimik ang lahat ng nandoon at lumingon siya sa'kin.

Kilig!

"Sum!?"

Biglang hila sa akin ng bestfriend kong si Mika at pinilit akong magtago sa isang classroom.

"Bakit ba tayo nagtatago?"

Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Hindi naman ito ang unang beses na ginawa ko 'yon at alam naman ng halos lahat na gusto ko si Rue.

"Nakakahiya ka talaga. Bakit ginawa mo na naman 'yon?!"

Pabulong na sabi niya sa akin habang nagtatago pa rin sa classroom.

"Ano namang masama sa ginawa ko? Sinabi ko lang naman ang totoo kong nararamdaman para kay baby Rue ko ah."

Naka-pout kong tugon sa kanya.

"Aysh. Halika na nga."

Naglakad na kami pauwi at kaagad siyang nagtungo sa study table niya't kinuha ang ballpen at notebook niya pagkaakyat namin sa kuwarto.

"Heto, tingnan mo 'to."

Lumapit naman kaagad ako at bahagyang sinilip ang ginagawa niya.

"FLAMES na naman ba 'yan?"

Walang gana kong sagot sa kanya.

"Gaga, hindi. Dahil na rin hindi kita mapigilan sa pagkabaliw mo sa Rue na 'yon na halos pati reputasyon ko ay masira, I can't take this anymore. Tutulungan na kita sa kahibangan mo para matapos na din 'to!"

Nagliwanag ang mga mata ko nang sabihin niya ang mga katagang 'yon.

After 71 years, nakapag-isip na rin ng tama ang bestfriend ko.

I hugged her and quickly sat beside her.

Nakita ko ang notebook na may hearts design sa gilid at sinimulan niya 'yong sulatan.

"How to win Sabian Rue Valmonte's Heart"

"E?"

'Yon na lang ang nasabi ko nang isulat niya 'yon sa front page ng notebook.

"Bago natin simulan ang misyon na 'to, gusto kong itanong sa'yo Tamara Summer Gallego, gusto mo ba talaga si Sabian Rue Valmonte?"

"Oo! Gustong gusto!"

Walang pag-aalinlangang sagot ko sa tanong niya.

"Hays. Hindi ka man lang ba marunong magpakipot kahit konti, Sum?"

"Ha? Sinagot ko lang naman tanong mo 'diba."

"Whatever. Okay, let's do this!"

Sabay kaming tumango at nag-search na siya sa internet pagkabukas niya ng laptop.

I saw her taking down notes until she enumerated these ways how would I win Rue Valmonte's heart.

Winning Rue Valmonte's HeartWhere stories live. Discover now